Jeffrey Hidalgo: from Smokey Mountain member to director

TODA One I Love director Jeffrey Hidalgo gets asked: Will they be poking fun at some politicians through this political rom-com series?
by Rommel R. Llanes
Feb 9, 2019
<p><em>TODA One I Love</em> director Jeffrey Hidalgo gets asked: Will they be poking fun at some politicians through this political rom-com series?</p>
PHOTO/S: Noel Orsal

Pangalawang beses na maging direktor ni Jeffrey Hidalgo at ito ay para sa GMA-7 series na TODA One I Love.

“[Una sa] Inday Will Always Love You. Mga second half lang ako, second unit and then naging main ako nung mga latter part na,” umpisang kuwento ni Jeffrey.

Paano ba siya napasok sa directing ng teleserye ng Kapuso Network?

“Kasi GMA News and Public Affairs ‘to, so dun talaga yung… ang mother show is Wagas, so yung team…three years na ako dun, tapos same team, same people, kasi nga GMA News and Public Affairs din yung Inday Will Always Love You, so dun na nag-start.”

Dating miyembro ng singing group na Smokey Mountain si Jeffrey kasama sina Geneva Cruz, James Coronel, at Tony Lambino na sumikat noong early ‘90s.

Ano ang pakiramdam na mula sa pagiging singer ay direktor na siya?

Ani Jeffrey, “Well, iba talaga siya, at the same time nag-e-enjoy naman talaga ako, saka ginusto ko talaga siya, e.

“Nung nag-start akong um-acting, dun ko na-realize na mas gusto kong mag-direk. I mean, okay naman sa akin umarte, actually nga after nung Inday nagkaroon pa ako ng guestings na acting, ganyan, pero pinipili ko lang din yung mga roles, kapag medyo natsa-challenge ako, ganyan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ano ang pakiramdam niya na siya ang may hawak ng TODA One I Love na balik-tambalan sa telebisyon nina Ruru Madrid at Kylie Padilla?

“Actually, medyo may pressure, kasi nga hindi ko din alam… na-realize ko lang ngayon kung gaano kalakas yung following ng KyRu, so kailangan alagaan.

“Natutuwa naman ako nung na-launch yung trailer, may mga nagko-comment na parang aside from si Mark Reyes sa Encantadia, favorite director na din daw nila ako, kasi sobrang kinikilig daw sila sa KyRu.

“Sabi ng mga KyRu fans, so nakakatuwa naman yung ganun.”

May pressure ba sa kaya na ang dalawang artista niya ay committed na?

Si Kylie ay kasal na kay Aljur Abrenica at si Ruru naman ay nali-link kay Bianca Umali. As a director, nahihirapan ba siya na lagyan ng chemistry sina Kylie at Ruru?

“Hindi, wala, kasi walang kahirap-hirap kasi natural yung chemistry nila, e.

“At saka maganda pa dito is I think sa Encantadia yung team up nila medyo seryoso, e, dito naman rom-com, so parang ibang-iba, kaya nakakatuwa na parang yung mga fans nila na nagustuhan sila sa Encantadia, nakakakita ng different side of them, saka very natural lang.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Si ano nga lang… si Kylie palagi niyang sine-second guess yung sarili niya kasi first rom-com niya, sinabi niya sa akin from the start, nung nag-look test pa lang kami, sabi niya na parang, ‘Direk, hindi ako nagko-comedy.’

“Palagi siyang heavy drama, so mas dun siya… yung nag-workshop kami mas iyon yung struggle niya, kung paano yung lightness and all, pero nung nag-taping naman na kami, kuha naman niya, very natural naman siya.

“Saka I think nadadala din siya dahil yun nga, yung cast, yung ibang cast, sobrang natural din sa kanila yung comedy.”

Malaki ang cast niya: may Gladys Reyes, Jackie Rice, Kim Domingo, David Licauco, Victor Neri, Maureen Larrazabal, Tina Paner, Archie Alemania, Buboy Villar, at Cai Cortez, among others.

“Oo, sobrang dami, pero the same time… sa Inday ang laki din naman ng cast ko, e, okay lang, practice yun.”

Na-interview namin si Jeffrey sa presscon ng TODA One I Love noong January 30 sa 17th floor ng GMA Network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Political show ang TODA One I Love.

“It’s all about the elections, kasi may election na nangyari sa TODA.”

Pero wala raw silang sinusuportahang sinumang kandidato sa May 2019 elections.

“Wala, wala. Wala, puro fictional, at the same time may mga ano lang, yun nga, satire siya, so may mga subtle na ano, may mga scenes na parang, ‘Uy si ano ‘to, uy si ano ‘yan,’ ganun.”

Wala raw silang partikular na pulitikong “patatamaan” sa mga mga jokes nila sa script.

“Ah wala, wala, basta kung ano lang yung nakikita nung writers na kailangan i-bring to the public na issue, yun lang, yun lang yung mga nasa script.

“Saka actually natutuwa din ako minsan pag nagshu-shoot na kami, dun ko nare-realize na parang may mga simpleng usapan ang mga magkakapitbahay ang loaded, so madami talagang matututunan yung mga tao, maganda, kasi nga hindi lang siya kilig, medyo makabuluhan din siya, so yun, nakaka-pressure din yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi nga I think it’s a really good way of educating the voting public, pero very subtle, and it’s not preachy at all, so kumbaga educating through entertainment, yun yung ano, yun yung ginagawa ng show namin.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p><em>TODA One I Love</em> director Jeffrey Hidalgo gets asked: Will they be poking fun at some politicians through this political rom-com series?</p>
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results