Monsour del Rosario reveals why he refused roles in Ang Probinsyano

Makati City First District Representative Monsour del Rosario explains why he is choosy in accepting roles now that he is a public servant.


Labing-tatlong taong nawala at hindi napanood ang action star-Taekwondo expert na si Monsour del Rosario sa paggawa ng pelikula at proyekto sa telebisyon.

Kasalukuyan itong congressman ng first district ng Makati City, pero bukod sa kawalan ng action films, ang mga klase raw talaga ng roles na ino-offer sa kanya ang isa sa dahilan kung bakit mahigit isang dekada siyang nawala.

“Yung mga roles. Kinukuha ko sa TV show ni Coco Martin, yung Ang Probinsyano. Tinatawagan ako dahil yung mga dating action stars, naglalabasan dun.

“E, sasabihin sa akin, 'Cong, may offer kami sa yo.' Sabi ko, 'Ayos 'yan, maganda. Anong role?' 'Congressman ka.'

“Sabi ko, 'Kaya kong gampanan 'yan, araw-araw kong ginagampanan 'yan sa buhay ko, madaling gampanan yan.'

“'Tapos sabi ko, 'Ano ang kuwento?' 'Ikaw ang congressman na protector ng drug lords sa Makati City.' Sabi ko, 'Pangit naman. Congressman ako sa Makati 'tapos protector pa ko ng drug lords... Ayoko niyan, yung medyo positive [dapat].'”

Makalipas daw ang tatlong buwan, muli raw siyang tinawagan ng Ang Probinsyano para alukin muli. 

Kuwento niya, "Sabi nila, 'May role kami sa 'yo. Siguro ito magugustuhan mo. Para kang si Bato [dela Rosa], police general,'" na ang tinutukoy ay ang dating Police Chief at Bureau of Corrections Director na ngayon.

Patuloy ni Monsour, "Sabi ko, maganda, wala kang tiyan, naka-uniporme ka, PNP. Then sabi ko, 'Ano ang kuwento ng pulis?'

"Yun pala police general na protector ng congressman, na protector ng drug lords. Sabi ko, 'Ang pangit naman.'

“'Tapos sabi ko, 'Wag namang mga ganyan. Puwede bang mentor ako ni Coco? Nagtuturo ako kay Coco na bumaril o nag-iinspire kay Coco na maging pulis.”

Kung kontrabida o masama ang karakter ay talagang hindi raw niya tatanggapin.

Aminado ito na dahil na rin sa pagiging congressman niya kaya pinipili niya ang gagampanang papel. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Alam niyo, kung hindi ako congressman, I don’t mind playing bad guy dahil hindi ako choosy. Being a public servant, you have a responsibility of having your image known to people.

“We don’t want to be in that category. We know naman people na no read, no write na, 'Ang galing niyang mag-portray na protector. Baka sa totoong buhay ganyan siya.'

“Alam mo na, nadadala sila sa acting mo.”

CONFLICT WITH CONGRESS WORK

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Monsour sa presscon ng comeback movie niya na The Trigonal sa Max’s Restaurant noong September 7.

May naging offer rin daw sa kanya ang GMA-7 para sa isang teleserye, pero magko-conflict naman sa schedule niya sa Congress.

Paliwanag niya, “May trabaho ko sa Congress at ang pangit na mag-aabsent ako sa Congress at malalaman, 'Nasaaan siya?' Nagte-taping. Ano ba talaga ang gusto mo? Maging public servant o maging artista?  Siyempre, priority ko ang pagiging public servant ko.”

Natutuwa ba siya na nakatatanggap pa rin siya ng mga offers sa telebisyon?

“Siyempre, flattered ako dahil hindi na ko single, family man na ko, tumahimik na ko. Pero may mga offer pa rin na, 'Kunin natin si Monsour, bigyan natin ng role na ganito.' 

“Siyempre, happy rin naman ako dahil acting is my second love, e. First love ko is the martial arts dahil dun ako galing.”

Naalala namin na isa sa cast ng Ang Probinsyano ay ang ex-girlfriend niya na si Dawn Zulueta. Base sa inaalok na role niya, may posibilidad na nagkasama pa sana silang dalawa ni Dawn. 

Kuwento niya, “E, si Dawn, yung dalawang anak niya ay estudyante ko sa Taekwondo. Noong maliit sila, panay ang practice nila sa gym ko.

“Wala naman kaming problema ni Dawn. Kahit kay Agot [Isidro], wala rin kaming problema ni Agot.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Agot ay isa rin sa mga naging ex-girlfriend ni Monsour.

Hindi siya nanghinayang na reunion project sana nila ni Dawn?

“E, kung kontrabida ka, masama—basta positive ang role, okay ako run.”

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN