Angelu de Leon to young stars today: "They have to be humble."

IMAGE Noel Orsal

In Inagaw na Bituin, Angelu de Leon (in photo) gets to work with fellow '90s stars Sunshine Dizon, Angelika dela Cruz, and Marvin Agustin.


“Exciting, sobrang exciting,” ang pahayag ng GMA-7 actress na si Angelu de Leon tungkol sa pagsama-sama nilang '90s stars sa isang palabas.

Magkakasama sila nina Sunshine Dizon, Angelika dela Cruz, Marvin Agustin at Gabby Eigenmann sa upcoming afternoon series ng GMA-7, ang Inagaw na Bituin na magsisimula ng mapanood sa February 11.

Ayon pa kay Angelu, “Kasi nga, para siyang mixture of everything good. Na lahat puwede mong ipagsama-sama and you know that everything is going to be good, everyone would be professional working wise. At lahat, merong maiko-contribute dun sa show.

“Very, very fortunate actually, yung mga bago naming alaga dahil marami silang mapaghuhugutan na mga aral sa mga tao. At sana, makinig sila sa amin. That when we say something, it’s not, wala lang.

“Gusto naming lumago silang lahat bilang isang artista.

“Hindi lang bilang celebrity, bilang aktres, kung hindi bilang tao rin,” lahad niya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Angelu sa ginanap na press conference ng Inagaw Na Bituin sa GMA Network noong February 1.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagsimula rin si Angelu at masasabing kasikatan niyang talaga noong teen star siya na siyang edad naman ngayon nina Kyline Alcantara at Therese Malvar.

Nakikita ba niya ang sarili niya dati sa mga ito ngayon?

“Oo... pero parang hindi mo naman maiisip kung ano ka dati,” ani Angelu.

“Pero, they’re very lucky to have that time to shine now. Yun ang sinasabi namin na they have to be grateful for it. They have to be humble.

"Yes, it’s an honor to be given such a role yet be humble enough to realize na they have to do their best also. Hindi porke’t nilagay ka diyan, wala ka ng trabahong gagawin.”

Sabi nga niya, lahat ngayon, mabilis na dumarating at nawawala.

“In a snap, everything can change,” saad niya.

“Lalo na ngayon, iba na talaga ang mundo. Sabi nga namin, dati tumatagal ng five years ang show. As much as we want Inagaw na Bituin to last that long, but you know, everybody has their contribution.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kailangan din na ma-realize nila strike when the iron is hot and they have to be humble enough and be grateful to have a show like this.”

Mas disiplinado o mas pasaway ba ang batch nila o batch ngayon ng mga young stars?

“Kasi sabi nga namin, thank God we lived in the '90s, we have no proof of what we did,” natatawang sabi niya.

“Kayo lang naman ang may proof ng mga ginawa namin, mga sinulat ninyo. Pero ngayon, parang make or break sila sa post nila, sa IG stories nila.”

Sa nakikita raw niya, mas pressured ang mga kabataang artista ngayon kumpara noong panahon nila.

Pero sabi niya rin, “Our time kasi, it was more of a discipline. We were handled and guided well by our perspective managers, VIVA, network noon.

“Ngayon kasi, kahit na nadi-disiplina ka, they have access to the world. So, mas mahirap ngayon. Treading on egg shells sila ngayon, good or bad.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero kung may napansin daw siya, mas magaling magbenta ng kanya-kanyang sarili ang mga young stars ngayon.

“Magaling sila sa marketing,” pag-obserba ni Angelu.

“Sila mismo, they can sell themselves. Sa amin, noong panahon namin, hindi namin yun naging forte. Kasi, we had someone to do that.

“Our job is to act.

“Our job is to follow the director and be on the roles.”

Dugtong pa niya, “Sa ngayon, amazing din how the kids instantly can be YouTube star or just be themselves.”

Bilang nanay ni Kyline sa teleserye, hindi pa raw masagot ni Angelu kung mabait o kontrabida ba siya.

“Magandang tanong din ‘yan,” natatawang sabi niya.

“Kasi, hindi pa nari-reveal kung ano talaga ang totoong character ni Aurora. Kasi, sa totoo lang, hindi naman talaga siya pabor sa ginawa ng asawa niya.”

Ang asawa niya rito ay si Michael Flores.

Na-excite raw siyang talaga nang malaman niya kung sino-sino ang cast ng Inagaw na Bituin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi nga niya, “It’s nice, it’s nice na nakakasama sila kasi nga dati, ito si Sunshine, ito si Angelika, ito ako. Yung may kanya-kanya kaming sariling boxes.

“So now, parang to collaborate with good actors and actresses, it’s an exciting time.”

Inaasahan na nga raw na talbugan ng akting ang mangyayari sa kanila.

“More of respect, professionalism would come out,” pagtatama niya.

“Pero sabi nga, siyempre, I’m sure walang magpapakabog.”

Kung tagisan ng husay sa aktingan sa "batch" nila nina Sunshine, Angelika, Marvin at Gabby, nakikita raw niyang palaban din ang dalawang mga young actress na sina Kyline at Therese.

“Palaban din!” saad ni Angelu.

“Minsan nakakagulat, may mga time na nakakatuwang isipin na it’s all natural. Minsan, parang hindi nila kailangan ng acting coach. Dun ako natutuwa, wala silang acting coach on the set.

“Hindi naman sa ano...pero minsan, parang nare-restrict ka kapag may ganun. Parang may ine-expect sa ‘yo at hindi ka makagalaw bilang actress.

“But with them, you see that their effort is to learn from everybody around.”


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN