Docu on Imelda Marcos airs on TV5 tonight, Feb 24


Ramona Diaz's documentary film Imelda, which tackles the life of former First Lady Imelda Marcos, will be aired on TV5 tonight at 9 p.m.



"Thank God, when they opened my closet, they found shoes not skeletons." Mula ito sa documentary film na Imelda ni Ramona Diaz na tinatampukan ng walang iba kundi ng kontrobersyal na dating Unang Ginang ng Pilipinas na si Imelda Marcos. Bida ngayong linggo sa 5MAX Movies ng TV5 ang kontrobersyal na byuda ng former dictator na si Ferdinand Marcos sa self-titled and critically acclaimed documentary na Imelda. Mapapanood ang docu na nakatamo ng Excellence in Cinematography sa 2004 Sundance ngayong Martes (Pebrero 24).

Bukod sa Imelda, mapapanood din this week ang Hollywood blockbusters na Original Sin, My Stepmother is an Alien, Panic Room, at Amityville 2.

Sina Angelina Jolie at Antonio Banderas ang magpapainit sa inyong gabi sa Miyerkules (Pebrero 25) sa sexy, suspense-thriller na Original Sin.

Mamangha naman sa ganda ni Kim Basinger bilang isang alien na kai-in love-an ni Dan Akroyd sa classic family movie na My Stepmother is an Alien, showing sa Huwebes (Pebrero 26).

Sa Biyernes (Pebrero 27), makipaghabulan naman kasama sina Jodi Foster at Kristen Stewart habang nakikipagtaguan sa tatlong kriminal sa pelikulang Panic Room.

Based on the popular novel na pinamagatang Murder in Amityville, ang kakila-kilabot na classic horror movie na Amityville 2: The Possession naman ang mapapanood sa Sabado (Pebrero 28).

Enjoy all these Pinoy and Hollywood movies in 5MAX Movies this week, every night at 9 p.m. on TV5.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN