ABS-CBN’s noontime show, Happy, Yipee, Yehey! will start airing on February 12


John Estrada (top frame, left) and Randy Santiago will be joined by (L-R, bottom frame) Mariel Rodriguez, Melai Cantiveros, Toni Gonzaga and Bianca Manalo in ABS-CBN’s upcoming noontime show titled Happy, Yipee, Yehey!



Walang mapagsidlan ng tuwa sina John Estrada, Randy Santiago, Mariel Rodriguez at Toni Gonzaga dahil ilang tulog na lang, mag-uumpisa na ang Happy, Yipee, Yehey!, ang pinakabagong Kapamilya noontime show na tiyak magbibigay ng kasiyahan sa mga manonood tuwing tanghali sa ABS-CBN.


Ang launching ng Happy, Yipee, Yehey! ay gagawin sa February 12, Sabado, sa Ynares Sports Arena, Pasig City.


Sa ginanap ng thanksgiving lunch ng ABS-CBN para sa mga advertisers sa Makati Shangri-La noong February 3, tiniyak ng mga hosts na puro saya’t "walang halong away" ang kanilang ibibigay sa mga Pilipino, araw-araw.


"Sa tulong ninyo, siguradong magre-rate kami," ani John na sinundan ng hiyawan at palakpakan mula sa mga advertisers. Magkasama dati sina John at Randy Santiago sa pagho-host ng Kapamilya noontime show na Magandang Tanghali Bayan. Kasama rin nila dati si Willie Revillame sa naturang palabas na na-reformat at nakilalala bilang Masayang Tanghali Bayan at MTB Ang Saya Saya. Tuluyan nang nawala sa ere ang MTB at pinalitan ito ng Wowowee kunsaan naging main host si Willie.


Hindi rin maituturing na baguhan sa pagiging noontime show hosts sina Toni at Mariel. Limang taon ang hinintay ni Toni bago siya tumanggap ng isang pang-tanghaling programa buhat ng maging parte siya ng Eat Bulaga! ng GMA-7.

Si Mariel naman ay co-host ni Willie sa now defunct na Wowowee. Naging bahagi rin si Mariel sa Pilipinas Win na Win kunsaan naging close sila ng main host na si Robin Padilla, na kanyang asawa na ngayon.


Ang Pinoy Big Brother Double Up grand winner na si Melai Cantiveros ay magiging parte rin ng bagong noontime show kasama ang 2009 Bb. Pilipinas-Universe title holder na si Bianca Manalo.


Ang choreographer ng Happy, Yipee, Yehey! ay si Joy Cancio na nakilala bilang manager ng Sexbomb Dancers.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN