23rd Star Awards for TV to be aired on ABS-CBN this Sunday


The hosts/emcees of the 23rd Star Awards for TV will be (from upper left, clockwise) Piolo Pascual, John Lloyd Cruz, Carmina Villarroel and Alex Gonzaga. It will be aired on ABS-CBN’s Sunday’s Best this Sunday, November 29.


Isa na namang maningning na gabi ang handog ng Philippine Movie Press Club (PMPC) ngayong Linggo, Nobyembre 29, 2009 para sa 23rd PMPC Star Awards for Television. Gaganapin ang palatuntunan simula ika-6 ng gabi, sa Pagcor Theater, Ninoy Aquino Avenue, Sucat, Paranaque City. At ito’y mapapanood simula ika-10:30 ng gabi bilang special show on Sunday’s Best ng ABS-CBN.

Magsisilbing hosts/emcees ng gabi sina John Lloyd Cruz at Piolo Pascual, Alex Gonzaga at Ms. Carmina Villarroel.

Sa mahigit dalawang dekada ng pamamahagi ng parangal pan-telebisyon, layunin ng PMPC, sa pamamagitan ng taunang Star Awards for Television, ang magbigay-pagkilala sa mga natatanging talento sa larangan ng telebisyon.

Sa 23rd PMPC Star Awards for Television 2009, mapapanood ng publiko ang mga naggagandahan at naglalakihang production numbers, tampok ang pinakasikat at mahuhusay na singers at performers.

Nariyan ang mga hinahangaang talents mula sa Star Magic group: top balladeer Jed Madela and Pinoy Dream Academy Season 2 winner Laarni Lozada, singing champions Sheryn Regis, Bugoy Drilon and Pinoy Dream Academy Season 1 winner Yeng Constantino.

Abangan ang pagtagpo sa entablado ng popular heartthrob na si Piolo Pascual at si Bea Alonzo. Kasama rin sa programa ang walang kupas na singer-performer, Ms. Vina Morales. At meron pang Nikki Gil at Rhap Salazar na magbibigay-sigla sa gabi.

Hindi pa tapos ang gabi at nagsisimula pa lamang ang saya kapag sinimulan ang production number ni Shaina Magdayao kasama ng Gigger Boys. Kumpleto sina Sam Concepcion, Robi Domingo, AJ Perez, Chris Gutierrez, Dino Imperial, at Aaron Villaflor. Hindi kumpleto ang bilang na ito kung wala ang iba pang talented guys tulad nina Mickey Perz, Thou Reyes at Rodjun Cruz.

Para sa mga tagatangkilik ng well-loved teleseryes o telenovelas (sa ano mang pagtuturing) ang production team ng 23rd PMPC Star Awards for Television 2009 ay naghanda ng isang bilang na totoong tatama sa puso. Kinabibilangan ito ng medley ng pinaka-celebrated at kinagiliwang theme songs mula sa mga teleseryes na sinubaybayan ng madla. Halinang umawit at makiawit, kasama sina Nina at Richard Poon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

HALL OF FAME FOR NOONTIME SHOW. Sa gabing ito, iluluklok na ang Eat Bulaga! ng GMA-7 bilang Hall of Fame as Best Variety Show. Ito ang kauna-unahang pagkakataon ng magkakaloob ng Hall of Fame award ang PMPC.


Ito’y dahil sa napagkasunduang pamantayan ng officers and members ng club na anumang show o TV personality ang magwagi ng 15 trophies sa iisang kategorya ay panahon na upang iluklok ito sa prestihiyosong Hall of Fame level.


Ito nga ay matagumpay na nakamit ng Eat Bulaga sa labinlimang panalo ng show bilang Best Variety Show sa 23 years existence ng PMPC Star Awards for Television.


Hindi biro ang itinalang record na ito ng Eat Bulaga na unang nagwagi bilang Best Variety Show noong 1987, natalo sa mga sumunod na taon (nanalo ang GMA Supershow at iba pa), pero mula noong 1995 hanggang 2008, ay literal na taun-taon itong nakamit ng nasabing Kapuso show, bagamat last year nga’y ka-tie nito ang Wowowee, pero from 1995 to 2007 ay solong-solo nito ang tropeo.


Last month ay maagap na pagpapadala ng PMPC ng formal letter kay Ms Malou Choa-Fagar, SVP and COO of Tape and Production Exponents (TAPE), Inc. na siyang producer ng Eat Bulaga!, upang pormal na imbitahin ang hosts ng show na tanggapin personally ang kanilang prestigious honor sa awarding ceremonies sa Linggo.


"We also considered the program’s remarkable achievements in Philippine television industry as the longest running noontime variety show which has touched the lives of the Filipino audience for 30 years now," saad sa sulat ng PMPC sa TAPE Inc.


Tuwang-tuwa naman ang pamunuan ng longest-running noontime variety show dahil nagkataon ngang ika-tatlumpung taon na nito sa ere, kasabay ng pinakamataas na karangalang nabanggit.


And just a few days ago, kinumpirma ng talent coordinator ng 23rd PMPC Star Awards for Television na si Winnie Mariano sa Philippine Entertainment Portal (PEP) ang pagdating ng original Eat Bulaga! hosts na sina Tito, Vic, and Joey upang tanggapin ang tropeo at certificate of recognition.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Bihirang-bihirang magsama-sama sina TVJ sa isang awards night kaya masaya ang PMPC dahil sa pagpapaunlak na ito ng beteranong trio.


Masaya ring ibinalita ng pamunuan ng club na kumpirmado na ring sa special tribute o segment ng Eat Bulaga (bilang kauna-unahang Hall of Famer ng nasabing award giving body) ay magpe-perform sa isang special production number ang hosts ng show na sina Allan K, Julia Clarete, Lougee, at EB Babes.


Ang 23rd PMPC Star Awards for Television ay may delayed telecast ngayong Linggo, November 29, 10:30 PM sa Sunday’s Best ng ABS-CBN. Ito’y mula sa direksiyon ni Erick Salud.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN