Mas lalong naningkit ang mga mata ng Kapuso young actor na si Manolo Pedrosa nang kumustahin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) siya sa set ng Inagaw Na Bituin sa UP Bliss, Quezon City, kahapon, January 25.
First taping day niya ito para sa upcoming drama series ng Kapuso network na pinagbibidahan nina Kyline Alcantara at Therese Malvar.
Mula sa mga nag-audition para sa role ng leading man ni Kyline, si Manolo ang mapalad na nakuha.
Pahayag ng 21-year-old actor, “Actually, I just did a scene with Kyline, and I’m very happy na napili ako, kasi nag-audition ako last week.
“Masaya ako kasi ang parang partner ko dito ay si Kyline, and very comfortable with her, kasi nag-work na kami before sa Daig Ka Ng Lola Ko.
“Yun, I felt I connected with her kaagad, we clicked and I hope ma-further yung relationship namin.”
Kumusta naman ang kanyang 16-year-old leading lady bilang katrabaho?
Sabi ni Manolo, “Ayun, she’s very matured for her age, and very friendly.
“Yun nga, I just met her sa Daig... pero, yun nga, we clicked agad.
“She’s very open, walang walls.
“Ayun, naging very comfortable kaagad kami.”
Dugtong pa niya, “She’s very sweet.
“I think any leading man can easily be comfortable with her.
“That’s really important kasi acting is not just what you do on cam, but what you do off cam, which I say is more important, kasi dun nagbi-build up yung chemistry.”
THE AUDITION
Ano sa palagay ni Manolo ang naging advantage niya sa ibang nag-audition para sa kanya mapunta ang coveted role?
Sagot ng baguhan sa GMA-7, “I would really say yung Daig Ka ng Lola Ko.
“Kasi, the way I see it, parang it was a test. A test of chemistry, kumbaga.
“A test of kung bagay nga kami, hindi lamang sa camera, kundi yung personality.
“Kung click ba sila o comfortable ba sila, ganun.”
Kilala bilang magagaling na mga artista sina Kyline at Therese. Paano niya ito pinaghahandaan para makasabay siya sa husay ng dalawa?
Saad ng dating Pinoy Big Brother: All In housemate, “Ah, yes po. Siyempre, kinakabahan din ako.
“Yun nga, another I’m very grateful is because GMA is providing me a lot of workshops this year.
“I’m gonna do acting and Tagalog workshops this year.
“And, of course, I’m working hard for that para maano ko yung Inagaw Na Bituin.”
Ang Inagaw Na Bituin ay nakatakdang umere sa pangalawang linggo ng Pebrero.