Carla Abellana and Geoff Eigenmann talk about their honeymoon scene


Geoff Eigenmann says about his love scene with Rosalinda leading lady Carla Abellana: "With this scene naman, siyempre, inalagaan kami ng directornamin. Sinabi niya kung ano ang gusto niyang makita. At siyempre,bagong kasal kami kaya dapat makita nila ‘yon sa scene."


Ilan sa mga Bench celebrity endorsers ang nag-welcome kay Carla Abellana through a VTR message sa Showbiz Central nitong Linggo, August 16. Si Carla na kasi ang bagong mukha ng Herbench at isa ito sa ipinagpapasalamat ng baguhang actress.

Aniya, "I'm very thankful and privileged that I am now part of Bench family, so, the best of the best lang ang kinukuha nila for that, so, ang saya ko," nakangiting sabi nga ni Carla.

How does she feel that for a newcomer like her, may mga naglalakihang billboards na siya sa Edsa?

"Hindi pa rin ako makapaniwala na sarili ko ang nakikita ko sa billboard ng Her Bench. May mga times na, ako ba talaga ‘yan? Is that for real? So, hindi pa rin makapaniwala na nakikita ko ang sarili ko."

Tanong naman ni Raymond Gutierrez kay Carla ay kung makakasama na ba siya sa pinaka-aabangang fashion show ng Bench next year?

"Yes, definitely, next year, meron na ‘yan. I'll be part of that."

Tulad sa sinabi sa VTR, from plain Jane to leading lady extra-ordinare, ano nga ba ang mga pagbabago sa buhay niya from a normal life biglang primetime star?

"Marami...my lifestyle in general has changed. ‘Yong sleeping habit, hindi na masyadong nakakaalis in public. Hindi na nakakapag-mall. Less time with family and even ‘yong appetite ko, nag-change na rin. Pero everything has been different and fun, mas rewarding.

"Mas masaya kasi, mas nakikilala ako ng mga tao. Mas naa-appreciate nila ‘yong mga ginagawa ko. So, ibang-iba na talaga. 180 degree turn talaga."

Sa ‘yo, ano ang pinaka-masarap sa pagiging artista?

"Pinaka-masarap? I think ano, e, kahit gaano ka nakakapagod or nakakapuyat, nandiyan ang stress, pressures, ‘yong reward, masaya, sulit naman."

Nag-congratulate naman si Sweet kay Carla dahil sa napakataas daw na rating na nakuha ng Rosalinda noong Huwebes ng gabi (August 13, 2009) kunsaan, sa episode din na ‘yun ipinalabas naman ang bed scene nila ni Geoff Eigenmann.

Pero bago sumagot si Carla sa tanong na mukhang nagkaka-developan na raw sila ni Geoff, tinawag nito ang actor live on stage.

Ayon kay Carla, "Nakapag-prepare naman kami. We had enough time to prepare for the scene."

Kaya hirit ni Sweet, paano raw ‘yon? Nag-practice raw ba sila?

Natatawang sagot ni Carla, "Hindi...kasi, more than a month na rin kami together. Ilang kissing scenes na rin ang nagawa naming dalawa. And we make an effort to really know each other better. At sobrang comfortable kami sa isa't-isa."

But this is a different level?

"I know!" natatawang sabi ni Carla. "Hindi ko alam kung paano ko nagawa ‘yan. Sa totoo lang, hindi ko talaga alam."

Tinanong naman ni Sweet si Geoff bilang siya ang lalaki, siya siyempre ang umaalalay at nagdadala?

"Yeah, pero with this scene naman, siyempre, inalagaan kami ng director namin. Sinabi niya kung ano ang gusto niyang makita. At siyempre, bagong kasal kami kaya dapat makita nila ‘yon sa scene."

Tanong naman ni Sweet, sino naman daw sa kanilang dalawa ang nadala sa eksena dahil kina-cut na raw, hindi pa rin sila tumitigil?

"Hindi naman! Grabe! Wala namang ganoon," tanggi ni Carla.

Sagot naman ni Geoff, "Isang take nga lang ‘yun, after than, change location."

Last question naman ni Raymond kay Carla, how does it feel daw na bago pa lang siya, pero, ang dami ng sumisigaw ng pangalan niya?

"Maraming-maraming salamat po. Hindi ko akalain na magkakaroon na ako ng fans, fans club...salamat po talaga."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN