Sophie Albert ecstatic about working with her idol Carla Abellana: "Nakaka-proud."

IMAGE Noel Orsal

Kapuso artist Sophie Albert on working with top-caliber actors such as Carla Abellana and Elizabeth Oropesa: "I never expected na it would happen this soon, na makaka-work ko na yung mga bigating artista ng GMA. Nakaka-proud!"


Ang Kapuso artist na si Sophie Albert ay produko ng TV5.

Tulad ni Sophie, Kapuso na rin ang dating TV5 talents na sina Jasmine Curtis-Smith at Shaira Diaz na kasama ni Sophie sa Pamilya Roces ng GMA-7.

Ang isa pa nilang dating kapwa Kapatid sa TV5 na si Eula Caballero ay sa Amerika na naninirahan, ayon kay Sophie.

Sabi niya, “Si Eula naman kasi choice niya na 'wag nang ituloy.

“Parang nag-settle down na siya sa US.”

Masuwerte si Sophie na tuloy pa rin ang showbiz career niya bilang Kapuso.

“Siyempre masaya ako, kasi hindi ko ine-expect na… wala akong expectation na may mangyayari or what.

“Kasi nga siyempre from TV5, paglipat dito start from zero pa ulit, kayod ka ulit hanggang sa makakuha ng magandang role, ganun.

“So hindi ko in-expect na ganito yung mangyayari.

“So masaya ako na nabibigyan ako ng magagandang role ng GMA, ganun.

“Sobrang saya,” pahayag ni Sophie nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Pamilya Roces kamakailan sa Prime Hotel sa Quezon City.

THANKFUL

Unang regular show niya sa GMA ang Pamilya Roces, pero marami na siyang naging guest appearances sa iba't ibang shows ng network.

Ang iba ay mga guest appearances.

Lahad niya, “Dear Uge, TOTGA [The One That Got Away], Sherlock Jr.

“Parang in fairness naman, kahit never akong nagkaroon ng regular show, lagi naman nila akong nabibigyan ng mga kung anu-ano.”

WORKING WITH TOP-CALIBER ACTORS

Kumusta na ang nanay niya sa Pamilya Roces na lagi niyang kaeksena ay ang mahusay na aktres na si Elizabeth Oropesa?

“Hay naku, nadadala niya ako palagi,” bulalas ni Sophie.

“Kasi nung simula, medyo naninibago ako sa character, kasi yun nga, medyo soft-spoken ako, mahinhin, ganyan.

“E, pag babaeng bakla ka kailangan bongga ka.

“So buti na lang yung first taping ko lahat ng eksena ko kasama ko si Nanay Oro.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So medyo nali-lift niya ako sa ano, sa pag-arte, natuturuan niya ako, ganun.

“Sobrang galing niya, napapanood ko nga siya parang sobrang effortless naman.’

Hindi rin daw makapaniwala si Sophie na ang idolo niya na si Carla Abellana ay ka-love triangle niya sa show.

Pagmamalaki niya, “It’s a big ano for me, kasi si Carla idol ko siya, and napapanood ko siya and all.

“Surreal, tsaka kami yung nagtatarayan, nag-aanuhan, so marami kaming scenes na together talaga.

“Nakakatuwa, kasi yun nga, never…

“I never expected na it would happen this soon, na makaka-work ko na yung mga bigating artista ng GMA.

“Nakaka-proud!”

At bigatin din ang direktor nila sa Pamilya Roces na si Joel Lamangan.

Saad niya, “Na-excite ako, kasi siyempre exciting mabigyan ng chance to work with a director as heavy as Direk Joel.

“Pero siyempre it keeps me on my toes, kasi ayokong magkamali, ayokong masigawan, ayokong mapagalitan, ganun.”

INCURRING DIRECTOR'S WRATH

Napagalitan na raw siya ni Direk Joel dahil naligaw siya patungong taping sa Batangas at na-late siya ng forty-five minutes.

Pag-amin niya, “Oo, na-late ako, so sinabihan niya ako na, ‘I’m gonna monitor you starting now,’ ganyan-ganyan.

“Siyempre nahiya ako, 'tapos after nun sabi ko, ‘Direk I’m so sorry’, ganyan-ganyan.

“Sabi niya, ‘It’s ok, just don’t do it again.’”

Sa pagka-late lang naman pala siya napagalitan, hindi sa acting niya.

Natatawa niyang pag-amin, “Hindi pa naman, hindi pa naman. Maraming, maraming salamat na hindi pa.”

“Oo, si Direk naman pag pinagalitan ka na, parang wala na, tapos na yun.”

Sa Pamilya Roces ay kasama ni Sophie sina Carla (as Crystal Roces), Jasmine (as Pearl Renacia), Shaira (as Amethyst Roces) at Elizabeth (as Violet Balocboc), pati na rin sina Rocco Nacino (as Hugo Javellana), Christian Bautista (as Ralph Gomez), Gabbi Garcia (as Jade Roces), Snooky Serna (as Camilla Austria), Ana Roces (as Lily Renacia), Roi Vinzon (as Rodolfo Roces), Andre Paras (as Gareth Austria), Mika Dela Cruz (as Chanel Rosales) Manolo Pedrosa (Gil Figueroa) at ang beteranang aktres na si Gloria Diaz (as Natalia Austria-Roces). 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN