Mariel Rodriguez and Zanjoe Marudo will have a love scene in Love is only in the Movies


Real-life sweethearts Mariel Rodriguez and Zanjoe Marudo will portray lovers with dark secrets in Precious Hearts Romances Presents Love is only in the Movies.


Aalamin ng real life sweethearts na sina Mariel Rodriguez at Zanjoe Marudo kung totoong Love is only in the Movies. Ito ang pamagat ng unang installment ng Precious Hearts Romances Presents, ang Quikilig: Mga Maikling Kwento ng Pag-ibig na siyang ipapalabas ngayong Lunes, February 1, sa ABS-CBN.


Ikalawang pagkakataon na ni Mariel na makatrabaho ang PHR team at sinabi nitong magaan ang loob niya sa buong staff kaya naman masaya ang kanilang mga taping days. Inamin din niya na kinakabahan siya sa darating na love scene niya kasama ang boyfriend."Medyo nahihiya ako syempre kasi maraming nakatingin na tao."


Pero kwento pa ng dalaga, super happy ang kanilang mga taping together kasi puro tawanan lang sila at parang naglalaro lang sa set.


Marami siyang pagkakatulad sa kanyang karakter na si Sheye. "Makulit din siya at masayahin by nature. Yung grandparents din niya ang nagpalaki sa kanya. I’ll also do anything for my friends. Pero ang challenge for me is yung I want to make people see that it’s not Mariel. Kelangan ipakita ko yung character ko."


Sa kwento, isang bartender si Sheye na may sideline din bilang impostor o reality actress. Dahil laging gustong ipagtanggol ang mga kaibigan, minsan ay "for hire" siya para malaman kung faithful nga ba ang mga boyfriend ng kanyang mga kaibigan. Dito niya makikilala si Xander (Zanjoe), isang playboy na direktor na hindi naniniwala sa pag-ibig.


Ayon kay Zanjoe, malaki ang pagkakaiba niya sa kanyang character sa Love is only in the Movies. "Magkaiba yung personality ko sa role ko kaya challenging siya for me and first time na ganto yung role ko. Pero may similarities din kami like pareho kaming medyo seryoso at hindi showy sa mga feelings."


Kwento pa ng leading man, natatawa daw siya nung umpisa ng kanilang taping dahil hindi niya alam kung paano maging isang "direktor." Pero kahit medyo nahihirapan ay excited siya para sa role na ito at maraming preparasyon ang ginawa, "Kinakausap ko at pinag-aaralan ang mga kilos ng direktor namin. Tapos ini-imagine ko kung paano magdirek. Binasa ko mismo yung libro nitong kwento namin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hanggang kailan kaya magpapanggap si Sheye? Kaya ba niyang labanan ang totoong nararamdaman para kay Xander? Mahulog naman kaya ang loob ng playboy director sa isang babaeng nagpapanggap lamang?


Kasama din si Mico Palanca, Drei Felix, Wendy Valdez, Beauty Gonzales, Timmy Cruz, Jong Cuenco at sa ilalim ng direksyon ni Connie Macatuno at Nico Hernandez, abangan ang bagong TV series na magpapakilig bawat hapon, ang Precious Hearts Romances Presents Love is only in the Movies simula February 1, 2010 sa ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN