Ken Chan says, "Hindi ko ma-imagine ang sarili ko na nasa ibang network."

Ken Chan explains one of the reasons why he chooses to stay in GMA-7 after many years.
by Rommel R. Llanes
Nov 24, 2018

Tumawa muna si Ken Chan bago sumagot nang banggitin namin na sa GMA-7 ay isa siya mga young actors na maituturing na mahusay na artista.

“Naku, hindi ko po alam talaga! Nahihiya naman po akong sabihin yun. Sa totoo lang, dito sa GMA ang daming magaling, maraming magaling at suwerte lang po ako na pag nag-a-audition po ako nakukuha ko yung mga roles ko.

"Pero madaming magaling, madaming puwedeng pagpilian.”

Nagbanggit siya ng mga pangalan na para sa kanya ay mahuhusay rin.

“Ang dami, nandiyan si Kristoffer Martin, si Mikoy Morales, si Alden Richards, si Derrick Monasterio, si Jake Vargas, si Jeric Gonzales, sino pa nga ba? Si Martin del Rosario. Maraming pagpipilian, e.”

Nakausap namin si Ken sa GMA compound on his way sa taping ng My Special Tatay.

Walong taon na sa GMA si Ken at isa siya sa mga binibigyan ng importansiya ng Kapuso Network. Ngayon ay bida siya sa My Special Tatay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pumasok ba sa isip niya na lumipat kapag in-offer-an ng ibang network?

“Ang dami pong nagtatanong sa akin po na, ‘Gusto mo bang lumipat?’

“Hindi naman po tagakabila. Yung mga tao lang po sa paligid ko, tinatanong po ako kung may chance po ba akong lumipat sa ibang network.

“Ang sa akin lang, bakit ako lilipat kung ganito yung ginagawa ng GMA sa career ko?”

"Hindi naman bago ang lipatan.

“Hindi natin sila masisisi, di ba? May desisyon sila, e.

“Kahit po ako sa sarili ko… For me, hindi natin alam ang panahon, pero as of now, ngayon, sobrang happy ako dito sa network. Bakit ako lilipat kung binibigyan ako ng magagandang teleserye ng GMA?”

Paano kapag dumating ang panahon na ibang artista naman ang bibigyan ng mas magagandang roles, maiisip ba niyang lumipat?

“Hindi ko masasabi talaga, kasi mahirap, e, mahirap magsalita dahil hindi ko talaga nakikita yung sarili ko sa ABS-CBN.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Ako, I’ll be honest ha. Tinanong ko po sa sarili ko po yun, tinanong ko sa sarili ko…kasi may mga kaibigan po ako sa ABS-CBN, so tinanong ko sarili ko na parang, ‘Ano kaya talaga yung destiny ko? GMA ba talaga, TV5, ABS-CBN?

“Sa sarili ko lang po, pero hindi ko… ini-imagine ko siya, hindi ko ma-imagine ang sarili ko na nasa ibang network.

"Parang sobrang kampante, kumportable. Parang pangalawang bahay ko na talaga ang GMA.

“At yung mga boss reachable sila, nakakausap ko, nasusumbungan ko, nasasabihan ko ng problema. Boss na po ng GMA ‘yan, ha?

“Yung mga boss po natin sa GMA nasasabihan ko sila ng personal na problema ko.

"Nakakatuwa lang kasi reachable sila and for me, iyon yung isa sa mga factors kung bakit ayokong lumipat ng ibang network kasi dahil sa mga boss natin.”

ON UTANG NA LOOB

Ayon kay Ken, hindi siya lilipat dahil magagalit si German "Kuya Germs" Moreno, ang namayapang mentor at manager ni Ken.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Yun po, sasabihin ko pa lang po, yung utang na loob, sabi ni Tatay sa akin…alam mo si Kuya Germs galit na galit kapag may alaga siyang lumilipat sa kabila.”

Mismong si Kuya Germs ay loyal Kapuso.

“Sobrang loyal ni Tatay. Alam nating ang daming nag-o-offer sa kanyang lumipat, Dos [ABS-CBN], sa TV5 noon, sobrang kinukuha po siya.”

Upang i-commemorate ang 85th birthday ng namayapang Master Showman noong October 4, ni-rename ang isa sa studios ng GMA Network bilang German Moreno Studio. Ito ay ginawa upang parangalan si Kuya Germs na nanatiling Kapuso sa loob ng limang dekada.

Ano ang naramdaman ni Ken na ang isa sa mga studios ng GMA ay binansagan bilang German Moreno Studio?

“Hindi po ako naka-attend. Naimbitahan po ako pero hindi ako nakapunta kasi nagte-taping po kami ng Maynila. Pero humingi naman po ako ng sorry sa lahat. Alam ni Tatay… Nung hindi po ako naka-attend, dumiretso po ako sa sementeryo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Masaya si Ken sa pagkakapangalan ng naturang studio sa kanyang tatay-tatayan.

“Ang tagal ko ng ano ‘yan, parang nung kamamatay pa lang po ni Tatay naririnig ko na po ‘yan at talagang wish… nag-uusap po kami ni Tito Frederico [Moreno, anak ni Kuya Germs] about diyan na sana matuloy.

“Tapos parang akala nga namin hindi na matutuloy, tapos bigla na lang one day nalaman ko papangalan kay Tatay yung studio po ng Walang Tulugan before po. Sobrang sarap sa pakiramdam!

“Na parang feeling ko na kahit si Tatay hindi namin nakikita, feeling ko ano…

“May nagsabi sa amin nakikita daw si Kuya Germs dun sa studio na yun. Totoo!

“Minsan sa Sunday PinaSaya po, minsan nakikita daw po nakaupo daw dun, nakangiti!”

“Hindi siya nakakatakot for me, na parang si Tatay talaga kahit sa kabilang buhay na siya loyal pa rin siya, nandun pa rin siya sa studio na yun, happy siya sa nangyayari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“And for me, ako sa tingin ko, inaalagaan pa rin niya ako kahit wala na siya.”




Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results