Maja Salvador and Sam Milby share an airbed while taping Impostor


"Minsang nagpunta siya ng S&R, may nakita siyang air bed. Sabi niya para raw sa amin. Pwede daw kasi yun for two. ’Tapos one time dinala niya sa set. Habang nagte-take siya, since sinabi naman niyang ’para yan sa ’tin’ yun, so, doon ako nag-stay. ’Tapos ayun na!" related Maja Salvador about the bed she and Impostor co-star Sam Milby shared. Above, a shot showing Maja (holding a pillow) and Sam sharing the


Laging magkasama ni Sam Milby at Maja Salvador para sa romantic-comedy-drama series na Precious Hearts Romances (PHR) presents Impostor.


At dahil dito, naikuwento ni Maja na mas lalong tumatatag ang kanilang pagiging magkaibigan.

"Happy ako sa kung anumang friendship meron kami ni Sam. Dahil sa love team namin, may mga nanunukso na baka magkagustuhan kami, na hindi matatapos ang Impostor nang hindi magiging ’kami.’ Pero hindi kami nagpapaapekto sa gano’n ni Sam. Okay kaming dalawa, walang ilangan, parang kuntento kami sa friendship," pahayag ni Maja.

Nang tanungin kung paano niya inaalagaan si Sam bilang kaibigan, kinuwento niya: "Dinadalhan ko siya ng food kasi dinadalhan niya rin ako ng food. Sa halos araw-araw naming pagsasama, halos alam na namin kung ano yung diet ng isa’t isa. Yung favorite niya, mga cereals. Kaya kapag pumupunta ako ng grocery minsan, bumibili ako. Kapag may mga binibigay sa aking pasalubong, binibigyan ko rin siya. ’Tapos siya rin, kapag pumupunta siya ng S&R, kapag gusto ko kumain ng carbonara, yun binibigyan niya ako."

SHARING A BED. Aliw na naikuwento rin ni Maja ang tungkol sa pinagkakatuwaan nilang bed na binili ni Sam kamakailan.

"Minsang nagpunta siya ng S&R, may nakita siyang air bed. Sabi niya para raw sa amin. Pwede daw kasi yun for two. ’Tapos one time dinala niya sa set. Habang nagte-take siya, since sinabi naman niyang ’para yan sa ’tin’ yun, so, doon ako nag-stay. ’Tapos ayun na! Ako lang yung gumamit ng bed hanggang sa na-packup. Nung ginising niya ako, tinanggal niya yung hangin. So, parang nakahiga na lang ako sa sahig."

Pahayag naman ng Impostor co-star nilang si Jason Francisco, lagi raw niyang napapansing naglalaro sina Maja at Sam sa set.

"Lagi din po silang nagho-holding hands. Lagi rin silang nag-aasaran. Laging pinipikon ni Maja si Sam. Parang sobra po silang magka-close," pambubuko ni Jason.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

IMPOSTOR UPDATES. Katulad ng closeness nina Sam at Maja, mas lalong nagiging malapit na ang loob ng mga bida sa PHR presents Impostor na sina Anthony (Sam) at Devin (Maja). Sa pagpapatuloy ng kuwento, tuluyan nang napaibig ni Devin si Anthony dahil sa pag-aakalang ito ang asawa niyang si Mariz, kaya naman hindi na pinigilan pa ni Anthony ang kanyang nararamdaman na humantong sa isang "renewal of vows" o muling pagpapakasal nilang dalawa.

Ngunit kasabay ng "bagong buhay" ng mag-asawa ang sunud-sunod na rebelasyon ng katotohanan.

Paano kaya tatanggapin ni Donya Valeria—ang ina ni Anthony at lola ni Joshua—na anak ni Julio si Joshua at walang karapatan sa mga pag-aari ng mga Florencio? Paano kung tuluyan nang inamin ni Devin ang totoo niyang pagkatao kay Anthony? Ano ang magiging epekto nito sa kanilang samahan? Saang hahantong ang pagiging impostor ni Devin?

Kasama rin sa PHR presents Impostor sina Melai Cantiveros, Jason Francisco, Precious Lara Quigaman, Bobby Andrews, Raquel Villavicencio at Izzy Canillo. Mapapanood ito weekdays sa Hapontastic, 3:50 pm, pagkatapos ng Rosalka sa ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN