Meet the Top 12 Clashers of GMA-7's reality show The Clash

IMAGE Noel Orsal

The  Top 12 finalists of The Clash (L-R) Anthony Rosaldo, Danielle Ozaraga, Esterlina Olmedo, Garrett Bolden, Golden Canedo, Josh Adornado, Kyryll Ugdiman, Lyra Micolob, Melbelline Caluag, Mika Gorospe, and Mirriam Manalo. Jong Madaliday wasn't able to make it to the grand presscon due to illness.



Pagkatapos ng tatlong rounds ng paghaharap ay opisyal nang nabuo ang Top 12 Clashers ng reality-singing competition na The Clash.

Noong Miyerkules, August 29, ay ipinakilala sa media ang grand finalists ng GMA-7 singing contest sa pamamagitan ng isang grand press conference na ginanap sa 17th floor ng GMA Network Center.

Ilan sa mga tanong na ipinasagot sa bawat isa kanila ay kung bakit sa palagay niya ay siya ang dapat tangahaling kampeon sa naturang singing contest ng GMA-7, at pangalawa ay kung sino sa palagay niya ang malaking threat sa kanyang mga kalaban sa kahusayan.

Kilalanin ang Top 12 grand finalists ng The Clash sa pamamagitan ng mga sagot nila:

ANTHONY ROSALDO

Kilala bilang ang "Matinik na Heartthrob ng Valenzuela," ipinaliwanag ni Anthony kung bakit siya ang dapat na manalo sa The Clash.

Sabi niya, "Ako po ang dapat manalo sa first season ng The Clash kasi naniniwala ako na this time, ito na po yung panahon ko para ipamalas sa lahat kung ano po yung kaya kong gawin.

"And pinagpaguran ko po, e, kumbaga hinintay ko po ng matagal na makaabot dito, and I know, marami pa po akong pwedeng ipakita na hindi ko pa nailalatag sa competition."

Para kay Anthony, ang mahigpit niyang kalaban ay si Esterlina Olmedo.

"Sobra po ang karisma niya, pag kumakanta po siya, hindi po natin aakalain na manggagaling sa kanya ang boses na ganun, e.

"And everytime she performs, talagang masha-shock po kayo kasi nahi-hit niya talaga ang matataas na notes for her age po kaya sobrang bow po ako kay Mommy Ester."


 

DANIELLE OZARAGA

Ayon sa "Sultry Biritera ng Cebu," siya ang dapat manalo sa The Clash dahil "isa po ako sa mga nabigyan ng second chance sa The Clash kasi actually, noong final callback, hindi po talaga ako natanggap."

May nag-backout daw sa Top 16 kaya siya tinawagan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I think destiny po talaga na naging part ako ng Top 12. Ipu-prove ko po sa lahat na deserving ako sa chance na ibinigay sa akin, every performance ko, ginagalingan ko at itinataas ko ang bandera ng Cebu."

Sina Kyryll Ugdiman at Jong Madaliday (na hindi nakadalo sa mediacon dahil may sakit) ang itinuturing niyang mahigpit niyang makakalaban.


 

ESTERLINA OLMEDO

Sinabi naman ng "Mommy Tiger ng Cebu" na karapatdapat siyang manalo dahil sa kabila ng edad niyang fifty years old ay nakakaya pa niyang makipagsabayan sa mga kalaban niyang mas bata.

Itinuturing naman niyang biggest threat sa kanya sa husay si Mirriam Manalo.

“Kasi Manalo na ang apelyido, e,” at tumawa si Esterlina.


 

GARRETT BOLDEN

Ayon naman sa "Tower of Power ng Olongapo," siya ang dapat na manalo sa The Clash sa dami ng pinagdaanan niyang rejections noon.

"Madami na rin po akong napagdaanan na kumpetisyon at rejections. At kada po nare-reject ako, e, sinusubukan ko pong mag-aral pa ng panibagong… kung paano ko mama-master ang pagkanta ko.

"Pero ngayon na nakarating ako sa Top 12, and hopefully maka-push thru pa, I want to win the very first season of The Clash.”

Katulad ni Esterlina, greatest threat rin daw para kay Garrett si Mirriam Manalo.


 

GOLDEN CAÑEDO

"Ako po yung deserving na manalo kasi po sa mura ko pong edad, nakatuntong po ako dito sa The Clash, nakabilang po ako sa Top 12," pahayag naman ni Golden, na tinuturing na "Golden Girl ng Cebu" ng The Clash.

Pagpapatuloy pa niya, "Tapos po binibigay ko din po talaga yung best ko sa mga performances ko, yung lahat-lahat para sa pamilya ko."

Dalawa ang itinuturing niyang mahigpit na kalaban.

"Sina ate Mirriam [Manalo] po dahil biritera din po siya na katulad ko po at tsaka si Kyryll [Ugdiman] po dahil same age lang po kami at yung boses po niya ay iba sa mga biritera, na matataas po ang boses namin pero siya po chill-chill lang."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


 

JOSH ADORNADO

"Para po sa akin, deserving po akong manalo dito sa The Clash dahil feeling ko po, panahon na para marinig yung mga katulad kong mga hindi malalaki ang boses masyado,” at tumawa si Josh Adornado, ang "Cute Crooner ng Cagayan de Oro."

Dagdag pa niya, "Marami po akong experience na hindi po well-appreciated dito sa atin.

"Yung hindi tipikal na bumibirit, yung hindi tipikal na parang may mold po ng pagiging contestant so feeling ko po, it’s time na something new to the table naman po.

"Gusto ko rin pong ma-share yung mga experiences ko po, ayun, rejections, and I want to inspire people that music is fun, masaya po ang musika.

"At iba-iba man ang rason namin ng pagsali, isa lang po talaga ang main purpose and that is because we all love to sing.”

Biggest threat para kay Josh si Anthony Rosaldo, dahil complete package rin daw si Anthony.

"So I think he deserves to win, too."


 

KYRYLL UGDIMAN

Sinabi naman ng "Millennial Chick ng Ilo-ilo" na deserving siyang manalo dahil sa kanyang pangarap.

"I deserve to win po kasi matagal ko nang pangarap, to acknowledge po the talent na ibinigay po ni Lord sa akin and gagawin ko po lahat for me to win.

"And yung threat po sa akin is si Jong kasi kakaiba rin yung style niya and he is so good po talaga."


 

LYRA MICOLOB

"I think I deserve to win in this competition, in the season of The Clash, kasi I've been really prayng for this,” sinabi naman ni Lyra Micolob, ang "Soul Sistah ng Davao."

Patuloy niya, "Ang dami ko na pong nasalihan na contest na puro din ako rejections kasi I’m a typical singer na hindi bumibirit pero I can give you a powerful and total performance to give you a good show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And everytime na nagpe-perform po ako, lagi ko pong aim is mag-enjoy ang audience. And I think deserve ko po kasi siguro it’s time na marinig na kahit hindi bumibirit, e, puwedeng makipagsabayan at puwedeng manalo sa competition."

Si Mirriam rin ang threat para kay Lyra.

In terms of range, power and soul ay si Mirriam raw ang nagde-define ng kahulugan ng The Clash.


 

MELBELLINE CALUAG

"Deserving po akong manalo kasi tulad po naming lahat, na-reject na po kami, marami na po kaming nasalihang mga contest pero sa akin po, kaya po ako sumasali ginagawa ko po yung mga rejections na inspiration po para po sa pamilya ko,” pahayag ni Melbelline Caluag, ang "Belter Babe ng Bulacan."

"Ayoko po na mananalo po ako dahil gusto kong magpasikat. Gusto ko pong may mapatunayan hindi lang po sa pamilya ko, kundi para rin po sa Bulacan.

“Para po sa kanila ang laban ko."

Si Mirriam rin ang "kinatatakutang" kalaban ni Melbelline.

"Kasi po siya po talaga yung pinakamagaling dito. Hindi lang po basta bumibirit siya, alam po namin na may puso po siya pag kumakanta."


 

MIKA GOROSOPE

Ayon naman kay Mika Gorospe, ang "Singing Sweetheart ng USA," dapat siyang manalo dahil ang talagang kanyang ipinunta sa Pilipinas ay ang katuparan ng kanyang pangarap.

"Ako po ang dapat manalo sa first season ng The Clash kasi ito po talaga yung pangarap ko. Ito po yung rason ko kaya ako nagpunta dito sa Pilipinas and kahit po sixteen years old lang po ako, I will have a lot of time to learn and to improve myself.

"And I think that is something you need in the industry.

Subalit tulad rin ng ibang clashers, "I’m scared to go against, ang biggest threat po sa akin ay no other than ate Mirriam. Because po magaling po siyang bumirit and talagang may puso siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Magaling siya sa mga dynamics and siya yung, I always ask kapag, ‘Okay lang ba yung kanta ko?’ Ganun po."


MIRRIAM MANALO

Nagpasalamat si Mirriam sa mga co-clashers niya dahil siya ang may pinakamaraming pumili na mabigat na kalaban bago sinabi ang rason niya para siya ang manalo.

"Guys, thank you so much sa appreciation niyo, talagang na-appreciate ko kayong lahat. Lahat naman tayo, magagaling, e. Lahat naman tayo may uniqueness, di ba? Kaya laban lang tayo."

Deserving raw manalo ang "Fierce Diva ng Pampanga" dahil beterana na siya pagdating sa mga singing contests.

"I think I deserve to win kasi twelve years old pa lamang po ako ay sumasabak na po ako sa mga pakontes sa telebisyon pero wala po talagang nangyayari.

"Now, I am twenty six, ito na po yung pinaka kumbaga matagal na  nag-stay ako sa isang competition.

“And I feel like this is the proper timing na ibinigay sa akin ni God dahil po sa lahat ng mga struggles ko sa buhay dahil isa po akong breadwinner.

"And I always think na lalaban ako para sa family ko but this time I have another reason to win this competition, I want to win this for myself and my baby.”

Nasa ika-apat na buwang niyang pagdadalang-tao ngayon si Mirriam.

Biggest threat naman para sa kanya si Esterlina.


Ngayong September magaganap ang grand finals ng The Clash na napapanood tuwing Sabado pagkatapos ng Pepito Manaloto at tuwing Linggo pagkatapos ng Daig Kayo Ng Lola Ko.

Hindi nakadalo noong media conference si Jong Madaliday, ang "Trending R&B Star ng North Cotabato."

Noong nakaraang September 1 at 2, una nang natanggal sa Top 12 sina Melbelline Caluag at Mika Gorospe.

Ang host ng The Clash ay ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN