Siguradong maaliw ang mga manonood sa pagtatapos ng araw mula Lunes hanggang Biyernes dahil ang kuwelang late night show na Jojo A All The Way! ay mapapanood na sa TV5 simula ngayong Lunes, June 1.
Hosted by veteran comedian Jojo Alejar, pinaghalu-halong comedy,
information, spoof, at satire ang hatid ng pinakabagong late night show
na ito ng TV5 kung saan tatalakayin ang everyday news and issues in a
light and witty way.
"New
network, new beginning at new entertainment ang ibibigay namin sa inyo
gabi-gabi dito sa Jojo A All The Way! Yes, mga friends nandito na ako
ngayon sa TV5. Kaya shake n'yo lang ang TV n'yo!" wika ni Jojo.
Sa
pilot episode nito ngayong June 1, ang unang makakaharap ni Jojo A ay
ang matinee idol na si Dingdong Dantes, na mag-o-all the way sa gisahan
sa interview portion kasama ang tinaguriang David Letterman ng
Philippine TV. Kaabang-abang ang mga ma-intrigang tanong na haharapin
ni Dingdong kasama na rin ang all the way na kulitan nila ni Jojo A.
Simula
pa lang ito ng gabi-gabing aliw na hatid ng Jojo A All The Way! na
mapapanood Lunes hanggang Biyernes ng 12 midnight sa TV5.