Jon Avila joins Maja Salvador and Sam Milby in Impostor


Fil-British hunk Jon Avila (left) plays Julio, the former lover of Maja Salvador’s character in ABS-CBN’s afternoon series Impostor.


Sa walong linggong pagtutok ng sambayanan sa romantic-drama series na Precious Hearts Romances (PHR) presents Impostor, kinilig ang mga manonood sa bagong tambalan nina Prince of Romance Sam Milby at Drama Sweetheart Maja Salvador.

Ngunit sa gitna ng mas tumatatag na ang "SaMaja"loveteam ay ang pagpasok sa eksena ng isa pang nakaiintrigang karakter, si Julio, na ginagampanan ng Filipino-British hunk na si Jon Avila.

Matatandaang unang nagtambal sina Maja at Jon sa 2008 TV fantasy series na Kapitan Boom na isang masayang experience ayon kay Maja. "Okay ang working relationship namin ni Jon sa Kapitan Boom. Masaya kami doon. Medyo nagkakahiyaan pa nga kami sa set noon, kasi bagong pagsasama lang namin. Pero ngayong nagkasama kami ulit sa Impostor, mas komportable na kami sa isa’t isa."

Nang tanungin si Maja tungkol sa pagsali ni Jon sa PHR presents Impostor, isang nakaaliw na sagot ang ibinigay ng Drama Sweetheart. "Noong malaman kong makakasama ko ulit si Jon bilang Julio sa Impostor, ang first reaction ko--"Ang ganda ko naman dahil ang mga kapares ko parehong inglesero, parehong macho, at parehong guwapo!" Pabiro pang pahabol ng dalaga, "Parehas silang bulol ni Sam! Pero pareho rin silang gusto matuto mag-Tagalog at nakakabilib ’yung effort nila para matuto."

Samantala, sa isang interview kay Jon, halatang may mataas itong paghanga sa Drama Sweetheart. "Maja is very worthy of being a leading lady. She is a very professional actress and very versatile in her craft."

At dahil mas matagal na sa showbiz si Maja, ikinuwento ni Jon ang pagtulong sa kanya ng dalaga pagdating sa pag-arte. "Maja is really nice kasi she’s showing us a way maximize our craft. She has taught me how to portray a good emotion. I remember one time, pagod na pagod kami dahil sa dami ng eksena but Maja was still on high energy. She taught me how to relax more at the set."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kwento ng PHR presents Impostor, isang bagong Jon Avila ang makikita. Gagampanan niya ang lalaki sa nakaraan ng tunay na Mariz (Maja): si Julio. Matapos ang aksidenteng sumira sa kanyang mukha at kalauna’y kanyang buhay, nagbabalik si Julio para bawiin ang natatanging mahalaga na lang para sa kanya---si Mariz at ang kanyang anak rito.

Sa ganda ng karakter ni Jon, maging si Maja ay excited para rito, "Excited ako sa character niya as Julio kasi hindi lang puro pa-pogi. Kontrabida naman siya dito, na good opportunity para kay Jon na maipakita niya yung kakayahan niya sa pag-arte."

Kung excited si Maja, naawa naman si Jon sa karakter ni Maja sa pagpasok niya sa kwento. "Honestly, gusto ko talaga para makatrabaho ko pa lalo si Maja. Pero sa kasi sa istorya ng Impostor, tarantado talaga role ko. Kawawa talaga si Mariz kung babalik si Julio."

Abangan kung paano babaguhin ni Julio (Jon) ang buhay ng impostor at ng mga taong nakapaligid dito. Matuklasan kaya ni Julio na ang Mariz na kinabaliwan niya noon ay hindi na ang Mariz na kaharap niya ngayon? Anong panganib ang dadalhin ni Julio sa buhay nina Devin, Anthony at Joshua? Maitaboy kaya ng ni Devin ang lalaking sumira sa pagsasama nina Mariz at Anthony?

Kasama rin sa PHR presents Impostor sina Melai Cantiveros, Jason Francisco, Precious Lara Quigaman, Bobby Andrews, Raquel Villavicencio at Izzy Canillo.


Huwag palampasin ang bagong mukha ng pag-ibig sa PHR presents Impostor, weekdays sa Hapontastic, 3:50pm, pagkatapos ng Rosalka sa ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN