DILG might sue ABS-CBN's Ang Probinsyano if story is not changed

IMAGE @mr.cocomartin on Instagram

Coco Martin top-bills FPJ's Ang Probinsyano, which has been accused of showing an "unfair and inaccurate portrayal of our police force." 


Kinokonsidera ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pagsasampa ng kaso laban sa teleseryeng FPJ’s Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Base sa statement ni DILG Assistant Secretary Jonathan Malaya, pinagiisipan nila na ituloy ang kaso kung hindi babaguhin ng ABS-CBN prime-time series ang plot nito tungkol sa Philippine National Police (PNP).

"We will seriously consider filing legal action and imposing sanctions including the prohibition on the use of PNP uniforms, properties and even using the acronym of the organization (PNP) if Ang Probinsyano continues with their grossly unfair and inaccurate portrayal of our police force," ani Malaya sa pamamagitan ng statement na inilabas kahapon, November 16.

Ayon kay Malaya, pwede rin nilang kasuhan ang mga producers dahil sa "illegal use of uniforms or insignia" base sa Article 179 ng Revised Penal Code.

Dagdag pa niya: "We are also looking at possible violations of the Children's Television Act of 1997 because the show may have violated the National Council for Children's Television standards for television programs that should be child-friendly."

Lumabas ang statement ng DILG pagkatapos isapubliko ni DILG Secretary Eduardo Año ang kanyang pagkadismaya sa pagsasalarawan ng mga pulis sa Ang Probinsyano.

Ang Philippine National Police (PNP) ay nasa ilalim nang pamamahala ni DILG Secretary Año.

Hindi nais ni Secretary Año na ipatigil ang teleserye ni Coco pero gusto niyang baguhin ang plot ng teleserye na napapanood sa Kapamilya Network.

Paniniwala ni Secretary Año, ang producers ng Ang Probinsyano ay "intentionally sending a wrong message to the public which is demoralizing the ranks of the PNP.

"Hindi namin sinasabi na lubos na malinis ang PNP. We have a few bad eggs but they are never tolerated and the DILG and PNP leadership is sweeping the ranks of the police organization to ensure that those 'rotten tomatoes' will be out of service."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa ni Secretary Año: "While they [Ang Probinsyano] provide entertainment to the public, they also have moral and ethical responsibilities in what they do."

SENATOR POE REACTS

Ang role ni Coco sa teleserye ay unang ginampanan at pinasikat ng Action King na si Fernando Poe Jr.

Dinepensahan ng anak ni FPJ na si Senator Grace Poe ang Ang Probinsyano dahil aniya, isa itong "fictional, modern-day retelling" ng 1997 movie ng kanyang ama.

Ang ina ng senadora na si Susan Roces ay bahagi rin ng Ang Probinsyano na tatlong taon nang ipinapalabas sa ABS-CBN.

Naniniwala si Senator Poe na hindi dapat balewalain ang "redeeming value" ng teleserye dahil sa "quality entertainment" na binibigay nito sa mga manonood.

Narito ang kanyang statement:

"We are grateful because the series not only honors his [FPJ's] legacy in the industry, but also offers to the Filipino televiewers quality entertainment that espouses the values of family, respect for elders, courage and patriotism.

"It is fictional, of course, and carved out of the creative minds of the people behind the production. The story emanates from the source material, with bits of twists. There are antagonists in the story, which did not only include the police, but many others.

"Pwede nating sabihin na 'bato-bato sa langit, tamaan ay wag magalit.'

"But let’s look at the bigger picture of the entire plot. And that is, despite the wrongdoings happening around us, there are cops like Cardo, and his team, who will always fight for what is right and just.

"Let’s not overlook the redeeming value this has to offer. In the end, the menace will be subdued by what is true and good.

"How the people view the police is based on the actions of the real police they see on the streets, and not on the acting of fictional cops they watch on screen."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Stories We Are Tracking

Coco Martin to PNP:
Coco Martin to PNP: "Ako mismo humihingi ng paumanhin."
Ang Probinsyano gives
Ang Probinsyano gives "bad impression" of cops, says PNP






WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN