Jasmine Curtis-Smith makes one request to GMA-7 regarding her first project

IMAGE Noel Orsal

Jasmine Curtis-Smith says she can relate to her Pamilya Roces character because she hails from the second family of her father.


Ayon kay Jasmine Curtis-Smith, may isang request siya sa GMA-7 tungkol sa unang proyekto na tinanggap niya bilang Kapuso.

Inamin ni Jasmine na nang lumipat siya, siya talaga ang namili at nagsabing ang gusto niyang maging unang serye ay drama at hindi fantaserye.

“Totoo,” pag-amin ng former TV5 star.

“Feeling ko kasi, yung una kong latag sa GMA, I wanted it sana yung strength ko. And from there, we’ll see.”

Nagustuhan din daw niya na ang Pamilya Roces ay hindi all-out heavy drama. Mas light pa rin.

“Mas konti ang iyakan, so it’s easier sa amin kapag kailangan,” saad niya.

“At least it’s different sa nagawa ko na before.”

Kamusta naman siya sa kanyang bagong home network?

“So far so good,” nakangiting sabi ni Jasmine.

“Wala pa namang anything-- I don’t think na may ikakabahala naman.

“Very warm welcome, nag-guest ako sa Mars, nag-guest na ko sa 24 Oras.”

Desisyon niya ba yun na parang hinay-hinay lang simula nang pumirma siya?

“No, actually I wasn’t sure kung paano namin gagawin ang first guesting, project. Napag-usapan din naman noong contract signing na may serye na. Hindi lang sure kung kailan ikakasa.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jasmine sa presscon ng Pamilya Roces sa Prime Hotel noong October 3.

Kinakamusta rin daw siya ng kanyang Ate Anne Curtis ngayong Kapuso na siya.

"Oo, siyempre she wants to know kung comfortable ba ako. Kung kaya ko ang schedule,” sabi ni Jasmine.

May tips ba para sa kanya si Anne na isang orihinal na Kapuso rin bago maging Kapamilya?

Ani Jasmine, “Wala naman, sabi lang niya enjoy mo lang ‘yan. She has nothing to say but, sige, discover mo ‘yan. Bago mong world. Matanda ka na, 24 ka na.

"Hindi mo na kailangang bigyan ng advice.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ON BEING A SECOND FAMILY.


Nakaka-relate si Jasmine Curtis-Smith sa takbo ng kuwento ng una niyang teleserye bilang isang Kapuso, ang Pamilya Roces.

Katulad sa kuwento nito kunsaan, tatlo silang pamilya ni Roi Vinzon, sa totoong buhay raw, tatlo rin ang naging pamilya ng daddy nila ng kapatid na si Anne Curtis. Ang kaibahan lang daw siguro, hindi pinagsabay-sabay ng Daddy nila ang tatlong naging ina ng mga anak nito.

“Ang dad ko naman, natapos ang mga batch, hindi napagsabay-sabay,” natatawang kuwento ni Jasmine.

Pangalawang pamilya raw sila.

Ang unang pamilya raw ng Daddy niya ay sa Australia. Ang ama ni Jasmine ay isang Australian pero mas ginustong dito na sa Pilipinas manirahan.

“Yung sa unang wife ng Dad ko, five ang kapatid namin. Lahat sila, above thirty na ang age or forty.”

Napa- “ha!” naman si Jasmine nang tanungin namin kung ilan pala silang lahat na magkakapatid.

“Including si Claire, yung nawala... meron si Luis, si Jaimee, Kate, Emma, tapos sa Mama ko, si Ate Rochelle, tapos si Ate [Anne], ako, si Tom. Si Claire, si Charlie. Tapos may adopted din si Daddy, yung panganay nung asawa niya, inadopt niya, si Crystal.”

Biglang naalala ni Jasmine na sa Pamilya Roces, parang siya raw si Crystal.

“Inadopt ako ni Sir Roi kasi, ako ang panganay ni Miss Ana [Roces].”

Sa totoong buhay rin daw, maayos ang relasyon niya sa dalawang pamilya ng Daddy nila at sa mga kapatid niya kumpara sa kuwento sa Pamilya Roces.

“May group chat pa kami,” pagmamalaki ni Jasmine.

“Yung anak ni Daddy sa unang pamilya bumibisita ng madalas sa amin dito o kaya pumupunta kami sa mga bansa nila.”

Dugtong din niya, “Ako madalas ako kay Daddy, sa Angeles kapag weekend.”

Mas gusto raw talaga ng Daddy nila sa Pilipinas. Nasa 15 years na raw siguro na naninirahan sa Pampanga ang Daddy nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natawa si Jasmine nang tanungin namin kung ano ang una niyang naging reaksyon nang mabasa niya ang script.

“Parang kami! Hahaha!” saad niya.

“Actually, yun ang first thought ko, it’s so close to home. At least meron akong puwedeng gamitin, may hugot din siya.

“For me, relatable kaya no problem naman with me. Plus it’s with Direk Joel Lamangan. It’s an opportunity to work with him.”

Ngayon lang daw niya naka-trabaho o naging director si Direk Joel Lamangan.

“I love working with him!” bulalas ni Jasmine.

“He has a process--gusto niya lang naman kabisado mo ang lines. You’re on time which I think, it’s not a lot to ask for bilang yun naman ang talagang trabaho namin, di ba?

“So ano ko, para bang I feel right at home working with him kasi nage-gets ko ang process niya and I like working with that.”

May ilang buwan na rin simula nang pumirma siya bilang isang Kapuso at ang Pamilya Roces ang una niyang proyekto.

Ang Pamilya Roces ay napapanood sa GMA-7 tuwing mula Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Onanay.



Stories We Are Tracking

Jasmine turns down ABS-CBN offer; explains why she chose GMA
Jasmine turns down ABS-CBN offer; explains why she chose GMA



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN