Rayver Cruz on being a Kapuso: "Sobrang blessed and happy and fulfilled."

IMAGE Noel Orsal

Rayver Cruz thankful to GMA-7 for giving him two shows: "Sobrang blessed dahil sa Asawa Ko, Karibal Ko, e, meron pa pong isang show na Studio 7, sobrang blessed and happy and fulfilled."



Nagbunga kaagad nang maganda ang pagbalik ni Rayver Cruz sa GMA-7 pagkatapos ng halos labing walong taon bilang Kapamilya.

Bida na kaagad siya sa isang teleserye at bahagi rin siya ng Studio 7, ang bagong Sunday variety show ng Kapuso Network.

Ayon sa 29-year-old actor-dancer, “Oo naman po, sobrang saya ko po.

“Sobrang blessed dahil sa Asawa Ko, Karibal Ko, e, meron pa pong isang show na Studio 7, sobrang blessed and happy and fulfilled.”

Sa pananatili niya sa ABS-CBN noon, mabibilang lamang ang mga proyektong masasabing siya talaga ang bida ng palabas.

Sa tingin ba niya ay dapat noon pa siya sumakabilang-bakod?

Sagot ni Rayver, “A, wala naman pong ano, wala naman pong ganung pag-iisip.

“Thankful naman po ako sa lahat ng nangyari sa career ko, nothing but love lang po.

“Ngayong nandito na po ako sa GMA-7, I’m excited to show you guys yung show namin.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang members of the press si Rayver sa grand media conference ng bagong palabas ng GMA na Asawa Ko, Karibal Ko noong October 8.

Ginanap ang presscon sa 17th floor ng GMA Network building sa Timog Avenue, Quezon City.

Ipapalabas ang Asawa Ko, Karibal Ko sa darating na October 22 sa GMA Afternoon Prime.

ASAWA KO, KARIBAL KO

Sa Asawa Ko, Karibal Ko, gagampanan ni Rayver ang role ng isang good-looking balikbayan na si Gavin.

Mai-in love naman si Rachel (na gagampanan ni Kris Bernal) sa kanya ngunit guguho ang kanyang mundo dahil engaged na si Gavin sa isang misteryosang babae na si Catriona (Thea Tolentino).

May kakaibang naramdaman si Rachel kay Catriona kaya inimbestigahan niya ang pagkatao nito.

Sa huli, nalaman niyang si Catriona ay kanyang dating asawang si Nathan (Jason Abalos) na nagpa-opera ng kasarian at nagpa-retoke ng mukha.





ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN