Dramatic actress Jean Garcia stars in her first sitcom

by Mell T. Navarro
Apr 13, 2007
Jean Garcia joins the cast of GMA-7's new sitcom, Who's Your Daddy Now?


First time palang magkakaroon ng sitcom ang dramatic actress na si Jean Garcia sa tinagal-tagal niya sa television industry.



Kasama si Jean sa bagong sitcom ng GMA-7, ang Who's Your Daddy? na siyang papalit sa timeslot ng magtatapos nang Lagot Ka, Isusumbong Kita, kaya gano'n na lang ang excitement nitong sumabak sa mundo ng comedy.

Nang tanungin siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kung anong adjustment ang ginawa niya para sa naturang sitcom, ito ang tugon ng dating Kapamilya: "Medyo iniiwasan ko lang matawa. Kasi mismo dun sa eksena natatawa ako, ako mismo natatawa ako. So medyo iniiwasan ko kasi mababaw ako, e. 'Yon yung adjustment. Ang saya eh. Ang gaan lang, ang saya. Aaminin ko mahirap magpatawa."



Matatandaang nung nasa ABS-CBN pa lang si Jean ay kung ilang drama series at teleseryes na rin ang pinagdaanan niya kaya welcome na welcome sa kanya ang pagpapatawa naman this time.



Kasama ni Jean sa Who's Your Daddy? sina Joey Marquez, Raymart Santiago, and Paolo Contis, among others. Si Jean ay gaganap na Stephanie, ang pinsan ni Mario (Raymart). Ginanap ang press con ng sitcom sa Annabel's Restaurant noong Martes, April 10.

Continue reading below ↓

Walang naging problema si Jean sa pakikipagtrabaho sa mga Kapuso stars. "Sinasabi nila, 'OK lang yan, wag ka kabahan.' Saka masarap sila kasama, magaan, they're very accommodating. Gentleman sila, yung inaasikaso ka."

Bukod sa sitcom na Who's Your Daddy?, mapapanood pa rin si Jean sa teleseryeng Impostora.



Sa movies, huli siyang napanood sa Happy Hearts ng Regal starring Rayver Cruz, Shaina Magdayao, Rustom Padilla, and Wendell Ramos.



MR. GAY PHILIPPINES. Samantala, walang keber si Jean kung na-sight man siyang nag-watch ng Mr. Gay Philippines 2007 finals night sa Metro Bar kamakailan lang.



Ang totoo'y hindi niya alam na may ganung contest daw dun that night dahil type niya lang pagbigyan ang imbitasyon sa kanya ng isa sa hosts ng bar that night na si Pretty Trizia, pero walang sinabing may ganung contest.



Galing si Jean sa provincial promo ng Bioessence na ine-endorse niya at dun na sila tumuloy sa Metro Bar.



Walang nakikitang masama si Jean kung magnood man siya ng Mr. Gay Philippines dahil aminado siyang "babaeng baklesh" naman daw siya. Ang nanalo sa said contest ay magre-represent sa Pilipinas sa gaganaping Mr. Gay International sa United States, kalaban ang iba pang gay macho men worldwide.



Ang nag-represent sa Pilipinas last year sa Mr. Gay International ay si Robbie Tarroza na siya nang co-producer ng local contest this year.

Ipapalabas ang Who's Your Daddy? sa Lunes, April 16, pagkatapos ng Jumong sa GMA-7.

With additional report from Jocelyn Dimaculangan.

Read Next
Read More Stories About
Jean Garcia
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jean Garcia joins the cast of GMA-7's new sitcom, Who's Your Daddy Now?
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results