Gabby Eigenmann bares role in new teleserye, Inagaw na Bituin

IMAGE Jocelyn Dimaculangan


Kasalukuyang nagbabakasyon sa Europe ang GMA-7 actor na si Gabby Eigenmann kasama ang kanyang pamilya.

Unang pagkakataon daw nilang lahat ang makapag-Europe at base sa kanyang social media account, ilan sa mga napuntahan na nila ay ang London, Amsterdam, Zaanse Schans.

Mula Pasko at Bagong Taon ay sa Europe nila ito sasalubungin.

"It’s like one of those na mako-cross-out mo sa bucketlist mo. Of course, two years ago, noong nag-Pasko kami sa New York, first time namin yun and yun talaga ang pinaka-ultimate dream ko: New York.

"Pero ito, sabi ko nga, para saan ka pa ba nagta-trabaho at nagpapakahirap kung hindi mo naman i-e-enjoy ang buhay?

"Of course, we have enough kasi, hindi kami puma-plano ng six months, three months. We planned, one year. Para may paglalaanan ka talaga.”

Nakausap namin si Gabby sa PPL office, Scout Tobias, Quezon City noong mismong araw bago sila umalis.

Kamakailan ay si Gabby ang kinilala bilang Philippine winner sa category na Best Actor in a Supporting Role para sa Contessa

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lumaban siya sa ibang national winners ng iba’t-ibang bansa sa Asian Academy Creative Awards sa Singapore. Ngunit, hindi siya ang pinalad na manalo. 

Kasama palagi sa mga plano ni Gabby na mailabas ng bansa ang buong pamilya niya kahit isa o dalawang beses sa isang taon.

Aniya, “Sa akin kasi, pinaka-importante, what makes Christmas more meaningful, like sa buhay ko, of course, you have to celebrate the birth of our Lord.

“Sino ba ang kasama mo dapat? Your family. So, family ko ang kasama ko and that makes it more meaningful. And hindi kasi ako ma-post. Pero ngayon, ang dami kong puwedeng i-post.

"Excited akong makita ang different parts of Europe like London, Amsterdam.”

Pagdating ni Gabby mula sa bakasyon sa Europe, siguradong magiging abala naman siya sa pagte-taping ng bago niyang teleserye, ang Inagaw Na Bituin. Balitang ngayong January na ito magsisimula sa afternoon prime.

Kasama ni Gabby rito ang mga maituturing na mga “ka-batch” niya halos na sina Angelika dela Cruz, Sunshine Dizon, at Angelu de Leon.

“Yes,” natawang pagsang-ayon niya.

“Well, hindi lang ka-batch, mga ka-PPL. Of course, mga kaibigan namang lahat. Sina Sunshine, sina Angelika... it’s not my first time working with Marvin Agustin, pero mabilis lang ang una namin, ang tagal na, sa I LUV NY. So parang I consider this as first time working with Marvin.

“Tapos, Angelu, nakatrabaho ko rin briefly lang din.”

Yung casting nila, kapansin-pansin dahil tampok ang young stars na sina Kyline Alcantara at Therese Malvar.

“Yes, you can say that,” saad niya.

“Kumbaga, mix of award winners.”

Posible bang talbugan ng aktingan?

“Siguro... pero hindi naman kailangang talbugan. Basta gawin lang what we usually do, which is do our best.”

Sa ngayon, hindi pa raw niya alam kung kontrabida siya sa Kapuso teleserye. Sa ngayon, tinitingnan pa niya ito as a gray character. Isang producer raw ang karakter niya.

Ang director ng Inagaw na Bituin ay si Mark Reyes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN