Maja Salvador chooses to be good friends with Impostor leading man Sam Milby


"Hindi mahirap ma-in love kay Sam. Malambing kasi siya, very responsible. Kung hindi mo pipigilan ang sarili mo, mai-inlove ka nang bongga sa kanya. Pero ako, hindi ko naman pinigil. Mas pinili ko lang ang friendship. Ang ganda kasi ng friendship namin at ayoko sirain," says Maja Salvador about her Impostor leading man Sam Milby.



Kamakailan ay napabalita ang pagsama ng pakiramdam ni Sam Milby sa set ng Precious Hearts Romances (PHR) presents Impostor. At nang mangyari ito, si Maja Salvador agad ang unang nasa tabi ng binata at siya mismong nag-asikaso dito.


Kwento ni Maja, "Nung nangyari ’yun, may konting panic involved. Kasi naman si Sam minsan hindi kumakain. Tapos that time, malamig ’yung weather. Ayun kaya siguro medyo nahilo. Inalalayan ko lang si Sam para makapag-rest."


Na-appreciate naman ni Sam ang concern ni Maja, "I know Maja was worried. Inalagaan niya ako when she saw me feeling weird."


Kapwa sila aminado na dahil sa ilang buwan nang pagsasama sa naturang afternoon series ng ABS-CBN, malalim na ang narating ng kanilang pagkakaibigan.


"Dati, we don’t talk much. When we do, usually hi and hello lang. Because of Impostor, mas nakilala ko siya nang husto. I found out na masarap pala siyang katrabaho. We really get along very well, and I think we have good chemistry. Lagi na kaming nagkakasama. We see each other even outside of work," pahayag ni Sam.


Updated din si Maja maging sa mga bagong hobby ng ka-loveteam. "May bagong pinagkakaabalahan ngayon si Sam. Super happy at super excited lagi sa motocross. Ginagawa niya ’yun every Sunday. Actually, next Sunday, ini-invite niya ako na manood daw."


Nang tanungin kung ano ang pinagkakasunduan nila, nai-share ni Maja na pareho sila ng hilig. "Pareho kaming mahilig kumain. ’Yun ’yung pinaka-bonding time naming mula noong nagkakilala kami hanggang ngayon sa Impostor."


Sa tagal na nilang magkasama sa naturang afternoon series at sa role nila bilang mag-asawa, hindi naitanggi nina Sam at Maja na posibleng mahulog sila sa isa’t isa ngunit pareho rin silang nagkasundo sa pagsasabing mas mahalaga sa kanila ngayon ang kanilang friendship.


"Hindi mahirap ma-in love kay Sam. Malambing kasi siya, very responsible. Kung hindi mo pipigilan ang sarili mo, mai-inlove ka nang bongga sa kanya. Pero ako, hindi ko naman pinigil. Mas pinili ko lang ang friendship. Ang ganda kasi ng friendship namin at ayoko sirain," ani Maja.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Kung lalong nagkakalapit sina Sam at Maja, nagkalayo naman ang mga karakter nila sa Impostor. Para matapos na ang mga kasinungalingan, nagdesisyon si Devin (Maja) na lumayas na mula sa tahanan nila ni Anthony (Sam). Binalikan ni Devin ang kanyang buhay, sa pamamagitan ng pagpapakilala ng kanyang tunay na pagkatao sa kanyang bestfriend na si Popoy (Jason Francisco).


Sa pagbabalik ni Devin sa dati niyang buhay, mahaharap na kaya nila ni Anthony ang sakit na hatid ng katotohanan?


Kasama rin sa PHR presents Impostor sina Melai Cantiveros, Jason Francisco, Precious Lara Quigaman, Jon Avila, Bobby Andrews, Raquel Villavicencio, Menggie Cobarubias at Izzy Canillo.


Napapanood ang Impostor, weekdays sa Hapontastic, 3:45pm, pagkatapos ng Rosalka sa ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN