Alden Richards quashes rumors that Victor Magtanggol was abruptly cut short

IMAGE Rose Garcia

Alden Richards clarifies rumors alleging that Victor Magtanggol was abruptly cut short: "Hindi po siya na-cut short. Actually po, nag-extend pa siya ng ilang weeks. Yun nga lang po, gaya nang sabi ko, gustuhin man po sanang i-extend pa, talagang hindi na po possible."


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Pambansang Bae na si Alden Richards nang matiyempuhan namin ito sa GMA-7 noong November 9 habang nagre-rehearsal para sa guesting niya sa bagong programang Studio 7.

Kung anu-ano kasi ang lumalabas at ibinabatong mga isyu sa kanya dahil sa nalalapit na pagtatapos ng primetime series niya na Victor Magtanggol.

Pero ang maganda, nang makausap nga namin si Alden ay makikita rito na naging masaya siyang talaga sa pagkakagawa niya ng naturang serye.

“Masaya, masaya po ako at ang dami kong nadiskubre sa sarili ko habang ginagawa ko itong Victor Magtanggol,” panimulang pahayag ni Alden.

“Nakita ko kung gaano ko maki-simpatiya sa mga tao sa set from artista to production to utility.

“Since tayo po ang nagki-carry ng show, ako po si Victor Magtanggol.

“Parang meron po akong sense na responsible ako sa lahat ng taong involved sa trabaho namin, moreover sa audience.

“Kailangan ko rin maging responsible sa mga taong nakakatrabaho ko.

“So mas lumaki po ang sense of responsibility ko.”

INSPIRATION TO HIS CO-WORKERS

Ayon kay Alden, higit sa makapag-taping lang, mas naramdaman daw niya na mas dapat lang na napagkukuhanan din siya ng lakas at inspirasyon ng mga kasama niya.

Lahad niya, “Every taping, hindi lang ako nagpupunta ro’n para magtrabaho.

“Nagpupunta ko ro’n para alagaan ko ang mga tao sa set...

“Bigyan ko sila ng motivation na kahit na puyat na kami, way past our working hours ang trabaho namin, meron pa ring motivation na mahahanap sila through me, para mas maging positive pa rin yung kalabasan ng trabaho.”

SURPASSING HIS PERSONAL EXPECTATIONS

Kung tutuusin, ang Victor Magtanggol ang nagsilbing comeback ni Alden bilang Kapuso actor sa primetime teleserye.

Na-achieve ba niya ang mga expectations niya?

“Yes po, very much,” mabilis niyang sagot.

“First title role ko rin po ito sa buong buhay ko at masaya po ako sa kinalabasan ng story, sa characterization ng character po ni Victor Magtanggol.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Na reach po na naging inspirasyon po ang show ng maraming kabataan.”

Naramdaman o nakita ba niya yung ganoong scenario?

Saad niya, “Opo.

“Especially po kapag nagsu-shoot po kami sa mga eskuwelahan, kapag nakita na ng mga bata ang costume, iba yung effect sa kanila.

“Iba yung nararamdaman nila.

“Kasi, iba yung sa TV, iba yung sa personal.”

NO TRUTH TO RUMORS

Aminado si Alden na nalungkot siya na kailangan na talagang magtapos ng Victor Magtanggol sa November 16.

“Yes po, I have to admit,” pag-amin niya.

“Pero siyempre po, tinapos lang namin ang extended run ng show.

“And last year pa rin po na napaalam na family trip, family vacation, parang hindi po possible talaga na i-extend pa ulit.”

May mga bashers at may mga detractors na nagsasabing diumano’y na-cut short ang Victor Magtanggol kaya ito magpi-finale episode na, at ang sinasabi ngang papalit daw dito ay ang bagong primetime series na Cain at Abel.

Ano ang masasabi niya run?

Paglinaw niya, “Hindi po siya na-cut short.

“Actually po, nag-extend pa siya ng ilang weeks.

“Yun nga lang po, gaya nang sabi ko, gustuhin man po sanang i-extend pa, talagang hindi na po possible.”

Bukod dito, may mga iba pa raw siyang naka-line up na gagawin na hindi pa raw muna niyang ma-reveal.

“Siguro po kapag malapit na po, doon ko na lang po sasabihin,” masayang sabi niya.

Isa pa raw sa ipinagpapasalamat ni Alden ay ang pagkakataong nakasama niya ang cast ng Victor Magtanggol na kung tatanungin daw siyang talaga, ang mga ito pa rin daw sana ang gusto niyang makasama sa susunod niyang proyekto.

Panalangin niya, “Parang gusto ko po sana na kung possible, sila pa rin ang makakasama ko sa susunod na show.

“Iba po sila, iba po silang lahat.

“I mean, wala po akong maisip na ibang makakagawa po ng trabahong yun kung hindi sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So masaya po ako na nagkaroon ako ng chance to be working with Al Tantay, especially with Ms. Coney Reyes, sa lahat po, masaya po ako.”

PROUD OF CREATIVE INPUTS

Sa Victor Magtanggol ay naging parte rin siya ng creative group.

Magtutuluy-tuloy kaya ang pagiging bahagi niya ng creative group sa mga susunod niyang serye na gagawin?

“Sana po, kasi iba po ang empowerment na naibibigay sa akin kapag binibigyan po ako ng chance na maging part ng creative process na paggawa ng istorya.

“Kasi nagkakaroon po ng freedom.

“Ako po, I encourage everyone.

“I mean, sa mga creatives po, sa mga boss po natin na to continue involving the artist sa paggawa ng story.

“Kasi parang win-win situation yun.

“Yung writer nabibigyan ng input ang artista kung paano nila mabibigyan ng justice yung role sa mga ideas na nabibigay nila.

“Mas nagiging maganda yung pagre-represent ng character, hindi pilit.

“Kasi minsan po, like nung nag-start, parang ano lang po kami... bibigay po ang script, gawin mo ‘to.

“But now, since GMA has been so generous to me, binigyan po nila ko ng involvement sa proseso, that’s why I’m very happy,” pagmamalaki pa ni Alden.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN