Jessy Mendiola admits she received "fat memo" from ABS-CBN management

IMAGE Noel Orsal

Jessy Mendiola observes: "It proves that you can't get work when you gain weight. That's the kind of society we have."


Dumaan raw sa depression si Jessy Mendiola dahil pinadalhan siya ng kanyang management ng "fat memo."

Ito ay warning na ang ibig sabihin ay tumataba na siya at kailangan niyang magpapayat bago siya bigyan ng proyekto.

Ito ang ibinunyag ni Jessy sa launch ng kanyang bagong produktong ini-endorse: ang Amazing Grape Juice with Garcinia Cambogia na ginanap noong November 30, 2018, sa Luxent Hotel.

Sinabi pa ni Jessy na ito ang dahilan kung bakit halos dalawang taon siyang hindi masyadong visible sa telebisyon. Binigyan siya ng panahon ng ABS-CBN para magpapayat.

Sa kabila nito, lumabas siya sa FPJ's Ang Probinsyano at may ginawa siyang pelikula na kasama sa 2018 Metro Manila Film Festival. Ito ang Girl in the Orange Dress kunsaan leading man niya si Jericho Rosales.

Sa social media naman ay nakatanggap siya ng mga komento na nagsasabing tumaba na siya.

Pahayag ni Jessy: "It proves that you can't get work when you gain weight. That's the kind of society we have."

"At first, it made me sad. I thought na kahit pa mag-gain ako ng weight, okay lang. Pero nabanggit ko nga na it's part of my job. Tinanggap ko siya and I challenged myself at nakita naman ang result with the help of my workout and this Amazing Grape Juice with Garcinia Cambogia na talagang nakatulong para pumayat ako."

Gaano kalaki ang binaba ng timbang niya simula nang mag work-out siya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"From 140 lbs nasa 115-120 lbs na lang ako. Luis [Manzano, her boyfriend] is very happy for me kasi simula nang naging kami, struggle talaga sa akin ang magpapayat at nakita niya yung journey ko. Kaya nung nalaman niya na naabot ko yung goal ko, yung gusto kong ma-achieve, he's very happy for me.

"Naiyak nga yun nang very light, e. Nakita niya kasi yung struggles ko na hindi na ako nabibigyan ng work, lagi akong binabash ng mga tao na I gained weight, na I'm fat daw or whatever. Nakita niya na naging positive at naging happy na ako."

Kuwento pa ng Kapamilya actress, "I got very depressed, parang dumating ako sa point na, 'Ah, 'eto na lang pala talaga ang halaga ko.' Kung hindi ako sexy, wala akong projects at hindi nila ako makikita as who I am.

"Sa mga nagsasabi na, 'Ay, nagpapayat siya kasi binash siya,' it's not that. It's more that I wanted to feel good, so I started being healthy."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN