Gary Valenciano explains why he supports ASAP reformatting

by Rose Garcia
Nov 14, 2018
Gary Valenciano on his bout with cancer: "It made me realize my vulnerability."

Maaaring may ilang nasagasaan sa pagre-reformat ng Sunday musical show ng ABS-CBN na ASAP, pero bilang isa sa mga regular hosts ng programa, positibo itong tinitingnan ni Gary Valenciano.

“Ako, excited ako kasi parang pinag-aralan nila. Hindi lang yung show mismo, pero parang pinag-aralan nila kung ano yung gusto ng buong sambayanan and I think it’s good.

“It’s good that they’re doing this. At magbibigay ng chance para mag-shine talaga yung may mga karapatang mag-shine. Tulad nina Darren [Espanto]. I also think na kung saan kami malakas...

“For example, if I am a person na makakapagbigay ng encouragement sa mga tao, dun ako. I mean, doon talaga yung pinaka-strength ko sa ASAP.

"If si Regine [Velasquez] is to encourage the new generation, yun ang role niya. So may kanya-kanyang role.

“Kasi, mas nagiging predictable na ngayon kapag nakikita nila na magkakasama kaming lahat. Like si Darren, alam na ng mga fans na ilan lang linya ang kakantahin, tapos na ang part niya. This time, mas babad.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Positibo si Mr. Pure Energy na mas makabubuti talaga ang ginawang pagre-reformat.

“Kasi, ganun naman, e,” saad niya.

“Even before, nagkaroon ng konting reformat, nagkaroon ng konting comedy. Dati, puro dance-dance lang naman ang inaano namin. But it changes and it’s another season.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gary sa Ayala mall show niya sa Cloverleaf Mall, Balintawak noong November 10 para sa kanyang Awit at Laro album.

Hiningan din namin si Gary ng komento sa paglipat ni Regine sa ABS-CBN.

“Personally, I’m really happy,” nakangiting sabi ni Gary.

“Alam mo, nag-guest ako sa ilang concerts ni Regine but it was never televised. Hindi kasi puwede. Pati mga major concerts ko, siya ang naging guest, pero hindi puwede.

“And we have to respect that.

“But now, it’s a different thing.

“Now, we can record together and I don’t have to worry. Kung magpu-promote ako, at least kasama ko si Regine. Makikita ko siya and I really think that at this point in time, being in ABS-CBN which is seen all over the world, it’s a good vehicle for her para lalo pa siyang makilala sa buong mundo, hindi lang sa mga Filipino.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Dugtong pa niya, “I’m happy that she’s with us.

“And kung ang mga ideas natin dati ay ganito karami, now with her on it, parang sky is the limit.

“Yung mga numbers niya with the new artists, mga numbers niya with the seasoned artists, numbers niya on her own, it’s gonna be great.”

Dahil rin sa network transfer na ito, nakatanggap ang Asia’s Songbird ng matinding pamba-bash.

“Mangyayari talaga ‘yan, maba-bash talaga siya,” saad ni Gary.

“May mga valid bashers, may mga sumusuporta sa kanya sa ABS na for all these years biglang umalis siyempre, masasaktan din sila. Pero yung mga bashers na pati si Nate [anak ni Regine] inaano, iba na yun.

“Masasabi ko lang na may mas problema sila kesa yung problema ni Regine sa mga bashers. Kasi, yung problema ng mga bashers na ganun, it’s a mental problem.

“It’s really a mental problem and it’s hard kasi alam ko, marami sa kanila ang ayaw na maging ganun pero hindi nila ma-control ang sarili nila. Sa harapan ng ibang tao, okay sila. Pero pagdating sa social media, ganun sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So it’s sad, it’s really sad.”

Sabi pa niya, “I think it’s something clinical which means you have to be treated now. Yun lang ang masasabi ko. Hindi ko hine-hate, I won’t hate them and I will never respond to something like that.

“But it’s just so evident.

“Parang pruweba na may problema.”

MR. PURE ENERGY NO MORE?

Pagkatapos ang lahat ng health concerns niya this year, ano ang mga na-realize ni Gary?

“Yung title na Mr. Pure Energy, hindi ko alam kung napansin ninyo pero hindi ako na-introduce ngayon as Mr. Pure Energy. Kasi parang binabawasan ko ang pag-introduce sa akin na ganun.

“Kasi I think personally being called as Mr. Pure Energy for over thirty years made me feel invincible. Yung tipong kailangan lumabas ako riyan kahit mababa o mataas ang sugar ko.

“Kailangan ipakita ko sa tao na talagang Pure Energy.

“So I told my team, bawasan muna natin 'yan. Hindi nga ako nagpa-check-up ng ilang taon dahil sa Pure Energy. Akala ng lahat hindi ako maaaring magkasakit, pero yun pala malala pala ang nangyari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi lang pala simpleng flu o dengue, it was my heart and cancer. It made me realize my vulnerability.”

Dagdag pa niya, “But I also realized at this point in time, kung pumasok ako sa hospital bukas at meron silang ibang nahanap, I’m kampante.

“Kasi, parang nandoon ako sa palad ni Lord, e.

“Sabi niya, 'Ako ang bahala sa ‘yo. Yes, ang daming parating pero ako ang bahala sa ‘yo,' and that what happened. So, imagine the doctor was telling me face-to-face that, 'Gary, you have cancer of the kidney and it’s malignant.'

“Yung ganun, as in face-to-face.

“Yun ang mga feeling na hindi ko malilimutan.”

Patuloy ang Ayala Malls tour ni Gary para sa kanyang Awit at Laro album. Narito ang schedule ng kanyang performances:

November 14 sa Bonifacio High Street in Taguig, November 15 sa Fairview Terraced in Quezon City, November 16 sa Abreeza Mall in Davao, November 17 sa Ayala Malls the 30th in Pasig, at November 18 sa Vertis North in Quezon City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

November 23 sa UP Town Center in Quezon City, Alabang Town Center in Muntinlupa on November 24, Feliz in Pasig on November 25, Ayala Mall Legaspi on November 30, Marquee Mall in Pampanga on December 1, Market! Market! in Taguig on December 2, Serin Tagaytay on December 8, Ayala Malls Cebu on December 12, Harbor Point in Olongapo on December 15, at Capitol Central in Bacolod on December 22.



Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gary Valenciano on his bout with cancer: "It made me realize my vulnerability."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results