Precious Lara Quigaman plays a manipulative kontrabida in Impostor


In Precious Hearts Romances presents Impostor, Precious Lara Quigaman is cast as the elder sister of Mariz (played by Maja Salvador). As Monique, Precious knows the secret behind the impostor in the said TV series.


Kamakailan lang nang isapubliko ng beauty queen turned actress na si Precious Lara Quigaman ang relasyon nito sa hunk actor na si Marco Alcaraz. Bagama’t in-love, active na active pa rin si Lara sa kanyang showbiz career at kasalukuyan ngang busy sa kanyang pinakabagong teleserye sa ABS-CBN, ang Precious Hearts Hearts (PHR) presents Impostor.

Kasama ang "Prinsipe at Prinsesa ng Masa" na sina Jason Francisco at Melai Cantiveros, Prince of Romance Sam Milby at Drama Sweetheart Maja Salvador, mapapanood si Lara sa PHR presents Impostor bilang isang kontrabidang kaiinisan ng mga manonood.

Ayon kay Lara, hindi siya nagdalawang isip sa pagtanggap sa bagong proyektong ito. "I’ve had no hesitation in accepting the role because of the good story, heavy casting and good director at s’yempre dahil na-challenge din ako."

Dagdag pa ni Lara, gusto niya laging sumubok ng mga bagong roles. "Gusto kong mag-try ng bago para hindi naman predictable sa tao ’yung character ko. I’m not afraid to portray any role mapa-nanay man ’yan or kontrabida, conservative or ideal woman. I treat every project as an opportunity to prove myself as an actress with ’flexibility’ to portray different roles."

Bilang paghahanda, nag-research si Lara sa kanyang bagong role. "Pinanood ko ’yung atake ng mga kontrabida na tumatak sa mga tao, not to imitate them but to check kung ano na ’yung mga nagawa na at hindi pa nagagawa. Ako naman, ’yung atake ko dito is modern young kontrabida, glamorous pero pailalim umatake. "

Gagampanan ni Lara ang karakter ni Monique Benitez, ang nakatatandang kapatid ni Mariz (Maja). Si Monique ang susi sa katauhan at lihim ng Impostor. Siya ang may likha, siya ang kumokontrol, ang tanging nakakaalam sa pagkatao ng Impostor.

Nang tanungin si Lara kung may pagkakapareho sila ng karakter niyang si Monique, magka-iba raw sila. "Monique is a very sad woman with so much hatred, bitterness and hurt. I’m nothing like her. I’m easy to please and forgive. The role itself actually is very challenging."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa bigat nga ng role, laking pasalamat ni Lara at suportado siya ng boyfriend sa bago niyang TV project, "Marco is really supportive. He wants me to enjoy it and encourages me that I can do it well. Isipin ko na lang daw nag-aaway kami."

Tumutok sa mga tumutinding eksena sa Precious Hearts Romances presents Impostor at alamin kung paano paiikutin ni Monique ang buhay nina Popoy (Jason), Anthony (Sam), Devin (Melai) at Mariz (Maja). Huwag itong palampasin tuwing 3:45 ng hapon, pagkatapos ng Rosalka sa ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN