Did Jaya's talent fee increase when she joined ABS-CBN show?

by Julie E. Bonifacio
Dec 15, 2018
PHOTO/S: Julie Bonifacio

Itinanggi ni Jaya na malaki ang itinaas ng talent fee niya simula nung lumipat siya sa ABS-CBN.

Pero inamin niya na mas lalong dumami ang kanyang shows at concerts dahil sa paging hurado niya sa Tawag ng Tanghalan ng It’s Showtime.

“Naku, hindi totoo yung mga ganyan. Ano lang, nakaluwag-luwag lang ng konti,” seryosong sabi ni Jaya.

Nakakaka-bili-bili na rin ba siya ng lupa at bahay?

“Nakakabili na ng lupa! Hahaha!

“Hindi! Nakaka-stylist, charot! Hindi, hindi."

Pinaliwanag ng Queen of Soul kung bakit hindi siya nagpe-perform sa mga concerts at mga shows for the past several years.

“Ano lang, for me right now ang goal is to really be seen constantly and performing. Kasi ang tagal ko ring hindi kumanta, di ba?

“Ah, nagkaproblema ako sa vocal chords. Nagpatingin kami sa doctor. Nag-suggest si Erik Santos ng doctor, this is two years ago.

Continue reading below ↓

“Meron nga kaming mall tour sa Davao, hindi ko malilimutan. Wala akong boses. Paano ‘to? Outdoor, huh. Paano tayo kakanta? Wala, wala kang magawa. Push, push, hanggang sa lumabas siya.

“Pero a year and an half ko siya sinuffer. Hindi lang ako kumikibo.

“Itinuloy na lang yung show. Push. Hindi ako nagrereklamo.

“Meron naman lumabas na boses. Pero may paos. Yung kunyari yung vocal chords, di ba, magkadikit ‘yan, ganyan. Di ba kapag bumubuka ‘yan, pa-ganoon. Yung isa straight, yung isa nakabaluktot. Parang flimsy, ganoon.”

Tulad din ba ito ng nangyari kina Sarah Geronimo at Morissette Amon dati?

“Hindi ko alam. Wala akong nodules, e. Wala akong mga tubong nodules at ano sa throat. Yun lang. Saka konting acid freflux. Talagang problema ko yun. Kapag lumulunok ako na parang may phlegm. Pero wala akong ubo’t sipon.”

Paano niya ito naayos?

Continue reading below ↓

“Wala, tira lang nang tira, ganoon. Wala ka namang choice, e. Saka vocal warm-ups.”


DOES SHE HAVE A CONTRACT WITH ABS-CBN?

May alok ba sa kanya na mapasama rin sa ASAP?

Pag-amin ni Jaya, “Hindi ko alam. Alam mo ‘tong Cornerstone, I trust them 100%, e, kung ano ang desisyon nila. And kung anuman ang mangyari, if I guest once in a while, okay lang sa akin. At least, walang pressure, di ba? At saka, masayang-masyaang ako naglalaba every Sunday. Hahaha!”

May contract ba siya sa Kapamilya network?

“Wala,” sagot niya. “Even naman with GMA dati, wala.”

Nabanggit ni Regine Velasquez during her guesting sa Tonight With Boy Abunda na sa loob ng 20 years nang pamamalagi niya sa GMA-7, ten years doon ay wala siyang kontrata sa Kapuso Network. Ngunit, nakatanggap ng matinding pambabash si Regine mula sa netizens tungkol sa kawalan ng loyalty.

Continue reading below ↓

Ano ang masasabi ni Jaya tungkol dito?

“Ako, 20 [years] plus. Yes, pwede ako lumabas sa ibang network. But it wasn’t the right time kay siguro hindi nangyari. But moving to ABS sobrang nag-slide lang...whoa! Sobrang walang problema. And so, talaang yung time na yun, 2016, yun na yun.

“Trabaho lang, ‘te. Lahat naman kami ganoon, e. Whether you are a writer, cameraman, director, artist: trabaho lang. Wala naman kaming hinahangad na masama sa, alam mo yun? Ang trabaho ay trabaho. Gawin kung may offer. Tanggapin kung maganda. Kung hindi, huwag tanggapin. Ganoon lang yun.

“And TNT [Tawag ng Tanghalan] is something na talagang nagbigay sa akin ng Renaissance. Parang take two sa career. Nag-take two ako. So, blessing sa akin yun.”

Bilang hurado sa TNT, isa sa mga binabatikos sa kanila yung pagpili nila ng winner. And there was a time na ipinagtanggol siya ng It’s Showtime host na si Vice Ganda.

Continue reading below ↓

Anong na-feel niya that time?

Kuwento ni Jaya: “Pinagtanggol niya ako ng bonggang-bongga, oo.

“Actually, yung pagka-bash na ganoon, paalis din ako ng Amerika noon. Hahaha!

“Naghuhugas pa ako ng plato, kasi kumain kaming mag-ina, si Sabria. Tapos nabukas ko yung, nabukas ko lang. Biglang nagsalita ang Vice. Naiyak ako kasi kasagsagan yun, e. Pag tiningnan ko yung phone, ganoon, e.

“Sabi ko, ibang klase ‘to, grabe. Hindi ako kumikibo. Walang response sa Twitter, wala. Deadma. ‘Pag salita niya, talagang umiyak ako sa kusina. Habang naghuhugas ng plato, gumaganoon-ganoon ako [umiiyak].

“Sabi ko, ‘Never mind, Sab. It’s like that. That’s why I tell you ‘pag magsho-showbiz ka, ganyan [ang mangyayari].

"O, gusto mo ganyan, umiiyak ka? Pero kailangan mo gawin yun, no response and all.’

“Sabi niya, ‘Mom, that’s so mean.’ Yakap lang siya. Hayaan mo sila, hindi naman sila ang nasa TV. E, di ba, kailangan ko rin siyang i-push din na, ‘Okay lang ‘yan. Huwag kang ano.’ And then, nagpasalamat ako kay Vice, agad, ‘Vice, I can’t believe...’”

Continue reading below ↓

Click ba sila ni Vice pagdating sa humor and all?

“Oo naman. Sa gagahan? Oo, okay kami. Ewan ko nga sa kanya.

“Nakakatawa siya, e. Iba si Vice. Ang bilis ng utak niya, nakakatawa siya, and he’s very transparent. Alam mo kapag mainit ang ulo niya.”

Paano malalaman kapag mainit ang ulo ni Vice Ganda?

“Hindi...‘pag ano yung meron siyang, feeling ko lang yung kapag meron siyang hindi gusto na nangyayari, alam na. Yung ano lang niya yung words. At yung tono, he’s very transparent. E, pareho kaming Aries ni Vice.”

Nakita na ba niya ang special someone ni Vice na si Calvin Abueva?

“Hindi pa nga, e. Sa picture lang. Tanong ko lang, puro ba siyang

Pilipino?” balik-tanong ni Jaya sa amin.

“‘Yan ang hindi ko matandaan kung nagkaroon kami ng ganyang tsika. Parang

Continue reading below ↓

meron akong nasabi sa kanya. Pero matagal na kasi parang last year pa

kapag nagkakatipun-tipon. Kailagan niya minsan ng advice.

“Lahat naman tayo kailangan ng advice. Kahit naman ako.”


ON TAWAG NG TANGHALAN

Para kay Jaya, malaking blessing para sa kanya ang maging hurado ng Tawag ng Tanghalan.

“E, sa akin naman, isa ring napakalaking blessing for me ang TNT. I’m also grateful for my TNT family at sa Showtime bilang nagbigay din ng pangalan sa akin ulit at ibinabato ako sa iba’t ibang parte ng mundo.

“Actually, ang dami ko na ring nagawang TFC shows and events. Kaya talagang, bagong lipat pa lang ako, ang dami na. TFC, TFC, and more TFC shows. Kung saan-saan na ako lumipad: Australia, New Zealand, U.S.

“Saka hindi na kami kilala sa pangalan. Hurado na lang. ‘Uy, si hurado.’ Hahaha!”

Continue reading below ↓

Flattered ba siya kapag tinatawag siyang hurado instead of her name?

“Very flatering, kasi parang may role ka. Parang, ano ‘to soap? Parang, Esmeralda, yung ganoon.

“Pero kilala pa rin, alam pa rin nilang si Jaya ako. Pero yun, malaking bagay ang TNT.

“Then, may concert ako next year. Album release this year, ngayong December.

“Hindi siya Christmas album pero Christmas release.

“Nag-release na kami ng single before. Ginawan na namin ng music video pati yung second single. Yung second single kasi kay Yeng [Constantino]...Si Yeng Constantino ang nagsulat.

"You have to wait for the music videos. Panalo. Nakakaloka! We’re really shooting for a December release."

Ayon sa 48-year-old singer, ang titulo ng kanyang album ay hindi pa final.

Nag-perform na ba sa It’s Showtime ang mga anak niya?

“Oo, yung dalawa. Nagra-rap yung boy. Pero magaling din kumanta si Boy, si Dylan. Kaya lang nine years old pa, e. Pero mas malakas ang loob.

Continue reading below ↓

“Si Zabria naman, mellow. Ang idol kasi noon Moira, yung mga ganoon. Sabi ko, keep that up. Huwag ka bumirit. Gamitin mo kung ano yung tunog mo at style mo.

"Umidolo ka ng iba. E, ang idolo, Elvis [Presley]. Naloloka ako.

“Yung Elvis sa '50s and '60s. So, ang alam niya yung mga ‘Falling in love With You' saka ‘Don’t Be Cruel.’

"Alam niya! Sobrang lumang tao niya.”

ON HER LEGACY

Bilang Queen of Soul, meron ba siyang iiwan na legacy sa mga gustong sumunod sa yapak niya na mga R&B singers?

“Alam mo, sa gagaling nila, I don’t have anything to impart. Pero ang ano lang, is longevity kasi. Iba na ang panahon.

“Ngayon ang bilis ng turnover. So, maintain nila kung paano sila nakilala.

“Parang kami, yung ‘Dahil Tanging Ikaw,’ Diyos ko, habang buhay na lang, di ba?

Continue reading below ↓

"Keep giving to them your signature song. Everything. Yung paano ka nakilala.

“And, ang gagaling ng R&B, soul singers natin. From Kyla, to KZ [Tandingan], to Jay-R, Jason Dy, Daryl Ong, si Bugoy Drilon. Ang dami! Ang dami ko pang di na-mention. Napakaraming napakagagaling. Nothing to impart.

"Just keep it up, para hindi mawala.”

Ano naman ang maipapayo niya sa local artists na nakatikim na ng kasikatan sa ibang bansa gaya niya at ni Jake Zyrus (formerly known as Charice)?

“Mas mataas yung kanya. Mas mataas yun,” pagdidiin ni Jaya.

“Ah, like I said, this is a journey. Hindi lahat ng pupuntahan natin, e, pataas. Mararanasan mo rin yung pababa, gitna, lahat ng sides.

“It’s just how, magkakatalo na lang tayo kung paano idi-deal yung sitwasyon at the moment. And I think he [Jake Zyrus] dealt it the right way.

"Inako niya kung ano siya at sino siya. Pinandigan niya yun, nilabas niya yun, ke ...fans o wala, move on."

Continue reading below ↓

Nanghinayang ba siya for Jake's career?

“His na siya, e. Transman.

“You know, kung saan siya masaya he should do that, you go to that

direction. Pero yung boses niya kasi, ang akin lang ‘no, he should have

kept it. Kasi, sayang, e.

But hey, kung masaya siya na mababa ang boses niya, pwede na kaming mag-

duet. Hahaha. Kasi ako, mababa na talaga boses ko, e.

Hindi ba’t tinawag pa ni Oprah Winfrey si Charice noon as “the most

talented girl in the world?”

Ani Jaya, “She’s still is. I think she’s still is the most talented girl.

But he’s not a girl anymore. She has other goals.

“She’s a man. He’s a man. He wants to do the kind of music that a man can

do. E, go for it.”

Continue reading below ↓

What about Jessica Sanchez na balitang pumirma ng kontrata sa isang local

management?

“Yes, go. Choice niya ‘yan, e. I don’t know about her career in the U.S.

Pero kung may opportunities ka sa ibang bansa, ang daming artists ang

gumagawa niyan. Si Jessie J nag-China.

“So, kung saan ka talaga magkakaroon ng maganmdang offer, career choice

‘yan, e. Are you searching for money, fame, a new list in career? Ano ba?

Ano ba ang hinahanap mo, yun ang gagawin mo. Paninindigan mo ang desisyon

na yun.

“I think for Jessica if she comes her, she has all the right to come here. Kasi magaling naman siyang kumanta, marami siyang fans dito. Isa na kami doon sa mga nanood sa American Idol, sumubaybay sa kanya.”

What if kunin din na regular performer ng ASAP si Jessica?

“E, ‘di go! Tapos kapag nag-guest ako meron kaming production number baka naman, baka naman makasingit doon? Why not?"

Continue reading below ↓

Ano naman ang reaction niya sa mga bashers ni Regine na sinisi siya sa pagkawala ng ibang artists sa ASAP?

“E, may boss din naman si Regine, e, di ba? Merong mga nagdedesisyon para sa mga programs. May mga bosing, so, kung yun ang gusto ng bosing for the moment, let, so be it. I’m sure marami pang changes ‘yan sa mga darating na panahon. So, abangan, tayo rin dapat ang abangan. Ano ang mangyayari pa?

“Hindi naman ‘yan set in stone hindi ba? Alam mo na, maraming talents ang ABS, so, I’m sure marami pa ‘yan na papasok ulit.”



Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Julie Bonifacio
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results