Tom Rodriguez says he’s not a playboy like his character Ted in M3


Tom Rodriguez plays a playboy named Ted in Malay Mo Ma-develop o M3. He threatens to shoot the character of Aga Muhlach in the episode that will air tonight.


Isa na marahil si Tom Rodriguez sa mga pinagpapantasyahang aktor ngayon sa industriya ng showbiz. Bagamat baguhan, agad na naging kapansin-pansin si Tom hindi lamang dahil sa angking kagwapuhan nito, kung hindi maging sa talento nito sa pag-arte at pagkanta. Ang miyembro na ito ng all-male group na Voizboys ay rumampa kamakailan bilang celebrity centerfold ng annual Cosmo Bachelor Bash.



Sa isang interview, inilahad ni Tom na isinasantabi muna niya ang pakikipag-date dahil sa kanyang sobrang hectic na schedule.


"Mahirap magka-love life sa schedule ng artista. Hahahaha! Siguro kapag stable na ako sa kinalalagyan ko at sa trabaho ko, pwede ko nang i-entertain uli ang love life. Sa ngayon medyo napapabayaan, e," patawang pahayag ni Tom. Subalit inamin niya sa PEP kamakailan na special para sa kanya ang Pinoy Big Brother Double Up ex-housemate na si Princess Manzon. Sa katunayan, kasama niya ito nang mag-guest si Tom kanina sa Pilipinas Win na Win.


"Kung crush meaning paghanga, lahat po ng mga nakatrabaho kong co-actors, e, talagang kahanga-hanga sa galing nila sa kanilang trabaho. Kapag wala akong eksena, pinanonood ko lng sila para mas lalo pa akong matuto," sambit ni Tom.


Kasama ni Tom sa M3 sina Megan Young at Niña Jose pati na rin ang mga actor na sina Aga Muhlach at Ai-Ai delas Alas na nagsisilbing mga mentor niya sa M3.


Maliban sa kanyang umusbong na acting career, abala din si Tom sa mga bagay na kasalukyan niyang kinahuhumalingan--ang pagkanta, pagguhit at pagpipinta. Batid ng aktor na bago pa man niya pasukin ang showbiz, malaki na ang pagmamahal niya sa musika’t sining.

"Besides acting, I’ve been busy with my singing career. And right now, I am trying to pursue my lifelong love which is painting and drawing. I hope to have my own art exhibit by next year," ibinahagi ni Tom.

Samantala, sobrang na-eenjoy ni Tom ang role niya sa M3 bilang babaerong si Ted, kahit na kabaligtaran ito ng kanyang pagkatao sa tunay na buhay. Sa darating na Sabado, matutuklasan na ni Kringkring (Ai-Ai) na hindi lamang ang mga sexy babae ang punterya ni Ted kung hindi maging ang mga matrona din.

"Yun nga ang gusto ko sa role ko, e, kasi sobrang layo nya sa totoong ako. So yung trabaho mo i-try na maka-relate sa isang character na hindi katulad mo," sabi ni Tom.

Magampanan kayang mabuti ni Tom ang kanyang role na challenging para sa kanya?

Sa episode ding ito, pagaganahin din ni Kringkring ang kanyang matalas na "female intuition." Bibigyan niya ng babala sina JM (Aga) at Bea (Megan) tungkol sa kutob niyang masamang plano ni Ted.

Tuluyan na kayang malagay sa alanganin ang buhay nina JM, Bea at Kringkring? Hanggang saan aabot ang kasamaan ni Ted?

Mapapanood ang Malay Mo Ma-develop o M3, Primetime Sabado, 10:15 p.m., pagkatapos ng Twist and Shout sa ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN