Rocco Nacino comments on prevalence of shows tackling infidelity

IMAGE Noel Orsal

Rocco Nacino talks about working with Carla Abellana and Sophie Albert in Pamilya Roces.


Kumpara sa mga dating karakter na ginagampanan ng GMA-7 actor na si Rocco Nacino, ibang-iba nga para rito ang kasalukuyang primetime series na Pamilya Roces.

Nitong linggo na ito, nagkabukuhan na sa kuwento at nalaman na niloloko niya ang kanyang asawa na ginagampanan ni Carla Abellana. Ang kabit niya ang mismong kapatid ng asawa niya na ginagampanan ni Sophie Albert.

Hati ang reaksiyon ng manonood at netizens kay Rocco. Mayrong natutuwa pa rin pero hindi maikakailang may mga galit din sa kanya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rocco sa pamamagitan ng private message at hiningan namin ng reaksoyon sa mga manonood na naapektuhan sa karakter niya.

Sabi naman ni Rocco,“I think that rather than matakot sa mga comments ng netizens, I am taking it positively kasi ibig sabihin nun, naaapektuhan ang mga manonood natin. I’m sure galit sila kay Hugo, hindi kay Rocco.

“Kapag nasa labas po ako at kapag binabati nila na 'grabe ka talaga Hugo, ang sama mo!' Ina-acknowledge ko palagi yun at nakiki-ride sa hirit nila na, 'Oo, grabe yun si Hugo, sarap bugbugin, 'no!”

Wala raw problema kay Rocco kung pag-isipan siya ng tao na playboy rin siya sa totoong buhay. Mas kilala raw niya ang sarili.

Sa ngayon, masasabing masaya at matatag si Rocco ang relasyon niya sa kanyang sa real-life girlfriend, ang volleyball player na si Melissa Gohing.

Ayon kay Rocco, “Nasa audience na po natin kung paano nila po ako ma-view. As long as I know I’m doing my job well, balewala po sa akin ang sinasabi ng ibang tao. Hindi ko naman po ikakagaling yun.”

Dugtong pa niya, “Kapag hinayaan ko po namaapektuhan ako sa mga sinasabi ng tao. Responsibility na nila po na isipin that its a role. But still, I’m happy when people get affected.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Parehong unang pagkakataon na makatrabaho ni Rocco ang dalawang leading ladies niya sa Pamilya Roces na sina Carla at Sophie.

Kumusta naman ang mga ito?

Saad ng Kapuso actor: “They are very fun to work with dahil lagi kong nakikita yung enthusiasm nila for a scene. Parehas, very professional and always giving their 100%.”

“Carla shows talaga that she knows how to do her work well, she’s getting more versatile with every project gjven to her. Sophie naman surpassed my expectations of her. Binibigay niya talaga yung tiwala niya sa show at sa character niya and you can see from her performance.

“She’s mahinhin talaga kaya kapag sa eksena minsan nagugulat ako sa ginagawa ni Amber,” natatawang sabi niya.

Halos pareho ng tema ang magkatapat na primetime series ngayon ng dalawang rival networks. Ang Halik ng ABS-CBN at Pamilya Roces ng GMA-7 ay temang pangangaliwa at kabit.

Parang kapag mga ganitong kuwento, palaging patok sa manonood. Sa palagay niya, bakit kaya?

Ani Rocco, “I guess siguro dahil maraming kaso o kuwento ng infidelity na pinagdadaanan ng mga manonood natin. Kung di man sila nakaranas nun, yung takot at kaba ng show ang nakakapagkapit sa kanila sa mga ganitong shows.

“Ibang adrenaline rush yata ang nakukuha nila lalo na kapag nagkabistuhan na. Sa totoo lang hindi ko alam, pero gustong-gusto talaga nila ng conflict at away kapag bukingan na.”




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN