Shyr Valdez on Marian Rivera: "Masarap siyang kaibigan kasi hindi siya showbiz na kaibigan."

IMAGE Noel Orsal




Ang character actress na si Shyr Valdez ang gumaganap bilang ina ni Sanya Lopez sa GMA-7 prime-time series na Cain At Abel.

Bago ang Cain At Abel ay napanood si Shyr na teleserye sa Super Ma’am ni Marian Rivera.  

Dahil dito, masasabi ni Shyr na pagkatapos ng Primetime Queen ay ang Primetime King naman na si Dingdong Dantes (as Daniel) ang katrabaho niya.

Overwhelming raw ang experience, ayon kay Shyr.

“Kasi siyempre power couple yun, e! So from Yanyan [playaw ni Marian] to Dong, and pareho naman akong walang masabi sa mag-asawa.

“Whether it’s Yanyan or Dong kasi parehong napakabait, napaka-professional, napaka-maintindihin sa set, hindi lang sa artista kundi sa lahat.”

Nakikita raw ni Shyr kay Dingdong ang “the director in him” dahil “minamatahan” raw ni Dingdong ang mga eksenang kinukunan sa Cain At Abel.

”So makikita mo yung dynamics ng pagiging aktor ni Dong at saka yung dynamics ng pagiging director, nandun.

“But since he is the actor this time, hindi siya yung direktor ng show, he submits to the director, which is very respectful.

“So makikita mo yung respeto niya sa katrabaho niya pag siya ang direktor at pag hindi siya ang direktor.

Ang mga direktor ng Cain at Abel ay Don Michael Perez and Mark Reyes.

Matalik na magkaibigan sina Shyr at Marian. Kumusta maging kaibigan ang Kapuso Primetime Queen?

“Honestly, masarap. Masarap siyang kaibigan kasi hindi siya showbiz na kaibigan.

“Iyon yung meron kami. Hindi kami friends just because siya si Marian Rivera or…

“I’m a very small actor pero hindi pinaramdam sa akin ni Yanyan yun at hindi ko rin naramdaman kay Dong yun.

"Kaya sobrang suwerte ko, I think it’s really a blessing to be working with Dongdong after Yanyan kasi nakaktuwa silang mag-asawa, yung pamilya nila sobrang mahal ko yung pamilya nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And it’s just overwhelming,” bulalas pa ni Shyr.

Palagi ngang pino-post ni Marian sa kanyang Instagram account ang mga pagkain na ibinibigay ni Shyr sa kanya.

“Pinapakain ko yun parati, e,” at tumawa si Shyr.

Si Shyr rin ang naging daan para maging celebrity endorser si Marian ng Reverie Home Products ng Beautederm Home. Ito ay dahil kaibigan ni Shyr ang Presidente at CEO nitong si Rhea Anicoche-Tan.

Masayang-masaya rin si Shyr na buntis na naman muli si Marian.

“Kasi meron kaming kuwentuhan niyan, sabi niya, ‘Ate, gusto ko nang magbuntis ulit.’

“E, papunta ako kay Padre Pio sa Batangas nun, ginagawa namin nun ang Super Ma’am. Patapos na, sabi ko, ‘Papunta ako kay Padre Pio, susulat ko, ire-request ko sa kanya.’

“Pinakita ko sa kanya yun, sabi ko, ‘Eto request ko,’ sabi ko sa kanya, nag-Viber ako.

“Tapos siya rin nagpunta na rin sila kay Padre Pio.

“So answered prayed talaga. At sakto sa gusto nilang agwat ng mga anak nila, which is three years, is a very good gap.”

Kaka-three years old lamang ng panganay nina Marian at Dingdong na si Zia noong November 23.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN