Marco Gallo open to working with Kisses Delavin again; Vivoree Esclito on Marco's comeback: "Dedma"

IMAGE Allan Sancon

Vivoree Esclito was Marco Gallo's first screen partner.


Spotted ang Pinoy Big Brother Lucky 7 housemate na si Marco Gallo sa naganap na SunPiology Resolution Run noong January 26, 2019, na ginanap sa Camp Aguinaldo, Quezon City.

Kababalik lang ni Marco sa Pilipinas anim na buwan pagkatapos nitong mag-post sa kanyang social media ng, "Goodbye Philippines! Goodbye Showbiz."

Bumalik ito sa Italy para ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.

For a time, bago nagkaroon ng DonKiss o ang tambalan nina Donny Pangilinan at Kisses Delavin, si Marco ang naging ka-love team ng dalaga.

Pero noong October 2017, tumiwalag si Kisses, at ang sinasabing dahilan ay ang pang-iisnab umano ni Marco sa mga magulang ng kapareha.

Pagkatapos noon ay naging ka-love team ni Kisses si Tony Labrusca, bago pumasok sa eksena si Donny noong second quarter ng 2018.

Masaya naman si Marco dahil maganda ang kinalabasan ng pangyari kasy Kisses.

"I'm happy for her kasi hindi nag-stop yung career niya. Just wish them the best, the best shot, and I hope everything will work out for them," ani Marco.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Are you open to working with her again?

"Why not," ang mabilis nitong sagot. "If someday, they'll give us a project, then we'll work."

Samantala, si Marco ay na-link din sa isa pang housemate, si Vivoree Exclito, na dumalo rin sa naturang event.

Kaya nang nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Vivoree, naitanong ng writer na ito ang pagbabalik Pilipinas at showbiz ni Marco. Nagkita na ba sila?

Tumingin lamang sa itaas ang 18-year-old PBB alumna at sinabing, "Dedma."

Willing ba siyang makatrabaho uli ito?

Eto ang sagot ni Vivoree, "If it God's will, I just want to be professional. Bahala na po."

Matatandaang naging magka-love team ang dalawa, at MarVoree ang naging moniker nila.

Pero nang papiliin ni Marco between Kisses and Vivoree noong April 2017, pinili ng binata ang Chinita beauty. 

Sa ngayon ay masaya naman si Vivoree sa kanyang bagong katambal, si Hashtag CK.

Nagsimula ang KierVi love team sa isang episode ng Ipaglaban Mo, hanggang sa nagtuluy-tuloy na sa Since I Found You. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Back to SunPiology Resolution Run, narito ang iba pang stars na namataan ng PEP.ph:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Tumakbo si Piolo Pascual at ang anak niyang si Inigo para sa 10K category.
 IMAGE Allan Sancon
Si Gerald Anderson ang Most Valuable Player sa ball game.
 IMAGE Allan Sancon
Ka-teammate ni Gerald sa basketball si Ejay Falcon.
 IMAGE Allan Sancon
Sumali rin sina Ronnie Alonte at Jon Lucas.
 IMAGE Allan Sancon
Ylona Garcia
 IMAGE Allan Sancon


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN