Tom Rodriguez reveals why he felt nervous working with Janine

by Rommel Gonzales
Mar 3, 2019
Tom Rodriguez admits having a tough time memorizing his Mandarin lines for his new GMA-7 series, Dragon Lady, where he plays the role of a rich Fil-Chinese businessman.
PHOTO/S: Noel Orsal

Hiningan namin ng reaksyon si Tom Rodriguez tungkol sa pag-amin ni Janine Gutierrez na nasa bucket list niya ang makatrabaho si Tom sa isang teleserye.

Sagot niya, “Ako, hindi talaga ako naniniwala pero buti na lang may nahanap ako dati sa PEP na sinabi niya yung totoo.

“It’s really, really so flattering because even I look up to her as an actress as well.

“Nung nagkatrabaho kami for Magpakailanman, sobrang... hindi ko nasabi sa kanya ‘to, pero kinakabahan ako.

“I was nervous kasi hindi pa nga kami nagkakatrabaho nun.

“Hindi ko alam kung paano yung magiging working condition.

“Kung magiging seryoso ba o baka mapuno ba siya na makulit akong tao.

“Pero nung nag-start na kaming mag-taping, bukod sa napakagaling niyang artista at ang daling makipag-interact at maki-bounce ng emosyon sa kanya sa set, sobrang kalog niya na tao.

“Sobrang naging madali yung naging experience ko sa trabaho.”

Dalawang araw lang ang naging taping nila sa Magpakailanman noong April of last year. Sina Tom at Janine ang gumanap kina Wil Dasovich at Alodia Gosiengfiao sa "When Love Conquers All," sa direksyon ni Marvin Agustin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

CREATIVE COLLABORATION

Ngayon na isang buong teleserye silang magkasama ni Janine ay mas nilu-look forward ito ni Tom.

Aniya, “Looking forward, kasi hindi pa kami nagkakasama sa mga eksena, e.

“So far, magkahiwalay pa yung character namin sa umpisa.

“Kaya I’m really looking forward na yun nga, dire-diretso na everyday taping.”

Sinabi rin ni Janine na dati ay nagmamadali itong umuwi para mapanood ang My Husband’s Lover na pinagbidahan nina Tom, Carla Abellana, at Dennis Trillo noong 2013.

Natatawa pahayag ni Tom, “Uy, grabe naman!

“Sobrang nakaka… to think na that was my first talaga na heavy-heavy role that I did, and I owe that to Carla and Dennis for bringing those performances out of me.

“Kaya I wouldn’t have gone through that soap without them.

“Kaya the fact na there are other people that I work with now na ganun yung experience, ang sarap sa pakiramdam, sa totoo lang.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“And it excites me even more to work with them because I know that if they can be a fan of other people’s work, then it means that they are collaborative people.

“And Janine definitely is a collaborative person.

“Yung alam mong dahil humahanga sila sa ibang mga katrabaho nila, meaning nagiging fan sila ng mga show, ng mga proyekto, alam mong handa sila at game silang makipag-collaborate bilang artists.

“Hindi yung madamot na type na tao na kailangan sila lang ang bida, kailangan sila lang yung ganun.

“So alam mong team player siya.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Tom sa mediacon ng Dragon Lady noong February 28 sa Shangrila Finest Chinese Cuisine Restaurant sa West Avenue, Quezon City.

Sa Dragon Lady ay gaganap si Tom bilang si Michael Chan at si Janine naman bilang si Celestina Sanchez.

Nasa cast din sina Joyce Ching (as Astrid Chua); Bea Binene (batang Almira Sanchez na magiging si Diana Zubiri na ina ni Celestina); Derrick Monasterio (batang Charles Chua na magiging si DJ Durano na biological father ni Celestina); at Kristoffer Martin (young Bryan Atienza).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa direksyon ni Paul Sta. Ana, ang Dragon Lady ay pinagbibidahan rin nina Maricar de Mesa bilang Vera Lim-Chua; Edgar Allan Guzman as Goldwyn Chen; Odette Khan as Doray; Dexter Doria as Philippa Chua; Lovely Abella as Ginger Garcia; at Julie Lee as Lotus.

May special participation sina Isabelle de Leon bilang young Vera, Denise Barbacena bilang young Ginger; Mosang bilang young Doray; at Carlene Aguilar bilang young Philippa.

HURDLING THE LANGUAGE BARRIER

Ano ang challenge kay Tom para sa bago niyang role?

Kuwento niya, “Iyon yung mga Mandarin lines na I want to be able to say it with conviction and as naturally as I can while still maintaining kung ano yung emosyon na sinasabi.

“Kasi usually pag binabasa namin sa script, nakalagay lang dun kung ano yung sasabihin ko, 'tapos sasabihin lang in Mandarin.

“Pero Tagalog pa rin yung binabasa ko.

“So parang alam ko yung thought in Tagalog, pero sasabihin na… dun pa lang malalaman ko, ito kailangan Mandarin later on.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So iyon yung challenge ko na habang sinasabi, habang ginagawa ko siya, na hindi ako ma-conscious nang sobra dun sa syntax.

“Kaya ngayon tina-try ko talagang aralin yung tunog, yung intonation kasi hirap na hirap akong kunin siya.

“Para pag gagawin ko siya hindi ako nagpo-focus dun sa kung paanong sabihin kundi kung ano yung sinasabi ko.”

Hindi pa raw alam ni Tom kung ilang percent na ng kailangan niyang pag-aralan na Mandarin ang napag-aaralan na niya.

“Sobrang basic pa lang yun, kasi nasa chapter one pa lang yata yun ng Pimsleur Module na ginagawa ko.”

Ang Pimsleur ay isang language program/method na ginagamit para mag-aral ng iba-ibang lengguwahe.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tom Rodriguez admits having a tough time memorizing his Mandarin lines for his new GMA-7 series, Dragon Lady, where he plays the role of a rich Fil-Chinese businessman.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results