Geoff Eigenmann and Carla Abellana paired anew in Carinderia Queen


The new offering of SRO Cinemaserye titled Carinderia Queen once again features the love team of Geoff Eigenmann and Carla Abellana. It will air its pilot episode on GMA-7 this Thursday, November 12.


Pagkatapos i-launch ang loveteam nina Geoff Eigenmann at Carla Abellana via Rosalinda kunsaan nagpakita sila ng kayahahan in terms of drama, this time, mapapanood naman ang dalawa sa SRO Cinemaserye’s Carinderia Queen.

Definitely mas light at ang comic side naman ang ipapakita ng dalawa through this four-part episode na magsisimula ng mapanood bukas ng gabi, November 12, sa GMA-7 after Shining Inheritance.

Si Geoff ay gumaganap sa papel na Romeo and Carla is Juliet. Pero imbis na tragic love story ang ipapakita, isang romantic comedy ang mapapanood ng mga viewers starting this Thursday.

Si Carla ay lumaking isang unsophisticated lady—jologs in short. But despite that, maraming kalalakihan sa kanilang lugar ang may paghanga rito at naniniwalang kung sasali ito ng isang beauty pageant, sure winner raw ito sa beauty na lang.

Meanwhile, Geoff’s character went to the United States to study and be with his American father. He grew up to be an educated young man.

Even though they used to be childhood sweethearts, they are now opposite in so many ways.

Paano kung ang excitement na nararamdaman ni Carla upon seeing the return of her Romeo ay malayong-malayo sa dating Romeo na kilala niya? At paano rin kung si Romeo ay halos hindi na kilala ang kanyang kababata na tinatawag nang carinderia queen?

Viewers can expect riot and romance in this new episode of SRO Cinemaserye.

Bukod pa sa light story ng bagong episode ng SRO, first time rin na mapapanood sa isang programa sina Carla at Geoff with their real-life parents. Ang real-life mother ni Geoff, si Gina Alajar, ang gaganap ng nanay ni Romeo na si Aling Waray.


Ang real-life father ni Carla, si Rey "PJ" Abellana, ang gaganap ng father of Juliet named Mang Dodong. Si Melanie Marquez naman ang nanay niya na si Aling Biday.


COMIC BREAK. Ayon kay Geoff, magandang breaker sa kanila ni Carla ang makagawa naman ng comedy.

"I was like, it was good when they told me that we’ll be doing a comedy this time. Since ang Rosalinda nga was really drama. And at least, maipakita naman namin ni Carla ’yong comic side rin namin."

Excited naman si Carla at umaming kung ito raw ang tatanungin, mas enjoy siya na gumawa ng comedy.

"Ang saya-saya namin sa set. Lahat okey kasi, masaya lang siya. Napaka-natural at saka siyempre, sa comedy kasi, hindi ka mapapagod ng kaiiyak," natatawang sabi ng dalaga.

How was it like working with their real-life parents?

"Okay...si Tita Gina, I’ve worked with her once, sa Celebrity Duets, pero, sandali lang ’yun. Now, it’s different kasi, mas mahaba and mas matagal ’yung taping. Pero si Tita Gina kasi, okay talaga siya, maraming kuwento kaya masarap kasama.

"With my dad naman, first time! So, I’ve know him as a dad, at least now, makikilala ko naman siya as my co-worker."

Ang actress-director na si Gina Alajar naman ay aminadong sa set, hindi lamang siya isang actress but a critic and even director to her own son.

"Sometimes, ibinubulong ko sa kanya what to do and he listen naman, nakukuha niya agad. But of course, there’s Direk Mac Alejandre, so, parang naging dalawa nga ang director niya. And si Carla naman, she’s really a nice girl, so, walang problema."

Aside from the cast members mentioned above, mapapanood din sa episode na ito sina Krissa Mae as Britney and Jace Flores as Gaston.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Watch Carinderia Queen every Thursday night beginning November 12 right after Shining Inheritance on GMA-7.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN