Super Tekla nervous about TBATS show being pitted against Vice Ganda's GGV

IMAGE Noel Orsal

Super Tekla is happy that GMA gave him a 5-year exclusive contract: "Bihira yun, so safe na yung sarili ko for five years pero pag-iingatan mo yun. Kasi hindi lang puwede 5 years na ganyan-ganyan ka lang. Kailangang mag-level up, may always something new na kailangan mong mai-offer."



Maganda ang pasok ng 2019 sa comedian/host na si Super Tekla. Bukod sa may network contract na siya sa GMA-7, meron pa siyang bagong show sa prime-time television.

Kuwento ng 47-year-old Kapuso talent, “Unang-una, ang network nagbigay sa akin ng exclusive contract for 5 years.

“Bihira yun, so safe na yung sarili ko for five years pero pag-iingatan mo yun.

“Kasi hindi lang puwede 5 years na ganyan-ganyan ka lang.

“Kailangang mag-level up, may always something new na kailangan mong mai-offer.”

Level up na rin ang online show nila ni Boobay na The Boobay And Tekla Show (TBATS) dahil mula sa YouTube ay mapapanood na ito sa primetime simula January 27.

Kuwento niya tungkol rito, “Yung pagbibigyan ka ng timeslot, sobrang grabe yun.

“Alam kong challenge, siyempre kailangan mag-exert ng effort.

“Hindi puwedeng… kailangan yung expectations sa ’yo ng network, ng management dapat anuhin [ipakita] mo yun, e, kasi sila ang nakakita nun [potential], e, then the people behind that.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, kailangan mo rin suklian ng effort.”

Dagdag pa niya, mas lalo pa daw niyang pag-igihan at pagbutihan ang kanyang trabaho dahil maraming artista ngayon ang walang raket.

Saad ni Tekla, “Siyempre, hindi ka puwede pa-pitiks pitiks lang, kailangang work.

“Kasi pambihirang pagkakaton 'to, kumbaga yung lightning nag-strike na 'yan, e.

“Kasi minsan lang mag-strike 'yan, hindi mo na alam kung saan ulit mag-strike 'yan.”

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Super Tekla pagkatapos ng Question and Answer portion sa media conference ng nalalapit nilang show sa GMA na The Boobay And Tekla Show noong January 14.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
 IMAGE Noel Orsal


TBATS VS. GGV

Kabado sina Super Tekla at Boobay dahil ang bago nilang show na The Boobay And Tekla Show (TBATS) ay direktang makakatapat ng Gandang Gabi Vice (GGV) ni Vice Ganda sa ABS-CBN.

Pero hindi naman daw nila sadyang banggain ang eight-year show ni Vice.

Saad ni Tekla, "A, wala po kaming intensiyon na babanggain.

“Wala rin pong ganun [kalabanin].”

Pero, sinabi naman niyang desisyon ng management na ilagay sila sa prime time ng GMA-7 tuwing Linggo.

Lahad ni Tekla, “It happens [magkatapat], siguro management decision, wala po sa amin yung ganun.

“Me and Vice, Vice is a good friend of mine, kasi nagkakasama kasi sa isang company before, pareho kami ng circle of work, halos pareho ng background.

“Wala kaming intensiyon na banggain.

“Ano lang yung format lang. Yung tao naman ang mamimili. Trabaho lang dyusko, alam naman ni Meme [Vice] 'yan.”

So kinabahan pa sila sa nalalapit nilang tunggalian sa ere ng Unkabogable Star?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patotoo ni Tekla, “Sino bang hindi kabahan?”



ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN