Judy Ann Santos to celebrate her birthday on GMA-7's "SOP"

by Nora Calderon
Apr 18, 2007
"Anumang mangyari, si Tito Alfie [Lorenzo, her manager] ang magde-decide. Siyempre, ipapaalam naman po niya sa akin ‘yon. Ever since naman, wala akong naging problema sa GMA Network," says Judy Ann Santos about the possibility of transferring to GMA-7.


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Judy Ann Santos sa last shooting day nila ni Jolina Magdangal ng horror movie na Ouija, co-production venture ng GMA Films at Viva Films, last April 14 sa 17th floor ng GMA Network Center.

Hindi kasama ni Juday ang boyfriend niyang si Ryan Agoncillo, pero later daw ay may eksena silang kukunan na underwater scene at naroon si Ryan para i-guide siya sa eksena.

Kumusta ang working experience niya sa GMA Films since first movie niya ang Ouija sa naturang film outfit ng Kapuso Network?

"Masayang-masaya!" nakangiting pahayag ng young actress.

"Story conference pa lang, ang gaan-gaan na ng pakiramdam ko. Sa set, lalo na yung mga eksena naming kinunan sa Subic, off-camera din, naging bonding ko ‘yon sa kanila, bonding din namin ni Jolens sa production crew," pagkukuwento ni Juday.

"Minsan, lalabas kami ni Jolens, pupunta kami sa Duty Free shops, pagbalik namin, may ice cream na kami para sa lahat. Ang saya, para kaming isang pamilya... Ay, Kapuso pala kaming lahat!" natatawa niyang sabi pagkatapos ma-realize na kilala bilang mga Kapuso ang mga taga-GMA-7 at Kapamilya naman ang mga taga-ABS-CBN.

Continue reading below ↓

Dagdag pa niya, "Para nga kaming hindi nagsu-shoot ng horror movie kasi masaya sa set, walang stress. Si Direk Topel Lee, napaka-cool, ang dami niyang bagong ini-inject sa story, lagi akong naghihintay ng bago niyang ipagagawa sa amin. Hindi kasi siya ang tipo ng direktor na basta susunod sa script nang hindi niya pinag-aaralang mabuti, may storyboard talaga siya."

Turning Kapuso? Balitang lilipat na raw si Juday sa GMA-7 kapag natapos na ang mga commitments niya sa ABS-CBN. Totoo ba ito?

"Anumang mangyari, si Tito Alfie [Lorenzo, her manager] ang magde-decide," sagot ni Juday. "Siyempre, ipapaalam naman po niya sa akin ‘yon. Ever since naman, wala akong naging problema sa GMA Network. Ilang buwan din akong nag-host noon ng SOP. At ang unang-una kong soap, dito sa GMA-7, yung Kaming Mga Ulila in 1984. Kasama ko dun si Mel Martinez, mga bata pa kami noon.

"Wala rin naman akong problema sa ABS-CBN," patuloy niya. "Per project lang ang contract ko sa kanila. Hindi ko pa alam kung kailan ipalalabas ang teleseryeng ginagawa namin ni Ryan sa ABS-CBN, yung Ysabella. Hindi pa kasi kami nangangalahati sa taping at marami kaming mga eksenang hindi pa sarado. Gusto nila tapos na tapos na ang taping bago ito ipalabas."

Samantala, kinumpirma ni Juday ang balitang sa Sunday musical variety program ng GMA-7 na SOP siya magse-celebrate ng kanyang birthday sa May 6, at mismong si Jolina ang magwe-welcome sa kanya.

"Yes, iwe-welcome ako ni Jolens. Part na ‘yon ng promo ng movie namin dahil sa July pa naman ito ipalalabas. Hindi ko pa alam ang iba pang plano, wala namang problema dahil wala naman itong conflict sa schedule ko sa ABS-CBN," sabi ni Juday.

Viral Infection. Kinumusta rin namin kay Juday si Ryan na nagkaroon ng viral infection sa mismong araw pa naman ng birthday nito.

"Naawa nga ako, birthday na birthday niya noong April 10, sa bahay lang siya pagkatapos magpa-blood test," sabi ng young actress. "Thankful kami na hindi naman dengue. Nagkaroon siya ng small celebration, nag-blow siya ng candle, may pancit, nag-order kami ng pizza. Pero yung nga lang, naka-mask siya dahil sabi ng doctor, contagious daw ang airborne viral infection na dumapo sa kanya. Ipina-isolate muna siya ng four days. Pero ngayon, okay na siya at sa Monday, puwede na siyang mag-report sa taping ng Ysabella.

Continue reading below ↓

"Ako nga, nagka-rashes din sa mukha, pero naagapan dahil uminom ako agad ng Claritin at nagpa-blood test din ako sa St. Luke's Medical Center. Sinaksakan ako ng para sa allergy. Ang sakit, pero at least nawala rin agad. Pero hanggang ngayon, hindi pa ako pwedeng kumain ng chicken at seafoods," kuwento pa ni Juday.

Ano ang birthday gift niya sa kanyang boyfriend?

"Siya na lang ang tanungin ninyo, ayokong sa akin manggaling," nakangiting wika ni Juday.

May nagsabing wrist watch, pero ayaw pa rin niyang mag-confirm.

The Wedding. Kailan ba talaga sila magpapakasal ni Ryan? Totoo bang sa buwan ng May sila magpapakasal kung saka-sakali? Baka maunahan pa sila ng mga kaibigan nilang sina Jolina at Bebong Muñoz.

"Ayaw muna naming magsabi ng date, baka maudlot," sabi ni Juday. "Okay naman ang month of May, dahil bukod sa birthday [month] ko ‘yon, yun din ang month na ikinasal ang parents ni Ryan.

Continue reading below ↓

"Definitely, hindi pa ngayong May at baka hindi pa rin sa May 2008. Kikilalanin pa rin naming mabuti ang isa't isa at baka mauna nga sina Jolens at Bebong dahil iba naman sila, six years na nilang kilala ang isa't isa," paliwanag pa niya.

Balitang may part 2 na ang blockbuster movie nila ni Ryan na Kasal, Kasali, Kasalo, at ipalalabas na raw ito sa November 2007. Ibig bang sabihin nito ay mauunahan pa nito ang movie na gagawin nila ni Ryan sa Regal Entertainment?

"May story na nga raw ng KKK 2, pero wala pa pong sinasabi sa amin. Ang alam ko, yung movie namin ni Ryan sa Regal, si Joel Lamangan ang magdidirek. Hindi ko lang alam kung ano ang story at kung kailan kami magsisimula," pagtatapos ni Juday.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Anumang mangyari, si Tito Alfie [Lorenzo, her manager] ang magde-decide. Siyempre, ipapaalam naman po niya sa akin ‘yon. Ever since naman, wala akong naging problema sa GMA Network," says Judy Ann Santos about the possibility of transferring to GMA-7.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results