Sa kauna-unahang pagkakataon ay magiging bahagi ng 2018 ABS-CBN Christmas station ID ang mag-asawang Regine Velasquez at Ogie Alcasid.
Pagkatapos ng dalawang dekada bilang isang Kapuso star, excited at di makapaniwala ang Asia's Songbird na sa kauna-unahang pagkakataon ay makakasama niya sa espesyal na okasyong tulad nito ang mga sikat na Kapamilya stars na napapanood niya lang noon.
Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Regine noong November 11 sa studio 5 ng ABS-CBN na siyang nagsilbing holding area ng mga artista para sa 2018 ABS-CBN Christmas station ID shoot.
Pag-amin niya, "I'm so excited to see everyone.
''A lot of these huge stars we'll be meeting for the first time.
''I'm so excited, I'm overwhelmed and I'm so happy to be with my husband.
"Natatawa nga ako kasi karamihan ng mga superstars na nandito, napapanood ko lang sila dati, not knowing na makakasama ko sila ngayon, so it's wonderful."
ASAP REFORMAT CASUALTIES?
Naging balita kamakailan na sa pagpasok ni Regine sa ASAP ay marami raw sa singers na regular sa show ang mawawala para mabigyan ng malaking exposure si Regine, ngayong magiging bahagi na siya nito.
Ayon naman sa Asia's Songbird, sa pagkakaalam niya ay walang aalisin dahil sa reformat.
"I don't think they are taking out anyone.
''Di ko naman nabalitaan yun that they are taking out anyone to supposedly accommodate me...
''But if they are going to reformat, I don't know... but I was told na kasi magtu-twenty years na, magtu-twenty five years na ang ASAP.
''They feel they needed something kasi nga ang tagal na rin, they needed to reformat siguro.''
NEW PROJECTS
Masaya naman si Regine na dire-diretso ang mga proyektong inilatag sa kanya ng management ng ABS-CBN.
"Siyempre excited ako kasi dire-diretso yung mga projects.
''Starting next Sunday, I'll be doing ASAP, and I'm excited about that.
''Of course, I'll be doing a sitcom. It will be next year.
“Idol Philippines is also happening next year."