The Clash Top 6 talk about show's impact on their lives

IMAGE Noel Orsal

The Clash Top 6 are (L-R) Jong Madaliday, Garrett Bolden, Golden Cañedo, Anthony Rosaldo, Mirriam Manalo, and Josh Adornado. They will join GMA-7's upcoming musical variety show titled Studio 7.



Sa darating na Linggo, September 30, ang grand finals ng GMA-7 singing competition The Clash, hosted by Regine Velasquez-Alcasid at kinabibilangan ng Kapuso judges na sina Lani Misalucha, Christian Bautista, at Ai-Ai delas Alas. 

Dito ay maglalaban-laban ang The Clash Top 6 kabilang ang "Matinik na Heartthrob ng Valenzuela" na si Anthony Rosaldo,  ang "Tower of Power ng Olongapo" na si Garrett Bolden, ang "Golden Voice ng Cebu" na si Golden Cañedo, ang "Trending R&B Star ng North Cotabato" na si Jong Madaliday, ang "Cute Crooner ng Cagayan de Oro" na si Josh Adornado, at ang "Fierce Diva ng Pampanga" na si Mirriam Manalo.

Sa ginanap na presscon ng The Clash Top 6 sa GMA-7 noong Martes ng hapon, September 25, kapansin-pansin ang malaking pagbabago sa personalidad ng mga nabanggit. 

Nang mausisa ang mga ito tungkol sa pagbabagong nagawa ng pagsali nila sa pinakamalaking original concept talent search ng Kapuso network, isa-isang nagsalita ang anim.

Ayon kay Anthony Rosaldo, “Personally nabago po yung pagtingin ko po sa pag-abot sa pangarap ko na hindi po imposible kung pinagpaguran mo yung gusto mo. 

“Ngayon po napakalapit namin, kahit po sa part ng competition namin alam ko somehow naabot ko yung pangarap ko.

"I couldn’t be more happier and sobrang grateful po ako, kaya nagpapasalamat ako sa The Clash na binigyan po ako ng opportunity na mapasali sa prestihiyosong competition na ito.”

Sabi naman ni Garrett Bolden, “Siguro po ang masasabi ko na nabago sa akin, yung the way po na humarap sa tao. Bago po ng The Clash kumakanta po ako pero medyo mahiyain po. Ngayon po nagkaroon po ako ng confidence na to show myself, to show my talent.”

Pahayag naman ni Golden Cañedo, “Nagbago po yung takbo ng buhay ko. Noon po sa Cebu lang po ako nagsi-singing contest, doon lang po ako sa Cebu ako nakilala.  Ngayon po kahit bata pa ako, nandito ako nakasama po ako sa Top 6.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nung nandoon po ako sa Cebu, wala po akong paki sa personalidad ko, sa pagkatao ko. Pero nagpunta po ako sa The Clash at tinuruan po nila ako kung paano i-guide yung sarili ko at kung paano makisalamuha sa ibang tao.”

Sagot ni Jong Madaliday, “Nabago po sa buhay ko is yung panlalait ng tao, pananapak, ganyan po. Saka natuto po akong makisalamuha sa iba’t ibang tao dahil sobrang shy ko po [dati]. Sa The Clash ko po natutunan yung confident na tinatawag since day one po yun.”

Ayon naman kay Josh Adornado, “Para po sa akin, dati po bago ako sumali sa The Clash lagi ko pong yung intensity na feeling ko po, ibig sabihin pagbi-build masyado maganda yung kinakalabasan.

"Yun po yung natutunan ko sa The Clash na the more you relax on the stage, mas nabibigyan mo ng tamang message mo sa kanya.  And also dealing with bashers.

“Kumbaga,  ang natutunan you just have to stick to your gut-feel po na alam mo sarili mo you’re doing your best at wala kang tinatapakang tao, masaya na po ako na nai-share ko yung talent ko sa iba.”

Sabi naman ni Mirriam Manalo, “Personally, ang pinakabago po ay yung patience ko. Kasi po kapag nasa industry na ito kailangan talaga mahaba yung pasensya mo.

"And also sa lahat po ng pinagdaanan naming workshop, talagang maraming nabago sa amin, maraming na-improve, maraming opportunity  na naibigay ang GMA para mas gumaling pa kami sa industry na ito.”

Nagpahaging ang Vice President for Entertainment na si Ms. Lilybeth Rasonable sa posibilidad ng pagkakaroon ng season 2 ng The Clash sa mga susunod na buwan o taon.

Sagot ng nasabing Kapuso lady boss sa tanong kung magkakaroon ba ng Season 2 ang The Clash:

“Siguro dahil sobrang successful parang hindi naman maganda kung wala, di ba? Sana, sana.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kinumpirma rin ni Ms. Rasonable ang pagsali ng Top 6 clashers sa bubuksang musical variety show na pinamagatang Studio 7.

Sabi pa niya, “Siyempre naman, sayang naman yung napakahusay na talent, overflowing talent ng mga clashers kung hindi natin gagamitin. So, they will be part of the show.”

Bagamat hindi sakop ni Ms. Rasonable ang GMA Records, ang record album arm ng Kapuso network, naniniwala siyang magkakaroon ng recording project ang mga finalists.

Aniya, “I’m not from GMA Records but they are there during the competition. Nandun sila, nanonood sila, nag-o-observe. So, I think may plans yan kasi sila nandun. Tinitignan nila yung mga clashers.”

Samantala, bago pa nagsimula ang presscon proper ay isa-isang nagperform sina Anthony, Garrett, Golden, Jong, Josh, at ang five months pregnant na si Mirriam.

Nagpamalas ng kanilang galing sa pagkanta at pagbirit ng high notes ang anim.

Tinanong ng PEP kung nagkaroon ba sila ng training sa pagkanta nong maliit pa lang sila kaya ganito katindi ang kanilang vocal power?

Ani Anthony, “Para sa akin naging training ko yung pagbabanda ko. Ilang years akong nagbanda, nag-vocalist abroad. Nagpunta po ako sa Japan, Singapore, Malaysia.  Every night po kaming kumakanta. 

“Ang pagsu-show band po requires na kailangan alam mo lahat ng genre, hindi puwedeng isa lang. 

“Yun po talaga ang nagbigay sa akin ng versatility. Never po akong humindi sa kahit na anong songs na ibinibigay sa akin.  As much as possible i-pull off ko po yun sa the best na makakaya ko.”

Sagot naman ni Garrett, “Parehas po kami [ni Anthony] nagbanda na po ako before ng The Clash, nag-a-abroad po kami ng banda ko. Pero nong bata po ako mahilig po akong kumanta sa karaoke. 

“Magdadala lang po ako ng 20 pesos na tigli-limang piso pero marami akong makakanta kasi yung mga nandun bibigyan ako ng lima-limang piso para makakanta ako. Kahit hindi ko alam yung kanta, i-imbento ko lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala po akong formal training sa pagkanta, yung hilig lang po sa pagkanta talaga.”

Ayon naman kay Golden, “Never po akong nag-voice lesson. Never pong may nag-coach sa akin. Yun pong parang pinapanood ko lang po sa YouTube yung mga kanta, 'tapos sinusunod ko lang po, kinakanta ko sa mga kontes. Nanalo naman po ako."

Twelve years old daw si Golden nang magsimulang sumali sa singing contests. Dagdag niya, "Pero nong kindergarten po ako doon ako nagsimulang makita yung talent ko. Saka nag-stop po ako, kain dito kain doon. Masarap po talaga yung mga ice cream.

“Parang feeling ni Mama nasisira po [ang boses]. Pero sayaw po ako noon. Bumalik po [sa pagkanta] nong bumalik po si Papa galing abroad. Bumalik yung pagkanta sa school po, 'tapos sa barangay po namin dahil may singing contest po doon, pinakanta po ako ni Papa, 'tapos nanalo po ako.”

Kuwento naman ni Jong, “Yung pagpi-play ko po sa street. After po ng school nagpi-play po ako sa palengke, nagpi-play po ako ng acoustic, nagsusulat po ako ng mga kanta. Yun po ang nagpatatag sa akin.

“Actually po, first time ko po talagang sumali ng contest.

“So, habang tumatagal siguro mga two hours yung bina-byahe namin, nagpi-play sa bar. 'Tapos may nahanap din po ako tutulong sa aking magpi-play ng music, then, pina-improve pa kung paano hahawakan yung gitara.

“Ginawa ko pong inspirasyon lahat ng nangyari sa buhay ko, sinusulat ko po lahat.”

Sagot naman ni Josh, “Simula po nung puberty ko nahirapan po ulit akong kumanta kasi po bumaba yung boses ko.  Yung nag-udyok po sa akin yung eagerness to learn kasi siyempre, mahal po mag-enroll sa music school kaya free tutorials online. Tina-try ko pong sundan yun.

“Sa school rin po kapag nakakasalumuha ko yung magagaling na singers, nai-inspire ako, uy, baka puwede kong i-try. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung kumukuha po ako ng inspirasyon from other people. Plus of course, watching online videos, sina Usher, Chris Brown how they perform.

Ayon naman kay Mirriam, “Just like Garrett and Anthony, nahasa rin po ako sa banda. 

“Yun po talaga ang pinaka naging training ground ko hanggang sa napunta dito sa The Clash at binigyan ako ng opportunity ni Miss Jaye, talagang ang dami naming na ‘Wow, ganun pala.'

“Akala namin, okay na yung ginagawa namin, pero hindi pa pala. Marami pa pala kaming puwedeng matutunan.”



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN