Drama Sweetheart Maja Salvador stars with PBB alums in Impostor


Drama Sweetheart Maja Salvador stars in the new Precious Hearts Romances presentation Impostor with Pinoy Big Brother alumni Sam Milby (first season) and real-life sweethearts Melai Cantiveros and Jason Francisco (Pinoy Big Brother Double Up ).


Sa unang anibersaryo ng programang nagpakilig at nagpa-ibig sa bawat Pilipino—ang Precious Hearts Romances Presents , inihahandog ang seryeng hango mula sa isang Martha Cecilia Classic—ang Impostor . Kuwento ito ng isang babaeng napilitang akuin ang pagkatao ng iba at mapamahal sa asawa nito. Ngayong taglay niya ang kagandahang pinapantasya, paano kung ang mukhang ito’y hindi sa kanya?

Ang panghapong teleseryeng ito ng ABS-CBN ay pinagbibidahan nina Sam Milby at Maja Salvador. Ipinakilala ang PBB Double Up Big Winner na si Melai Cantiveros at PBB Double Up Third Big Placer Jason Francisco. Tampok din sina Jon Avila at Precious Lara Quigaman sa isang mas matapang at di malilimutang pagganap. Kasama rin sina Bobby Andrews, Long Mejia, Yayo Aguila, Raquel Villavicencio at Izzy Canillo.

MANY FIRSTS. Maraming "una" sa proyektong Impostor . Unang tambalan ito nina Maja at Sam. Unang pagsabak sa drama ng mga reality stars na sina Melai at Jason.

Higit sa lahat, ito ang unang pagkakataon ng Drama Sweetheart na si Maja na gampanan ang dalawang papel—ang probinsyanang si Devin at ang sikat na modelong si Mariz. Isang acting challenge na matapang na tinanggap ng aktres.

"Excited ako dito sa Impostor ," pagbabahagi ni Maja. "May dalawang magkaibang karakter kasi ako dito. Si Mariz, sobrang sexy, si Devin naman kengkoy."

Komento naman ni Maja sa makakatambal sa unang pagkakataon na si Sam, "Masuwerte ako, kasi sa dami ng mga artista sa generation namin ngayon, pumayag si Sam na ako ang makapareha."

"It’s my first time to be paired with Maja. I’m really enjoying it," sagot ng tinaguriang "Prince of Romance" na si Sam. Excited na siyang gampanan ang papel ni Anthony, ang mayamang negosyanteng love interest ng karakter ni Maja. Ayon nga sa aktor, "We’re having a lot of fun sa tapings."

Maging ang Prinsipe at Prinsesa ng Masa na sina Jason at Melai ay excited sa kanilang unang pagsabak sa drama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sobrang saya ko talaga. Una, kasama ko ang mga idol ko na sina Maja at saka si Sam. ’Tapos binigyan kaagad kami ng pagkakataon sa isang teleserye," ayon kay Jason na gaganap bilang ang simpleng mangigisda na si Popoy.

Ayon naman kay Melai, na gagampanan din ang papel na Devin, "Sobrang bait [nina Sam at Maja]. Love na love nila kami kasi palagi nila kaming ginagabayan."

"Napakarami na po nilang naituro sa amin na iba’t ibang style at technique sa drama," dagdag pa ni Jason.

"Both of them [Melai and Jason] are very raw, but natural," paglalahad naman ni Sam tungkol sa dalawang bagong artista. "Galing din ako ng PBB kaya alam ko’ng nararamdaman nila as newcomers in showbiz."

Ito ay sa ilalim sa direksyon ni Jerome Chavez Pobocan. Abangan ang bagong mukha ng pag-ibig, Impostor, weekdays sa Hapontastic ng ABS-CBN simula Lunes, May 17 , 3:45 pm, pagkatapos ng PBB Teen Clash 2010 Uber .


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN