Dennis Trillo thanks Coco Martin for liking Instagram post about Cain at Abel, Ang Probinsyano's new rival

GMA-7 actor Dennis Trillo (second from left) thanks FPJ's Ang Probinsyano lead star Coco Martin (right) for liking his post about his new drama series Cain at Abel, which is now the rival of Coco's prime-time series. Dennis shares top billing with Dingdong Dantes in Cain at Abel.


Nagpasalamat ang GMA-7 actor na si Dennis Trillo sa ABS-CBN actor na si Coco Martin.

Ito ay dahil nag-like si Coco Martin sa Instagram post ni Dennis tungkol sa bagong Kapuso teleserye na Cain At Abel.

Ang Cain At Abel, na pinagbibidahan nina Dennis at Dingdong Dantes, ang bagong kalabang programa ng Kapamilya teleserye ni Coco na FPJ's Ang Probinsyano.

Nagsimulang umere ang Cain At Abel kagabi, November 19.

Sabi ni Dennis sa caption, "Salamat sa pag like Cardo @mr.cocomartin"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
 IMAGE @dennistrillo on Instagram


Cardo ang pangalan ni Coco sa kanyang teleserye, na tumatakbo na ng mahigit tatlong taon sa telebisyon.

Nag-iwan din ng comment si Coco Martin sa Instagram post ni Dennis.

Sabi niya, "Congrats Bro sana magkatrabaho tayo soon!!!"

 IMAGE @dennistrillo on Instagram

Isa sa mga nag-react sa post ni Dennis  ay ang GMA-7 actress na si Angelika dela Cruz, na dating kasama ni Dennis sa Dwarfina (2011) at Biritera (2012).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ani Angelika, "Iba ka @mr.cocomartin"

 IMAGE @dennistrillo on Instagram


(Read: Times When Coco Martin reached out to GMA-7 stars via Instagram)



Stories We Are Tracking








ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close