Donna Cruz amused by what she's got in common with Cain at Abel

IMAGE @donnacruzyl on Instagram / GMA-7

Donna Cruz is amused that she has the same surname as Dingdong Dantes and Dennis Trillo's characters in Cain At Abel.



Napansin ng former actress at singer na si Donna Cruz ang pagkakapareho niya sa ilang karakter ng GMA-7 prime-time series na Cain At Abel.

Ang apelyido kasi ng mga bida—na ginagampanan ni Dingdong Dantes at Dennis Trillo—ay Larrazabal.

Larrazabal ang apelyido ngayon ni Donna matapos niyang magpakasal sa asawang si Dr. Yong Larrazabal.

Sa kanyang Instagram post noong November 24, ibinahagi ni Donna sa kanyang asawa ang screenshot ng Wikipedia page ng Cain At Abel. Makikita rito ang mga pangalan ng characters nina Dingdong, Dennis, Solenn Heussaff, Sanya Lopez, Eddie Gutierrez, at Dina Bonnevie.

Sabi ni Donna sa kanyang caption, "#TheLarrazabals haha! Naaliw naman ako sa apelyido nila ahmm... honey @yonglarrazabal kamag-anak?"

Nag-react naman si Yong sa post ng asawa niya.

Ani Yong, "Haha honey. Have new Bros"

Matagal nang hindi gumagawa ng teleserye si Donna. Umalis siya sa mundo ng showbiz noong 1998 pagkatapos niyang ikasal kay Yong.

Ang una at huling pinagbidahan niyang teleserye ay ang Villa Quintana na umere sa GMA-7 mula 1995 hanggang 1997.

Ang huling appearance ni Donna sa isang teleserye ay nangyari noong 2011, nang magkaroon siya ng special role sa Kapuso early prime-time series na Daldalita, bilang asawa ni Ogie Alcasid.



ABOUT THE AUTHOR

Let's talk TV @jimpylosophies on Facebook, Twitter, and Instagram.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN