Dennis Trillo thanks fans as Gagambino comes to an end


Gagambino star Dennis Trillo chatted with his fans last February 5, 2009. He revealed that he will soon appear in an afternoon soap opera with Heart Evangelista titled Muling Buksan ang Puso.



Sa ikaapat na pagkakataon ay muling kinausap ni Dennis Trillo ang mga fans niya sa show na Gagambino. Noong ika-5 ng Pebrero, sa bandang alas 2 hanggang alas 4 ng hapon, nagkaroon ng iGMA Live Chat upang pasalamatan ang mga fans sa huling linggo ng kanyang fantaseryeng Gagambino. Masaya ang aktor dahil muling namayani ang kanyang webpisode at ayon sa balita, siya ang may pinakamaraming chatters.


Naging pagkakataon ito para masagot ng aktor ang mga katanungan ng kanyang mga tagahanga. Isa sa mga ma-intrigang tanong ay kung ano ang kasuotan nito sa ilalim ng kanyang Gagambino costume. Ayon kay Dennis, tanging brief ang kanyang suot. "Sleeveles naman ang costume ko dito, di tulad sa iba kung fantaserye. Di gaano ito makapal kaya wala akong under shirt na suot."


Di pa siya nakaka-encounter ng mga tanong na sobrang personal o nang-iintriga pero inamin nitong mayroon siyang mga tanong na hindi na nito binabasa. "Wala naman talaga kasing too personal, 'yung iba po kasi ay paulit-ulit kaya hindi ko na lang binabasa. Pinipili ko na lang 'yung mga tanong na maganda ang pagkasulat at hindi ko na binabasa yung may pagkakatulad sa mga previous na nabasa kong tanong," paliwanag ni Dennis.


Maganda ang naisapang ito ng GMA-7 sa paggawa ng website kung saan nakaka-chat ng kanilang mga talents ang mga tagahanga na talagang personal at intimate ang usapan. Tulad ng isang texter na nag-request na sayawin uli ng aktor ang kanyang isinayaw sa SOP Rules pero dahil may kaliitan ang istudyo at maraming tao sa loob ay inimbitahan na lang ni Dennis ang chatter na abangan siya sa SOP dahil tiyak magkakaroon uli siya ng dance number.


Isa pang makulit na chatter ang nag-request na ipakita ni Dennis ang kanyang tattoo sa binti at anong ibig sabihin ng naka-drawing doon. Agad-agad ipinakita ng aktor ang kanyang tatoo ba pormang logo ng Boy Scout na "Laging Handa." Ayon sa kanya, gusto nitong maging 'laging handa' sa lahat ng kanyang gawain.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Tiyak matatagalan bago makabalik muli si Dennis at tiyak mami-miss nito ang kanyang personal encounter sa kanyang mga tagahanga worldwide. "As always, sobrang saya dahil nalaman ko na hindi lamang dito sa atin ang tumatangkilik, kundi galing din sa ibang parte ng mundo. Nakaka-flatter 'yung mga comment nila, parang sobra ang lapit ko sa kanila kahit malayo sila dahil dito sa chat session na 'to, sobrang personal at up-close talaga. Nakaka-tuwa dahil ang daming nag-online para makasali sa live chat session na ito."


Kinatutuwa nito ang mga ipinapagawa sa kanya tulad ng pinapakanta siya o kaya ay pinapag-rap. "Actually, kapag nandito ako, gumagawa ako ng kakaiba para makita nila ang other side ko na hindi nila nakikita sa akin sa TV, kahit sa soap o sa Gagambino. Masap din dahil ito, 'yung experience ko na hindi ko nararanasan everyday kasi bihira ko lang talaga nagagawa itong pagsa-chat na ito."


Sa bandang huli ay nangako naman si Dennis na babalik pa rin siya para sa promo ng kanilang dramarama sa hapon ni Heart Evangelista na magsisimula ang taping sa buwan ng Abril.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN