MTRCB chairperson Rachel Arenas comments on issue between Ang Probinsyano and PNP

by James Patrick Anarcon
Nov 19, 2018
MTRCB chairman Rachel Arenas says she will meet with the PNP and DILG this week to discuss its complaints about FPJ's Ang Probinsyano. This teleserye top-billed by Coco Martin (in photo) became controversial when PNP Chief Director General Oscar Albayalde expressed his dismay over the show's alleged "wrong portrayal" of PNP officers.


Nakomento na ang Movie Television Review and Classification Board (MTRCB) chairperson na si Rachel Arenas tungkol sa kontrobersiyang kinasasangkutan ng FPJ's Ang Probinsyano laban sa Philippine National Police (PNP).

Sa panayam sa kanya ng DZMM ngayong Lunes, November 19, sinabi ni Arenas na hindi sakop ng kanyang ahensya ang pagpapatigil sa ere ng teleseryeng pinagbibidahan ni Coco Martin.

Binatikos ng PNP ang FPJ's Ang Probinsyano dahil sa diumano'y hindi magandang pagsasalawaran nito sa mga pulis, dahilan upang magkaroon ng "bad impression" ang mga manunuod tungkol sa kapulisan.

Hindi raw inakala ni Arenas na magkakaroon ng ganitong isyu dahil tuluy-tuloy ang dialogue ng MTRCB sa PNP at FPJ's Ang Probinsyano simula pa noong 2016.

"In fact, because of those dialogues, it resulted to a memorandum of understanding that was already sent to the PNP for their comments or for their approval. So patuloy naman po.

"Actually, kapag may nare-receive kami na mga kunyari, mga reklamo or observations nila, agad-agad naman po kaming nagse-set ng dialogue with either ABS or PNP.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"And the last was on October 17, and then nasabi na naman po namin kasi hindi naman kami nagse-censor. We cannot also prohibit negative depictions kasi we are sort of a bridge doon sa constitutionally protected freedom of expression, and also the right of the state to regulate."

Dumating raw noon sa puntong linggo-linggo pinapa-submit ang FPJ's Ang Probinsyano ng sample episodes para tignan ng MTRCB.

"There was a time na every week po naming pinapasubmit yung Probinsyano and that's actually very difficult din also kasi di ba, yung teleserye, hindi naman 'yan parang in sequence na tine-tape?

"And they confide naman para to make sure na hindi, PG ito, SPG ito, hindi masyadong bayolente, hindi masyadong ganito, so every week naming nire-review yun.

"And then noong medyo wala naman kaming nakitang lumalabag doon sa guidelines namin, binalik na namin sa regular na pagreview sa kanila."

Dati na rin daw hinikayat ng MTRCB na kumonsulta ang FPJ's Ang Probinsyano sa PNP para sa iba pang elemento ng palabas, tulad ng tamang pagsusuot ng uniporme ng mga pulis.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Paliwanag ni Arenas, "Actually, nagkaroon kami ng conference na nandoon ang Ang Probinsyano at nandiyan din ang PNP.

"In fact, ang suggestion, ang napag-usapan, 'Bakit hindi kayo kumuha ng adviser o consultant from the PNP para alam pati ang uniform na isusuot, kung ano ba ang tama? Tama ba yung star na nasa uniform? Tama ba yung nandiyan?'

"Parang kasi that's one of their concerns also, yung uniform, yung ganun na mali yung ano ng uniform tapos mali yung nakalagay sa uniform. So we talk to them, sabay sila, nag-conference kami."

Noong Biyernes, November 16, ay binawi na ng PNP ang kanilang suporta at pagtulong sa FPJ's Ang Probinsyanoat inatasan ang lahat ng offices, units, at personnel ng PNP na ihinto ang pagtulong sa ABS-CBN prime-time series.

Kinukunsidera rin ng Department of Interior and Local Government na magsampa ng reklamo laban sa Kapamilya teleserye.

Sabi naman ni Arenas, hindi siya ang magdedesisyong putulin ito sa ere kung hindi ang korte.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nang tanungin naman si Arenas kung may nakikita ba siyang paglabag ng FPJ's Ang Probinsyano sa guidelines ng MTRCB, ito ang kanyang naging sagot:

"Para sa akin ano, ang sinasabi kasi namin with Ang Probinsyano, we always want... kailangan yung audience o manunuod, kailangang may redeeming factor [yung characters], o magandang value na napupulot ang mga manonood.

"Doon sa mga nakikita namin na past episodes, mayroon naman ding natututunan ang mga bata, na the good always prevails."

Hindi rin daw sakop ng MTRCB ang atasan ang creative at production team ng FPJ's Ang Probinsyano na baguhin ang istorya dahil sa nagaganap na pagtuligsa ng PNP sa diumano'y negative portrayal ng ilang pulis.

"Doon sa aming batas, batas ng MTRCB, like I said earlier, we cannot kasi prohibit negative depiction.

"Like for example, pinortray doon na yung mga congressman o yung mga senador ay hindi maganda yung ginagawa nila, hindi naman pwedeng yung mga congressman, sabihin, ipagbawal din yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Basta ang sinasabi namin, dapat at the end of the day, at the end of the episode, or at the end of the week, mayroong mapupulot na magandang aral ang mga tao doon sa teleseryeng yun, whichever teleserye, whether it be Probinsyano or something else."

Sa linggong ito ay muling magkakaroon ng meeting ang PNP at MTRCB.

Ito ay kaugnay ng memorandum of understanding na idrinaft ng FPJ's Ang Probinsyano at PNP.

"Actually, noon kasing past meetings po namin, parang nagkaroon ng kasunduan na magkakaroon sila, magdadraft sila ng memorandum of understanding between PNP and Ang Probinsyano.

"And I believe they are already given a copy of the draft para makita nila, mabigay nila yung comments nila doon sa memorandum of understanding or at least ma-approve nila o baguhin nila, yun po yung last na meeting nila.

"This week ko pa lang malalaman kung anong kahihinatnan ng pag-uusap namin noong nakaraan.

"Kasi nga noong nakita ko rin sa TV yung statements ng PNP, right away naman po, even before I already received the letter, we already set a meeting for this week."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

STORIES WE ARE TRACKING



Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
MTRCB chairman Rachel Arenas says she will meet with the PNP and DILG this week to discuss its complaints about FPJ's Ang Probinsyano. This teleserye top-billed by Coco Martin (in photo) became controversial when PNP Chief Director General Oscar Albayalde expressed his dismay over the show's alleged "wrong portrayal" of PNP officers.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results