Carla Abellana admits feeling pressured to get married soon

IMAGE Arniel Serato

Kapuso actress Carla Abellana admits feeling pressured to get married soon: "Kasi ultimo sa barkada or sa mga high school friends or college friends mo, talagang lahat sila nagpapakasal na, nagre-raise na ng family, may mga anak na. So nandiyan naman po yung pressure."


Sa aming pinakahuling panayam kay Carla Abellana, muli namin siyang tinanong kung kailan sila magpapakasal ng boyfriend niyang si Tom Rodriguez.

Lahad niya, “Hindi pa po alam, e.

“Sabi ko nga lagi, ‘Only God knows.’”

Hindi pa raw nagpu-propose sa kanya si Tom.

Aniya, “Wala pa po, wala pa pong proposal.”

Kung biglain siyang alukin ng kasal ng kanyang kasintahan?

Sagot niya, “Ay, e di better, para at least unexpected!

“Ganun naman po dapat, di ba?

''Ideally na talagang ano...

''Kumbaga, unexpected, ganyan, surprised ka.

''Hindi yung planado siya talaga na kung kailan yung proposal.”

Apat na taon na ang kanilang relasyon.

Pag-amin niya, “Tagal na din po, so only God knows kung kailan.”

FEELING THE PRESSURE

Biro namin kay Carla, buntis na uli si Marian Rivera ay hindi pa rin sila nagpapakasal.

“Oo nga,” ang tumatawang pagsang-ayon ng Kapuso actress.

Aminado si Carla na may pressure siyang nararamdaman.

Ani Carla, “Meron naman siyempre, kasi like ultimo sa barkada ko po ako na lang yung single.”

Sa hiwalay na interview sa kanyang amang si Rey “PJ” Abellana kamakailan, sinabi na rin nitong handa na ito na mag-asawa si Carla.

“Si Papa… sabagay, although may mga apo na si Papa.

''Ano naman, kumbaga, siyempre nandiyan po yung pressure.

“Kasi ultimo sa barkada or sa mga high school friends or college friends mo, talagang lahat sila nagpapakasal na, nagre-raise na ng family, may mga anak na.

“So nandiyan naman po yung pressure, siyempre nararamdaman ko naman po yun,” muli niyang pag-amin.

Pero sa ngayon, pareho sina Carla at Tom na career at negosyo muna ang focus.

“Siguro kasi po… ako I can only speak for myself.

“Like, ako po kasi, I just ventured into a new business, so it’s taking up so much of my time.

“Sabi ko nga, blessing in disguise na eleven months po akong nabakante sa showbiz, kasi naka-focus po ako sa business,” pagmamalaki niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Carla sa presscon ng Pamilya Roces October 3 sa Prime Hotel sa Quezon City

May franchise ngayon si Carla ng Posh Nails.

NO COMPLAINTS ABOUT WORK LOAD

Hindi ba nagtanong si Carla sa GMA kung bakit eleven months siyang walang regular show?

Saad niya, “Hindi naman po ako nagtanong.

“Wala naman po, wala naman.”

Hindi naman pala siya nabakante sa trabaho sa Kapuso network kahit ganung katagal siyang walang regular TV show.

“Yes, opo, kasi nag-ano po ako, nag-Dubai for Pinoy TV.

“Meron po akong Daig Kayo ng Lola Ko, Dear Uge, Magpakailanman, so kumbaga, hindi ko naman po… hindi naman po ako nag-worry na, ‘Hay, ang tagal!’

“Okay naman po.”

At masaya si Carla sa show niya ngayon na Pamilya Roces.

“Yes, correct, kasi ang dami kong ano… na-excite ako kasi in terms of yung casting.

“Ang dami kong nakatrabaho na, and then meron pong hindi ko pa po... never ko pa po nakakatrabaho.

“So na-excite po ako kasi… sabi ko, paano kaya ito?

“May mga first time na makakasama, may mga matagal ng nakakasama, so dun ako mas na-excite, dun po sa casting.

“Kaya okay naman po.

“Kumbaga, kung gaano kami kagulo bilang… sa mga roles namin na tatlong family, off-cam, baligtad naman po, so enjoy.”

Sa Pamilya Roces ay kasama ni Carla (as Crystal Roces) sina Rocco Nacino (as Hugo Javellana), Christian Bautista (as Ralph Gomez), Gabbi Garcia (as Jade Roces), Snooky Serna (as Camilla Austria), Ana Roces (as Lily Renacia), Roi Vinzon (as Rodolfo Roces), Andre Paras (as Gareth Austria), Mika Dela Cruz (as Chanel Rosales) at ang bagong Kapuso na si Jasmine Curtis-Smith (as Pearl Renacia).

Nasa show rin ang mga beteranang aktres na sina Gloria Diaz (as Natalia Austria-Roces) at Elizabeth Oropesa (as Violet Balocboc)

Kasama rin dito sina Sophie Albert (as Amber Bolocboc), Shaira Diaz (as Amethyst Roces) at Manolo Pedrosa (as Gil Figueroa).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN