Pilipinas Win Na Win hosts express gratitude for the support they receive from viewers


Pilipinas Win Na Win hosts Pooh (left) and Pokwang say the show not only brings fun and enjoyment to the people but also gives hope. "Siguro sobrang dami ng problema ng mga tao kaya ayaw na nila ng sobrang malungkot na show. Nagiging paulit-ulit na lang kasi yung mga malulungkot na tema. So, ang ginawa namin, yung skits puro saya at katatawanan," Pooh said about their show.


Wala na ngang makapipigil sa tuluy-tuloy na buhos ng kasiyahan at papremyong dala ng Pilipinas Win na Win. Ito ay nagkaroon ng dalawang milyonaryo sa magkasunod na linggo, kaya naman patuloy itong namamayagpag.

Araw-araw, pagpatak ng alas-dos ng hapon, mapapanood na ang mga sorporesang hatid ng Kapamilya game variety noontime show. Batay sa pinakahuling resulta ng TNS/Kantar Media nationwide ratings, namayagpag ang Pilipinas Win na Win sa ratings noong Sabado.

Bukod sa main hosts nito, mainit din ang pagtanggap ng mga viewers sa mga segment ng show. Dagdag-saya rin sa Pilipinas Win na Win ang regular guest hosts nilang sina Jason Gainza, Chokoleit at Pooh.

Sa isang exclusive interview kay Pokwang, labis na pasasalamat ang ipinaaabot niya sa mga sumusuporta sa Pilipinas Win na Win.

"Iba yung pakiramdam na nagbibigay ka ng saya sa mga tao. Lahat ng pumupunta sa studio nagpapakahirap pumila kaya tini-treasure namin yung moment na kasama namin sila. Kailangan ma-enjoy nila yung programa and at the same time dapat maramdaman nila na may pag-asa pa."

Sa gumagandang takbo ng ratings ng show, masayang ibinalita ni Pokwang na mas marami pang ikasisiya ang publiko sa Pilipinas Win na Win.

"Patuloy po kaming magbibigay ng saya at pag-asa sa bawat Pilipinong sumusubaybay sa amin. Mas pagagandahin pa namin ang show para mas maraming ngingiti tuwing hapon."

Nang tanungin naman ang mga komedyanteng sina Jayson, Chokoleit at Pooh, kaugnay ng hit segment na "Yaman ng Bayan," naniniwala ang tatlo na hit ito sa masa dahil nagagawa nitong nakakatuwa ang mga ordinaryong situwasyon sa buhay ng ordinaryong tao.

"Kasi sa ’Yaman ng Bayan’ involved hindi lang kaming mga artista, pati yung mga contestant at audience, nakaka-relate kasi nga nangyayari rin sa totoong buhay. Hindi lang kami umaarte para magpatawa. Umaarte rin kami para mailabas kung anong galing meron yung contestant," sambit ni Jayson.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Para naman kay Pooh, nagki-click ang segment dahil kahit papaano naiibsan ang kalungkutan ng manonood kumpara sa panoood ng mga teleserye.

"Siguro sobrang dami ng problema ng mga tao kaya ayaw na nila ng sobrang malungkot na show. Nagiging paulit-ulit na lang kasi yung mga malulungkot na tema. So, ang ginawa namin, yung skits puro saya at katatawanan," ani Pooh.

Batid naman ni Chokoleit ang halaga ng pagiging bahagi ng show. "Sa hirap ng buhay ngayon, bukod sa materyal na bagay, malaking bahagi rin yung napapatawa mo yung tao. At sa Pilipinas Win na Win, nabubuksan ang pinto ng bagong simula para sa kanilang mga pangarap, at laking saya kong bahagi ako ng show. Actually, panalung-panalo talaga ang sunud-sunod na magagandang programa ng ABS-CBN lalung-lalo na sa hapon. Kung kailan inaantok na ang mga tao, gigisingin namin kayo rito sa Pilipinas Win na Win!"

Abangan din araw-araw ang mga exciting games tulad ng "Perfect Combination," "Ayu-Sing Mo Na," "Yaman ng Bayan" at "Open-Susi-Me."

Mapapanood ang Pilipinas Win na mula Lunes hanggang Sabado, 2 pm, pagkatapos ng Showtime sa ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN