Vic Sotto on sitcom with Maine Mendoza: "Big budget 'to."

IMAGE @direk_chris_martinez on Instagram

Vic Sotto (right) on his upcoming GMA-7 sitcom Daddy's Gurl: "We're shooting it like a film." He will be joined by Maine Mendoza (left) and Wally Bayola (middle).



Muling nagbabalik sitcom si Vic Sotto sa pamamagitan ng Daddy’s Gurl na mapapanood na ngayong October sa GMA-7.

Maraming bago na ngayon niya lang gagawin sa sitcom kung ikukumpara sa mga nakaraang sitcoms niya.

“Yung huli ko, Hay Bahay sabi ko, medyo magpahinga muna. Kung gagawa ulit ng sitcom, dapat yung kakaiba,” lahad ni Vic nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment press sa Studio 4 ng GMA Network sa plug shoot at pictorial nila para sa show.

Ayon kay Vic, “Kakaiba in the sense na production-wise, technical-wise, e, galing ako sa mga sitcom na studio, e. This time, on-location kami. Pati yung mga condo scenes, Manila scenes kasi taga-Batangas kami. We’re shooting it like a film.

“Ang gamit namin mga ginagamit sa pelikula. May D.O.P. kami.

“At siyempre ang director namin, si Direk Chris Martinez.”

Sa kauna-unahang pagkakataon ay magdi-direk si Direk Chris sa telebisyon at bilib si Vic sa director nila.

“Magaling siya sa comedy,” saad ng Eat Bulaga host.

“Naging director ko na siya, tapos first time niya sa telebisyon. Yung shooting process namin, parang pelikula talaga.”

Pagkatapos ng Hay Bahay, naisip na ni Vic ang tema na gusto niya sa isang sitcom.

Natagalan lang daw talaga dahil nagpahinga siya at binubuo pa nila ang konsepto.

Sa Daddy's Gurl, ang karakter ni Vic ay si Barak Otogan at ang anak niya ay si Visitacion "Stacy" Otogan (played by Maine).

Ani Vic, “We felt that it’s the right timing and with the coordination with the network. Kung kailan ang magandang balik, ang pasok ulit.”

Yung cast tulad nina Maine Mendoza at Wally Bayola ay sumunod na lang daw talaga nang mabuo na nila ang konsepto.

Inamin din ni Vic na mas malaki ang budget nila ngayon sa Daddy’s Gurl.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Big budget, big budget 'to,” lahad niya.

Ang Daddy’s Gurl ay co-produced ng M-Zet Production, APT Entertainment, at GMA-7.

Hindi lang bilang artista, pero bahagi talaga si Vic ng creative process ng sitcom niya.

Ayon sa Bossing ng Dabarkads, “First of all, I co-produced it.

“I have that responsibility na kailangan maayos lahat. Ayoko nung pawarde-warde lang. Kunwari artista lang ako, ito ang script ko, talent fee ko, wala akong pakialam. Kailangan, I have to be involved.

“I’m not only an actor, I’m also the producer at the same time. At saka kaibigan, kapamilya--ni Maine, Wally, Oyo [Sotto], Benjie Paras.”

Kung si Maine ang anak ni Vic sa sitcom, si Wally Bayola naman ang gaganap na misis niya na nagngangalang Marikit Otogan. Babae talaga ang karakter ni Wally rito.

Pinaliwanag ni Vic kung bakit si Wally ang napili niyang misis:

“Kainitan ni Lola Nidora nun, e.

“Nag-uusap kami, sabi ko, ito ang gusto kong asawa.

“Kasi, sanay na siya, tanggap siya ng mga tao bilang babae. Nakagawa na nga ng pelikula yung mga Lola, e.”




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN