Former TV5 star Shaira Diaz feels fortunate to join this new Kapuso show

IMAGE Noel Orsal

A year after her transfer to GMA-7, Shaira Diaz is now officially a Kapuso artist. She is being co-managed by GMA Artist Center and ALV Talent Circuit, owned by Arnold Vegafria. She has a five-year contract and will star in the upcoming prime-time series Pamilya Roces. 



Unang show ni Shaira Diaz ang Pamilya Roces sa GMA-7 bilang contract artist.

Dati ay nakasama na si Shaira sa Trops, na show ng Kapuso blocktimer na TAPE, Inc., pero hindi pa siya nakakapirma noon sa GMA.

Sa pagbisita namin sa taping ng Pamilya Roces nitong September 26 sa King’s Royale Hotel & Resort sa Bacolor, Pampanga, tinanong namin si Shaira kung ano ang pakiramdam ngayong Kapuso artist na siya.

“Siyempre super happy, sobrang happy ako, and thankful kasi nga kaka-sign ko lang tapos meron agad show na ibinigay sa akin.

“So parang ang sarap sa feeling kasi hindi ako nabakante, hindi ako nawalan, parang tuloy-tuloy pa rin na hanggang ngayon na pagkatapos ng Trops, eto naman.”

Nakapag-guest na rin siya sa iba pang Kapuso shows tulad ng Eat Bulaga! at Sunday PinaSaya.

Halos isang taon na sa GMA si Shaira matapos umalis sa TV5. Nadiskubre siya noon sa artista search na Artista Academy noong 2012, at Shaira Mae pa ang kanyang screen name.

Ang iba pang galing TV5 na nasa GMA na ngayon ay sina Jasmine Curtis-Smith at Sophie Albert, na parehong nasa Pamilya Roces din.

Kuwento pa ni Shaira, “Siyempre masaya rin, tsaka feeling ko ano, sinuwerte… pinalad kami na parang akala namin yun na yung end of career namin.

"Pero ayun, yun pala may magbubukas pa na pinto, 'tapos yun nga suwerte nakapasok kami, natanggap kami sa GMA, nagustuhan kami, kaya happy.”

Ilang years ang kontrata mo sa GMA?

“Five years.”

First year ito?

“Opo.”

Co-managed si Shaira ng GMA Artist Center at ni Arnold Vegafria ng ALV Talent Circuit.

Kinumusta rin namin ang love life ni Shaira.

Aniya, “Okay naman, tahimik.”

Wala raw siyang karelasyon, at sa tanong kung gaano katagal na siyang loveless, sagot ni Shaira, “Ayoko na pong mag-detail, pero yun po.”

Naging karelasyon ni Shaira ang aktor na si Edgar Allan Guzman. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kumusta sila?

“Friends… Friends naman, maayos naman kami, choice din naman namin.”

Willing daw si Shaira na makatrabaho si EA.

“Kung papayagan kami ng both management, okay naman, willing naman.”

May nanliligaw ba kay Shaira ngayon?

“Wala po, pero mas… kasi po nag-aaral po kasi ako ngayon kaya super busy din ako ngayon.”

Kumukuha ng kursong Marketing Management si Shaira sa University of Perpetual Help System-Dalta sa Las Piñas kung saan siya nakatira.

PAMILYA ROCES

Walang ka-love team si Shaira sa Pamilya Roces, kung saan siya gaganap bilang si Amethyst Roces. 

Kuwento niya, “Dito wala pa, kasi bata lang ako dito.

"Sixteen years old lang ako dito, e, compared sa kanila. So ako yung parang magiging taga-awat nila, ganyan, maglalambing.

"Favorite ako dito ng Daddy ko, ni Tito Roi [Vinzon], kaya si Gabbi maiinggit siya sa akin.

“Ako naman idol ko siya, so gusto ko siyang ginagaya, si Gabbi.”

Ang aktres na si Ana Roces ang gaganap na ina ni Shaira sa show.

Banggit namin kay Shaira, ang gaganap na nanay niya, parang kapatid lang niya.

Sang-ayon niya, “Di ba? Ang ganda-ganda ni Tita Ana.”

Nasa Pamilya Roces rin sina Carla Abellana, Gabbi Garcia, Christian Bautista, Rocco Nacino, at isa pang bagong Kapuso na si Jasmine Curtis–Smith.

Kasama rin dito sina Sophie Albert at Manolo Pedrosa.

Sa direksyon ni Joel Lamangan, magsisimula ito sa Kapuso network simula October 8.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN