The Clash finalist Josh Adornado comments on being tagged as Mark Bautista lookalike

IMAGE @iammarkbautista on Instagram / Noel Orsal

The Clash finalist Josh Adornado (right) has another thing in common with Mark Bautista aside from being his lookalike.


Kahawig ng The Clash clasher (grand finalist) na si Josh Adornado ang balladeer na si Mark Bautista.

"Opo nga po, nakikita ko nga po sa mga comments."

Hindi pa niya nakikilala nang personal si Mark.

"I haven’t… pero taga-Cagayan de Oro din po siya so dapat…"

Ayon pa kay Josh, pareho rin daw sila ni Mark ng mga naging musical mentors sa CDO.

"Like si Sir Dave Alba, dati po niyang piyanista po sa CDO and I got to work with him also and he was helping me out in CDO kasi si Dave Alba used to be my mom’s pianist sa CDO way back."

Gaano kalayo ang mga lugar nila ni Mark sa CDO?

"I don’t know where he lives in Cagayan de Oro po kasi nung lumipat po ako ng Cagayan de Oro, nandito na po siya sa Manila."

Si Mark ay produkto rin ng reality program na Star For A Night, na umere sa IBC-13 noong 2002, kung saan siya ang first runner-up ni Sarah Geronimo.

Kamakailan ay umamin si Mark na siya ay bisexual.

Ano ang naramdaman niya nang nag-out si Mark bilang isang gay man?

"Oh, about that… I’m full support to what he thinks is best for him.

"I think we’re all adults and as long as happy siya sa life niya and as long as wala siyang tinatapakang ibang tao.

"I think he should just go on with his life.”

Nagulat ba siya?

"Nagulat? How would I say it? Parang feeling ko at this point in time, parang things like these are not you know, shocking anymore.

"Parang kumbaga, when I heard about it, it’s like good for him, nakakatuwa po.

"So I wouldn’t necessarily say I was shocked, nor surprised, nor… it was more like a neutral feeling towards it."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Normal na sa isang lalaki na kapag pumasok sa showbiz, either ma-tsismis na bading o may karelasyong bading.

Handa ba si Josh maintriga na may gay lover or gay siya?

Sagot niya, "Honestly, ako po, if people think that way, that’s their predicament.

"Ako po, I know myself better and what matters most is kilala ko yung sarili ko po.

"And I don’t think I have to prove anything to people if that would come up.

"As long as I know the truth, I know my… parang my preference in terms of gender, then I don't think there's any problem if they confront me with these questions.

"I will just say no.

"Because I know myself po."

Walang girlfriend si Josh ngayon dahil naka-focus raw siya sa The Clash, na napapanood tuwing Sabado at Linggo sa GMA-7.

Twenty three years old si Josh at huli siyang nagkarelasyon two years ago.

Naligawan na ba siya ng bading?

"Naririnig ko po yung mga tipong they admire, probably what I do."

Wala ba yung tipong nag-alok sa kanya ng kotse o bahay?

"Yun, hindi pa po. Nananawagan po ako. Biro lang po!

"Pero hindi naman po, I haven’t… sana po meron, kailangan ko ng bagong sapatos. Joke lang po, joke lang po!"

Hindi pa rin daw siya nakatanggap ng indecent proposal.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Josh sa media presentation ng 12 grand finalists ng The Clash noong Miyerkules, August 29.

Sa grand finals ng The Clash ngayong September, ang iba pang makakalaban ni Josh ay sina: Garrett Bolden, Anthony Rosaldo, Danielle Ozaraga, Esterlina Olmedo, Golden Cañedo, Kyryll Ugdiman, Lyra Micolob, Mika Gorospe, Mirriam Manalo, Melbelline Caluag, at Jong Madaliday.

IDOLIZING REGINE VELASQUEZ

Music idol ni Josh si Regine Velasquez, na siyang host ng The Clash.

"I think, career-wise po, we will agree na si Ms. Regine Velasquez-Alcasid talaga is someone to look up to."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Baka maintriga siyang bading dahil ang idol niya ay si Regine na idolo ng mga bading.

"Hindi po! Kumbaga in terms of the longevity of the career and the way she utilized her talent po talaga na she is Regine Velasquez.

“Kumbaga kumanta siya, kilala na siya, iyon. And siya naman po talaga ang pinakasikat na singer sa Pilipinas.

"Kumbaga, kung magkakaroon ka po ng aim, si RVA na po, wala ng iba. Kasi siya pa rin ang the best singer we have.”

Natulala raw siya at halos hindi nakakanta sa unang pagkikita nila ni Regine nang sumali siya sa The Clash.

"Sobrang fanboy po ako, hindi ko maipaliwanag  yung naramdaman ko nang mga oras na yun."

Kinailangan pa raw niyang kalmahin ang sarili niya sa unang beses na may production number silang mga clashers kasama si Regine.

Mahigit isang daang beses rin daw niyang pinanood ang number nila with Regine sa YouTube.

Sa mga lalaki naman ay si Martin Nievera ang idolo ni Josh.

Lagi raw niyang pinapanood ang mga concerts ni Martin noong bata pa siya.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN