Cristine Reyes ready to start over with new ABS-CBN teleserye

IMAGE @cristinereyes Instagram

Cristine Reyes on new chapter in her life: "DON'T BE AFRAID TO START OVER. IT'S A BRAND NEW OPPORTUNITY TO REBUILD WHAT YOU TRULY WANT."


Ipinahiwatig ni Cristine Reyes na handa na siyang harapin ang bagong yugto sa kanyang buhay.

Ito ay matapos niyang mag-renew ng kanyang kontrata sa ABS-CBN noong November 15.

Sa kanyang Instagram post kagabi, November 17, inihayag ni Cristine na excited siya sa bagong teleseryeng pagbibidahan niya sa ABS-CBN.

Kalakip nito ang quote card tungkol sa pagtanggap sa oportunidad at mga bagay na minimithi niya.

Sabi rito, "DON'T BE AFRAID TO START OVER.

"IT'S A BRAND NEW OPPORTUNITY TO REBUILD WHAT YOU TRULY WANT."

Tila desidido si Cristine na mas tutukan ang kanyang showbiz career kaysa anumang personal na alalahanin.

Sabi pa ni Cristine sa caption ng kanyang post, "Next chapter ????"

Ipinakita rin niya sa kanyang Instagram post ang ilang behind-the-scene photos mula sa teleseryeng Nang Ngumiti Ang Langit.

Makikita rito ang ilang co-stars niyang sina Pilar Pilapil at Rafael Siguion-Reyna.

View this post on Instagram

next chapter ????

A post shared by twitter @cristinereyesss (@cristinereyes) on

Kabilang din sa cast members ng Nang Ngumiti Ang Langit sina RK Bagatsing, Enzo Pineda, Matet de Leon, Keempee de Leon, at iba pang Kapamilya stars.

Base ito sa story conference para sa show na ginanap noong October 5.

View this post on Instagram

The cast, staff, and crew of #NangNgumitiAngLangit. Soon on ABS-CBN! #RSBDramaUnit

A post shared by nangngumitianglangit_abscbn (@nangngumitianglangit_abscbn) on

 


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN