Iwa Moto is ready to handle snakes for her role as Valentina


"I love the role. I'm so proud of it. Siyempre gusto ko ‘yun, pero, alamn'yo po, hindi ako ang magde-decide. Alam naman nating lahat ‘yun, nasa trabaho natin, hindi ikaw ang magde-decide kung anong role angibibigay sa ‘yo," says Iwa Moto about being chosen to play the villainess Valentina for the upcoming teleserye Narda.


Si Iwa Moto ang sumalang sa "Intriga Crossfire" segment ng Showbiz Central yesterday, July 5, kunsaan nakumpirma na nga na siya ang gaganap na Valentina sa upcoming primetime series ng GMA-7, ang Narda na pagbibidahan ni Marian Rivera.

Unang tanong pa lang ni Pia Guanio ay pinag-react na nito si Iwa kung ano raw ang masasabi nito na tila marami na ang nang-iintriga because they feel na marami pang ibang artista na mas bagay sa role?

"Hindi ko naman sila mapi-please. As of now, I'm happy na nakuha ko yung role na yun and sobrang bata pa lang ako, I'm one of the fans ni Valentina. So, wala...dedma lang. At least nasa akin, kaya sa mga nang-iintriga, sorry," kibit-balikat na nakangiti naman niyang sagot.

How would she prepare for the role para masabing she's really worth to play the role of Valentina?

"As of now, meron pong inaayos na workshop. Siyempre, para magkasama kami. Maging at ease kami sa mga kasama ko na artista. Tapos, they are all concerned about the snakes. But I assured them, I'm not afraid of snakes, so, keri lang. Tapos, todo-bigay diet [ako]."

According to showbiz insiders, Valentina is also equal to the role of Darna. A lot of young actresses also aspired to be Valentina and one of them is Chynna Ortaleza and she's been vocal about it. At marami pa sigurong ibang actresses na kinonsider para maging Valentina.

What can you say about these actresses who wanted the role but she was the one chosen for the plum role?

"First of all, noong malaman ko na kasama ko sa Darna, hindi ko alam na ako si Valentina. Ang alam ko po, I'm babaeng something, I'm babaeng linta supposedly. So, nag-measure na kami para sa costume namin.

"And then, two days before storycon namin, my handler texted me na yun nga, Valentina na raw ako. So, it's not my fault. I love the role. I'm so proud of it. Siyempre gusto ko ‘yun, pero, alam n'yo po, hindi ako ang magde-decide. Alam naman nating lahat ‘yun, na sa trabaho natin, hindi ikaw ang magde-decide kung anong role ang ibibigay sa ‘yo."

Follow-up question, for sure raw, there will be comparisons between her and Marian. Ano ang isasagot niya sa mga magiging comparisons?

"Okay kami ni Marian...and ano ba, huwag naman nating isyuhan kasi, alam mo yun, ayoko ng gulo. But definitely, mas malaki ako sa kanya. Aminado naman ako ru'n na kapag pinagtabi kami, mukha na kong nanay. Pero alam mo yun, keri lang. Ayoko ng isipin ang mga sasabihin ng tao.

"As far as I know, okay kami ni Marian and I'm going to do my job."


IWA DENIES BEING MARRIED. Ang tanong naman ni Mo Twister ay tungkol sa status ng Facebook ni Iwa na married daw ang nakalagay. It came to a point na sa sobrang daming nag-react, you deleted it. Tingin mo ba, ang Internet hindi ganoon kalaki ang nakakakita?

"No, well, for me, it's my account. So, kahit anong gusto kong ilagay, kahit ilagay ko ru'n, I have a daughter, I have a son, it's my account. I can put anything I want. Kasi alam mo yun, sometimes, yung mga tao, ayoko minsan na mahanap ako ng mga tao. Sometimes, I don't use my name, I use my real name and then, ako ang nag-a-add sa tao."

But why did you put married?

"Wala...I'm in love right now. I'm happy with my life. Alam mo yun, kapag nanliligaw ka, it's normal na dyowa mo na yung tao. Kapag dyowa mo na, kasal na kayo."

So, when are you getting married?

"Matagal pa! Masaya ko sa nangyayari sa takbo ng buhay ko kaya I'm not ready to get married."

Bakit ka nag-delete ka ng account kung hindi ka affected?

"Kaya po ako nag-delete, kasi, may isang isyu pa sa Facebook account ko, yung I'm so hurt right now and I want to die. Yun ang inilagay ko, pero, hindi‘yung married issue. Yun naman, may dysmenorrhea ko noon na lahat ng tao, iniisip na magpapakamatay na ko. E, hindi naman ako magpapakamatay."


SADDENED BY DEATH OF HER FATHER. Ang tanong naman ni Rufa Mae Quinto ay tungkol sa daddy ni Iwa who just passed away last March, though, hindi sure si P-Chi kung ang daddy or ang mommy ba ni Iwa ang Japanese.

Kinamusta nga niya si Iwa kung okay na raw ba ito ngayon after the death of her father?

"Aaminin ko, may mga times na nagse-self pity ako. Like last night, may napanood akong movie about the father and daughter dancing together. ‘Di ba, kapag ikinakasal, nagsasayaw, ‘yun..."


Ang tanong naman ni John "Sweet" Lapus kay Iwa ay kung nakatanggap na raw ba ito ng indecent proposal sa isang tomboy or isang matandang lalaki?

Natatawang umamin si Iwa na, "Opo..."

Ano or magkano?

"Ang sinabi lang po, name my price...tapos sabi ko, hindi po ako pr...may isang insidente pa nga po, sa GMA Artists Center, talagang tinawagan ang handler ko and then, my handler told them na hindi, hindi ganoon si Iwa."

So, ano yun, tomboy or matanda?

"Matanda yata..."

So, wala ka pang tinatanggap?

"Wala pa naman so far at wala naman akong planong tumanggap! Kasi, mas gusto ko na pinaghihirapan ko ‘yung makukuha kesa naman dinner-dinner, date-date, baka kung ano pa ang mangyari. At saka, matatanda na yung mga yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN