BATTLE OF AQUARIUM DUNKING: Sunshine, Angelika, Ryza in Ika-6 Na Utos versus Gelli, Valerie in Ika-5 Utos

by James Patrick Anarcon
Nov 6, 2018
In Ika-6 Na Utos, Sunshine Dizon submerged the faces of Angelika dela Cruz and Ryza Cenon (left frame) into an aquarium full of lobsters. In Ika-5 Utos, Valerie Concepcion dunked Gelli de Belen's face in a garden aquarium.


Mukhang sumusunod ang GMA-7 afternoon teleserye na Ika-5 Utos sa mga yapak ng defunct top-rating show na Ika-6 Na Utos.

Sa November 5 episode ng Ika-5 Utos, nagkaroon ng mainit na confrontation scenes ang mga karakter nina Valerie Concepcion at Gelli de Belen. Nauwi ito sa lubluban ng mukha sa aquarium.

Matatandaang minsan na ring nangyari ito sa isang episode ng Ika-6 Utos, kung saan ang mga lead characters ay ginampanan nina Sunshine Dizon, Ryza Cenon, at Angelika dela Cruz.

IKA-5 UTOS. Sa episode ng Ika-5 Utos noong Lunes, nag-harap ang magkaaway na sina Clarisse (Valerie Concepcion) at Kelly (Gelli de Belen).

Dati silang magkaibigan ngunit nagkaroon ng lamat ang kanilang relasyon nang malaman ni Clarisse na si Carlo (Jake Vargas) ang pumatay sa anak niyang si Junie (Kiko Estrada).

Si Kelly ang ina ni Carlo na ginawa ang lahat para mapigilang makulong ang anak niya.

Ang eksena nila ay naganap sa garden ng bahay ni Kelly.

Habang nagpapakalasing si Kelly ay pinuntahan siya ni Clarisse.

Continue reading below ↓

Ayaw magpaistorbo ni Kelly pero hindi siya tinigilan ni Clarisse, kaya sa huli ay hinarap niya na rin ito.

Habang sarado pa ang gate, sinigawan ni Kelly si Clarisse: "Peste talaga kayo sa buhay ko, e. Lalo na ikaw. Ikaw, ni anino mo, bawal tumapak sa bahay ko!"

Sagot ni Eloisa, "Ikaw na nga itong may utang, ikaw pa itong matapang. Nandito ako dahil iniisa-isa ko ang mga dapat singilin!"

Binuksan ni Kelly ang gate at saka niya sinigawan ulit si Clarisse, "Kayo ni Eloisa, kayo ang may atraso sa akin kaya umalis ka na, ha! Kung gusto mo pang makaalis nang buhay!

Sagot naman ni Clarisse kay Kelly, "E, sa 'yo pala nagmana ng pagka-warfreak yang anak mo, e, kaya he's suffering in jail now.

"Alam mo, ikaw, magparehab ka na kaya? Or better yet pumunta ka na sa mental!"

Labis na ikinagalit ni Kelly ang hamon sa kanya ni Clarisse kaya inutusan niya ang kasambahay nila na kumuha ng itak.

Continue reading below ↓

Pagbabanta ni Kelly, "Tatadtarin ko 'tong babaeng to, e!"

Hindi siya sineryoso ni Clarisse at sa halip ay lalo pa itong ininis. "Oh, let me see you try, sa lagay mong 'yan, tingin mo makakalaban ka pa? Baka ikaw pa pagsasaksakin ko!"

Tuluyan nang napikon si Kelly kay Clarisse kaya binato niya ito ng baso sa mukha. Hinamon niya ito at sinabing, "Sige! Magpatayan tayo dito! Ikaw ang isusunod ko sa anak mo!"

Dito na nagsimulang magsampalan ang dalawa, at binuhusan ni Clarisse ng yelo ang mukha ni Kelly.

IMAGE Ika-5 Utos (GMA)
Continue reading below ↓
IMAGE Ika-5 Utos (GMA)


Sabi pa niya kay Kelly, "Maghilamos ka muna ng mahimasmasan ka!"

Pagkatapos nito ay inilublob ni Clarisse ang mukha ni Kelly sa aquarium!

IMAGE Ika-5 Utos (GMA)
Continue reading below ↓
IMAGE Ika-5 Utos (GMA)

Nang makaahon si Kelly ay binigyan niya ng malutong na sampal si Clarisse at binato ng paso.

IMAGE Ika-5 Utos (GMA)
Continue reading below ↓

Natigil lang ang kanilang away nang awatin sila ng asawa ni Kelly na si Benjie (Antonio Aquitania).


IKA-6 NA UTOS
. Ang aquarium scene sa defunct Kapuso series na Ika-6 Na Utos ay nangyari sa isang seafood restaurant.

Sa restaurant, nag-harap si Emma (Sunshine Dizon) at si Georgia (Ryza Cenon).

Matagal nang magkaaway ang dalawa pagkatapos kumabit ni Georgia sa asawa ni Emma na si Rome (Gabby Concepcion).

Sa confrontation na naganap sa restaurant, ikinapikon ni Georgia ang mga maaanghang na salitang narinig niya mula kay Emma.

Dahil dito, binato ni Georgia ng alimasag si Emma.

IMAGE Ika-6 Na Utos (GMA)
Continue reading below ↓


Nagulat si Emma sa nangyari kaya naman agad din niyang ibinato ang alimasag na dala ng isang waiter. Sumapul sa mukha ni Georgia ang naturang alimasag.

Babatuhin pa sana ni Emma ng lobster si Georgia pero pinigilan siya ni Geneva (Angelika dela Cruz).

IMAGE Ika-6 Na Utos (GMA)


Dito ibinunyag ni Geneva na magkapatid talaga sila ni Georgia. Inamin rin niya ang plano niyang magsanib-puwersa sa kapatid niya upang pagtulungan si Emma.

Continue reading below ↓

Kinaladkad ni Geneva patungo sa aquarium si Emma, subalit nakapalag ito at sinampal niya nang malakas si Geneva.

IMAGE Ika-6 Na Utos (GMA)


Hindi na nagawang ipagtanggol ni Georgia ang kapatid matapos silang sabunutan ni Emma.

Sa galit ni Emma, inilublob niya ang mga mukha nina Geneva at Georgia sa aquarium na may lamang buhay na lobster at alimasag.

Continue reading below ↓
IMAGE Ika-6 Na Utos (GMA)


Sabi pa ni Emma sa kanila, "'Yan! Magsama kayong dalawa! Say hello to your relatives na mga hipon at lobster na mahilig kumain ng tira-tira na gaya niyong mahilig kumain ng tira-tira ko lang din!"

IMAGE Ika-6 Na Utos (GMA)
Continue reading below ↓
IMAGE Ika-6 Na Utos (GMA)
IMAGE Ika-6 Na Utos (GMA)
Continue reading below ↓
IMAGE Ika-6 Na Utos (GMA)

Natigil lang ang kanilang away nang dumating ang ama ni Emma na si Noel (Pen Medina).

PEPsters, anong masasabi niyo sa aquarium confrontation scenes ng Ika-5 Utos at Ika-6 Na Utos?

Share your thoughts in the comments section below.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In Ika-6 Na Utos, Sunshine Dizon submerged the faces of Angelika dela Cruz and Ryza Cenon (left frame) into an aquarium full of lobsters. In Ika-5 Utos, Valerie Concepcion dunked Gelli de Belen's face in a garden aquarium.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results