Carla Abellana on Pamilya Roces' rival show Halik: "Matindi talaga ang katapat."

IMAGE Rose Garcia



Pinag-usapan at nag-trending ang episode ng primetime series ng GMA-7 na Pamilya Roces. Ito ay dahil nabuking na ni Carla Abellana na hindi lang ang ama niya ang may kabit kundi maging ang asawa niya. Ang masakit pa dito ay mismong kapatid ng karakter niya ang kabit ng kanyang mister.

Ang mister niya rito at ang Kapuso actor na si Rocco Nacino at kapatid naman niya si Sophie Albert.

“Matagal na kasing hinihintay yun ng audience. Kung kailan ba mabubuking ang panloloko nila Amber. Siyempre, ginalingan po talaga ni Direk, writers, pasabog po talaga ang naging revelation,” masayang pahayag naman ni Carla nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Pamilya Roces sa Luneta Hotel noong November 23.

Sa takbo ng kuwento, tila pinatawad pa rin niya si Hugo na ginagampanan nga ni Rocco.

“Yes, na-influence kasi siya ng mother niya na si Nathalia. Na kahit na niloloko siya ni Rodolfo, nag-stay pa rin siya sa marriage. So medyo napaisip si Crystal na, okay, ang marriage nga pala dapat sine-save, hindi binabalewala.

“So medyo napaisip siya, nilapitan niya si Hugo na i-save nila ang marriage.”

Sa totoong buhay, hindi raw masabi pa ni Carla kung sakali at mangyari nga na lokohin siya ng mapapangasawa niya ay matatanggap pa rin niya ito.

“Ang dali kasing sabihin, ang hirap gawin,” saad niya.

Aniya, “Madali namang mag-forgive pero mahirap makalimot. Kung siguro nangyari na isang beses lang, hindi paulit-ulit, parang mas madaling magpatawad. Pero yung ganung paulit-ulit, pinatagal pa, siyempre, mahirap.”

Iba rin daw kapag boyfriend pa lang at asawa na.

Hindi naman daw niya naranasan sa mga naging karelasyon niya na niloko siya.

“At least yun, mas madaling pakawalan!” natawang sabi ni Carla.

“Pero no naman, never ko namang na-experience na lolokohin ka, ‘wag naman sana. Kung nangyari, mas madaling pakawalan. Pero kapag marriage, e, sacred yun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagpapatuloy niya, “Kaya kong magpatawad. Ang mahirap, makalimot. Ang Diyos nga nakakapagpatawad.”

Pero may hangganan din daw talaga para sa kanya kung paulit-ulit na ginagawa ang mali o panloloko sa kanya, kaya niyang i-give-up.

“Kasi, kapag paulit-ulit na, bina-balewala na lang talaga ang pagsasama. Kung magkamali ka ng isang beses, madaling magpatawad. Pero kung paulit-ulit, hindi na tama.”

Aminado naman si Carla na handa na rin siya kung sakaling mag-propose na ng kasal ang boyfriend na si Tom Rodriguez. Tipong ito na rin talaga ang hinihintay ng lahat sa kanilang dalawa.

“Medyo... matagal na rin namang ready, anytime,” nakangiting sagot ng 32-year-old actress.

Tuwing nakakausap si Tom at tinatanong tungkol dito, sinasagot na madalas ay nag-iipon pa.

Totoo ba yun?

“Ay oo, lalo na ngayon. Napakahirap na ng buhay,” natatawang sabi niya. Dahil dito, sinundan namin nang tanong na parang hindi naman totoo yun sa kanila.

“Hindi naman, totoo naman kahit papaano, kumbaga, nasa point na kami na nag-iinvest kami outside show business. Importante na may mga investment kami.”

Tanggap ni Carla na malakas ang katapat nilang teleserye na halos kapareho rin ang tema ng teleserye nila, panloloko, pagkakaroon ng kabit. Ito ang Halik ng ABS-CBN na pinagbibidahan nina Sam Milby, Yam Concepcion, Yen Santos, Jericho Rosales.

"Matindi talaga ang katapat,” saad ni Carla.

“Actually, okay lang kasi we don’t think too much of the compettition. Kung meron man kaming kakumpetensiya, sarili namin. Kung meron man po sigurong concern sa competition, ang production, network.

“Pero kami pong artists, hindi po kami...well, wala naman po sa control namin ang kuwento, wala naman po sa control namin ang script o dami ng manonood. Kami, gawin lang po namin ng maayos ang trabaho namin.”

Puring-puri siya ng leading man niya na si Rocco.

“Awww... magaling naman si Rocco. First time ko siyang makatrabaho at mahirap paniwalaan na first time niya raw na mag-comedy. Parang natural naman po sa kanya na maging kenkoy ala Bubble Gang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero ngayon na medyo nagiging intense ang story, kahit paano, overwhelming yun. Nagiging seryoso na ang story, intense na ang mga eksena at lahat naman po kami nao-overwhelmed sa takbo ng kuwento.

“Pero kinakaya naman po niya, very professional naman siya, silang dalawa ni Sophie.”

Napapansin din talaga si Sophie sa Pamilya Roces.

“Okay si Sophie, super professional,” papuri ni Carla rito.

“Napaka-ano kasi ng personality niya kabaligtaran ni Amber. Napaka-soft-spoken. Napaka-demure. So hindi ba makabasag-pinggan. Napaka-delicate lang niya.

“Kumbaga, ikaw ang mahihiya sa kanya kung masaktan mo man siya.

“Buti na lang din nga, professional siya.”

Balita nga na umaabot na sila sa matitinding eksena na nang masampal nga raw ni Carla si Sophie, pakiramdam daw ng huli ay na-lockjaw siya. Gayundin si Rocco na nasampal din niya.

Sabi naman ni Carla, “Alam ko na sobrang nasaktan si Sophie at Rocco sa mga sampal, suntok at sabunot… tulak lahat na… na ginawa ko. Hindi lang during sa revelation scene na yun.

“Yung sa kotse kundi buong araw actually particularly yung taping day na yun pulos confrontation na… pulos sumabog na si Crystal. Talagang naparami ang mga sampal at suntok. Alam kong sobra ko silang nasaktan and I kept apologizing to the both of them after the scene. Talagang nagso-sorry ako tapos bago pa magtake nagpi-peace na ako sa kanila, nagsosorry na ako in advance.”

Malaking bagay raw na parehong professional ang mga ka-eksena niya.

“Pero, of course, dahil professional silang dalawa they understand naman that’s it’s just work. Saka parte na rin ng instructions ni Direk Joel sa ’min na talangang sabi niya na Carla kailangan mong ibigay ‘to. Kailangan mong maging violent… kailangan rage talaga.

“Dahil first time na makikita si Crystal na magwawala ng ganito, magiging physical siya and talagang loud and big yung movement. Talagang magwawala si Crystal for the first time. Before and after every scene naman may sampalan, tulakan, suntukan nagsosorry na ako sa kanilang dalawa and then kinamusta ko naman sila the following taping day kung may pasa ba sila.

"Wala naman daw at paulit-ulit akong nagso-sorry sa kanila kahit tapos na yung eksena at naiintindihan naman nila siyempre, so buti na lang din professional sila at walang mga pasa.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN